+ Add to Library
+ Add to Library

C11 Kabanata 10

“Sa sabado na ang iyong alis, Hermina?”

Tumango ako at tinusok ang suman na nasa harap ko. It’s breakfast at nasanay na rin akong kumain ng mga ganito. Masarap naman pala sila. Lalo na kapag authentic ang pagkakagawa.

Lumipas ang tatlong araw simula noong sa plaza. Sa sabado ay nagpadala ng liham ang superiora at kailangan ko na raw bumalik sa simbahan. Pwede bang magresign na? I really can’t do this. Hindi naman ako matutulungan ng pagiging madre ko para makaalis dito. Si Crisanto ang kailangan ko para makabalik na ako sa sariling buhay ko.

Tumingin ako sa mga magulang ko sa harapan. Ang Don ay nagbabasa ng dyaryo habang ang Donya ay patingin-tingin sa akin habang umiinom ng tsaa.

“Aalis na ako sa pag-mamadre, mama.”

Pareho silang napatigil. Tinarayan agad ako ng Donya.

“At sa tingin mo ay papayag ako?” kalmado nitong sabi.

“Buo na ang pasya ko, mama.”

“Wala kang magagawa, Hermina. Ako ang magdedesisyon para sa’yo.”

“Adela..” pigil ng aking ama.

My lips form into a thin line. “I don’t want to be a nun.”

Ngumisi ito. “Well, I want you to be.”

“Buhay ko ito at ako ang magdedesisyon, mama!”

Napatalon ako nang hinampas nito ang lamesa. Her eyes are dangerous and almost growling at me. Sopistikada siyang tumayo sa aking harapan. I saw Lagring at my side taking steps back.

“Kailan ka pa natutong magsalita sa akin ng ganyan! Sino ang nagturo sa iyong sumagot?!”

Tumingin ito kay papa ngunit mabilis itong umiling-iling.

“Ikaw ba?!”

“Hindi. Hindi, Adela.”

Tumingin ito muli sa akin. “Sino?! Si Lagring?” nandidilat ang mata nitong tumingin sa kasambahay na panay ang iling.

“Wala silang kinalaman dito, mama!”

“O baka naman ang iyong superiora? Ah!” tumawa ito. “Ang hampaslupa mong kaibigan?”

“Hindi siya hampaslupa. Wala siyang—"

Napatigil ako nang buhusan ako nito ng tsaa. Maligamgam nalang ito pero did she just?!

“Adela!”

Walang emosyon itong tumingin sa akin kahit hawak na ni papa ang braso niya.

“Ngayon din ay ihahatid ka sa beateryo. Hindi na natin hihintayin ang sabado!”

Umalis siya at ako ay naiwang nagpipigil ng galit na humahagod sa aking lalamunan. Gustong kumawala ng mga masasamang salita pero pinipigilan ko dahil natatakot ako mas malala pa ang gawin niya. I’m not scared to talk back who’s elder than me lalo pa at masama ang ipinapakitang ugali sa akin, but Donya Adela, she’s terrifying. Hindi ko alam na may naitatago akong takot para sa kanya.

“Papa..” tawag ko sa amang titig lang ang kayang ibigay sa akin.

Pumikit ito. “Dapat ay hindi mo sinagot ng ganoon ang iyong mama, anak.”

Napanganga ako. Ano bang masama sa sinabi ko?

“Pagpasensiyahan mo na. Ngunit maging ako ay walang magagawa sa gusto ng iyong mama para sa iyo.”

Pumatak na ang luhang pinipigil ko. “Bakit po? Wala na akong karapatan sa sarili kong buhay?”

“Hermina.” pagsaway nito. “Para din sa iyo ito, anak. Makinig ka na lamang sa kanya.”

“Pero ayoko na doon, papa.”

Huminga ito ng malalim. “Bakit ngayon mo lang sinabi ito? Maayos at payapa ka naman doon. Dalawang buwan na ang lumipas, anak. Bakit ngayon ka lang nagkakaganyan?”

Kinagat ko ang labi. “Nagtitiis lang ako, papa. Alam mo ang totoong gusto ko.”

Nagtagis ang panga nito at lumapit sa akin. Lumuhod ito sa aking paanan. Pinunasan ang iilang luha sa aking mata.

“Para ito sa iyo, Hermina. Tanging kabutihan mo lang ang iniisip ng iyong mama.”

Wala akong naisagot. I am helpless so is he. My plead can’t change his mind too.

“Kakausapin ko na lamang siya sa pagpapaalis niya ngayon sa’yo. Sinisiguro kong sa sabado pa ang iyong alis. Naiintindihan mo?”

Wala ulit siyang nakuhang sagot kaya tumayo na siya.

“Ihatid mo na siya sa kanyang silid, Lagring. Tapos na siyang kumain.” pagkatapos ay tinalikuran na ako.

Lumapit si Lagring at tinulungan akong tumayo. Kinuha niya ang bandana sa lamesa at pinunasan ang basa kong buhok at damit.

“Maligo na lang tayong ulit, senyorita.” mahinang saad nito sa akin. Ramdam ko ang awa niya sa akin.

Hermina endured it for the rest of her life. Hindi ba siya napagod? Dahil ako, oo! Nakakapanghina ang sagutan na ‘yon at nakakapagod pakinggan ang dahilan nila. Sinamahan ako ni Lagring hanggang kwarto. Lumabas nalang siya nang mailatag na lahat ng damit ko sa kama.

Pumasok ako sa banyo at tahimik na naligo. If I was in my real self, I would fight back. Hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko masabuyan ng tsaa. At never pa ako nakipagsagutan sa parents ko dahil lang pinaglalaban ko ang mga gusto kong tahakin sa buhay. They always trust and support me. They don’t tell me what to do, they will just guide me. Pero never silang nakielam at hinding-hindi sila nangingielam!

“This is stupid!” nanghihina kong bulong habang nababasa ng tubig.

Mahigit isang oras din ang itinagal ko sa banyo. Kahit papano ay nahimasmasan ako at gumaan-gaan ang pakiramdam. Habang nagsusuklay sa malaking vanity mirror ay napahinga ako ng malalim.

Tinitigan ko ang repleksyon.

“Bakit hindi na naulit iyon?”

Ang tinutukoy ko ay ang nangyari noong nag-uusap kami ni Crisanto sa plaza. The waves of Hermina’s memories haunt me. Sigurado akong memorya niya ‘yon. She’s not mistaken. Talagang may relasyon sila pero bakit hindi ako maalala ni Crisanto ngayon? But, what if subconscious niya lang ‘yon at iyon ang gusto niyang paniwalaan kaya iyon ang ipinakita sa akin.

Inipit ko ang gitna ng ilong dahil sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. I need more of it. Pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ay walang dumaloy na memorya. Hindi ko na alam ang gagawin.

Hihiga na sana ako sa kama nang mapansin kong muli ang tampipi sa itaas ng cabinet. Dinala nga pala namin ito dito dahil puro may pamaypay lang naman ang laman at isang belo.

Kinuha ko iyon at muling bumalik sa kama.

Pagbukas ko ay andon pa rin ang mga pamaypay. Collection niya siguro ito. Ang gaganda pa eh. Halatang alta. Kumuha ako ng isa at binuksan iyon at ipapaypay sana nang may malaglag na nakatuping papel.

Pinulot ko iyon at binuklat.

“Sapat na sa akin ang masilayan ka ng ilang minuto

Hinding-hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit ano sa mundo,

Ang iyong mga mata ay sinag sa aking puso,

Pagningasin mo’t, ako’y iyong-iyo.”

-Crisanto

Nanlaki ang mga mata ko. Binuklat ko pa ang ibang mga pamaypa at naglaglagan ang mga nakatuping papel.

“Sana’y makatulog ka ng mahimbing, binibini. Napakasaya ng araw na ito dahil nasilayan kong muli ang kislap sa iyong mga ngiti. Huwag na ka muling tatangis dahil hindi kaya ng puso kong pagmasdan ang iyong mukha sa ganoong estado. Nadudurog ako. Sana ay napasaya kita.” -Crisanto.

“Ano ang aking nagawa? Hindi ka sumasagot kahapon pa sa aking mga liham. Natanggap mo ba? Tatlong liham ang ipinadala ko sa beateryo kay Sanding, ngunit kahit isa ay walang bumalik sa akin. May problema ba tayo, mahal ko? Sana ay sumagot ka na upang mapanatag na ako. Ang aking damdamin ay naninibugho. Gustong-gusto kitang puntahan ngunit pinipigilan ko ang aking sarili. Ako’y nakikiusap at lubos na humihingi ng kapatawaran kung anuman ang iyong ikinasasama ng loob. Magkita tayo sa ating tagpuan. Parehong oras. Hihintayin kita, aking binibini.” -Crisanto.

Marami pa ang mga maliliit na papel na iyon. Nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa lahat ng nakasulat doon. They are communicating! May mga poems, replies to what Hermina probably wrote for him, may mga updates lang din sa buhay niya! Halos maiyak ako sa effort. This is rare. So pure. May isa pang papel na may nakaipit na bulaklak. Though it’s decayed, I knew that it’s a rose.

Inabot ako ng tanghali kakabasa sa mga sulat. Naririnig ko pang kumatok si Lagring sa aking kwarto pero wala ako sa ulirat para labasin siya. Nang matapos lahat ay lalong sumakit ang ulo ko.

Paano ito? Bakit hindi ako maalala ni Crisanto? Bakit clueless siya tungkol sa akin? How can I revive their relationship if he didn’t even know my stand in his life? Gulong-gulo ako. Hindi ko alam paano ko sisimulan itong misyon na ito. This is a suicide mission! Napaka komplikado ng relasyon nila. Tapos ako ang isusubo nila?!

They are wrong in the eyes of her family, in the eyes of everyone, and talagang kinalaban nila si God?! Bakit ipinilit pa nila ito?

“Ah, gosh.” ikot ko sa aking batok. “Dito yata ako magkakaroon ng high blood, hindi dahil hindi ako nag-diet.”

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Nagka-amnesia ba siya at hindi niya ako matandaan? Nanlaki ang mata ko, naaksidente siguro sila kaya namatay si Hermina tapos nagka-amnesia itong si Crisanto!

Lakas naman maka-drama sa tv. Umiling-iling ako. Ano kayang nangyari? I need to do something. Babalik na akong beateryo sa sabado. Kaya dapat na akong kumilos.

How can I tell him that we are in a relationship?

Based on his letters, mayroong isang tao na nakakaalam ng relasyon nila. Muling nanlaki ang mata ko at napabalikwas.

Si Sanding! Ang pinsan niya ang sagot sa lahat ng ito!

Niligpit ko ng maayos ang mga sulat. Naghanap ako ng maayos-ayos na wallet para doon ko nalang ilalagay lahat ng sulat. May nakita akong isang maliit na parang katulad sa tampipi ang pagkakagawa. Anong dahon nga ito? Basta, pwede na ito.

Inipit ko iyon ang pinakailalim na short ko. Tatlong patong naman itong damit ko kaya imposible na makapa o mahulog ito sa akin.

Mas magaang ang pakiramdam ko nang lumabas ng kwarto. Halos ngitian ko ang mama at papa na kumakain sa hapag. Nanliit ang mata ng donya at tila naramdaman ang light disposition ko. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makaupo ako.

Tumaas ang kilay nito. “Nakiusap ang iyong ama at nais niyang sa sabado ka na bumalik sa beateryo.”

Tumango lang ako sa hinayaan si Lagring na lagyan ako ng kanin at ulam.

Tinititigan pa rin ako ng donya kaya nagsimula nalang akong kumain. Hindi siya kailangang makahalata na may balak ako.

“Pupwede ba akong bumisita sa isang kaibigan mamaya?” tingin ko rito.

Kanina pa rin ako tinitimbang ng Don Damien.

Ngumiti ito. “Mabuti! Oo naman—”

“Sinong kaibigan?” putol ni mama sa papa.

Kumurap ako. “Iyong kasamahan ko sa beateryo. Nakabakasyon din siya.”

Tumango muli ang senyor. “Ganoon ba. Osiya sige, maaari kang—”

“Bakit? Magkikita na rin naman kayo sa beateryo. Babalik ka na roon sa sabado, hindi ba?”

“Adela..” masuyong tawag ng papa. “Hayaan mo nang magliwaliw ang mga bata.”

“Saan kayo magkikita?”

“S-sa plaza lang.” inalis ko ang kaba. “Sasamahan ako ni Lagring.”

Alam kong kapag sinabi ko ito ay hindi na sila magtatanong pa. Ironically, wala silang tiwala sa akin pero sa ibang tao, meron.

Tahimik na tumingin ang Donya sa kanya.

“P-po? Opo, opo! S-sasamahan ko po ang senyorita.”

Huminga ng malalim ang Donya at hiniwa na ulit ang karneng kinakain.

“Basta’t huwag kayong magpapaabot ng takipsilim.” pairap itong nagtaas ng tingin sa akin. “Saglit ka lang.”

Tumango-tango ako.

As if. After this I won’t be here anymore. Babalik na ako sa tunay kong magulang dahil ang worst ng kalakaran niyo!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height