+ Add to Library
+ Add to Library

C12 Kabanata 11

“Saan ba talaga ang tungo natin, senyorita?”

Huminga ako ng malalim at mas lalong tumitig sa malaking salamin sa aking harapan habang hinihigpitan ni Lagring ang mga tali sa likod ng aking damit.

“May kilala ka bang Sanding?”

Kita kong napatigil ito at kumunot ang noo. “Sanding, senyorita?”

“Oo. Hindi ko alam ang apelyido niya eh. Pero pinsan siya ni Crisanto.”

Napatingin ito sa akin. “Magkaibigan ba kayo ni Crisanto, senyorita?”

“Bakit?”

Nakibit-balikat ito at muling bumalik sa ginagawa. “Kasi nag-uusap kayo noong nanuod tayo sa kanilang pagtatanghal at ngayon ay kilala mo ang kanyang pinsan.”

“May itatanong lang ako.”

“Ano iyon, senyorita?”

Tumaas ang gilid ng aking labi sa kanyang ka-chismosahan. “Marites ka din pala.”

“Lagring ang aking ngalan, senyorita?” patanong pa nitong sagot.

Umiling nalang ako at humarap sa kanya. “Ano? Kilala mo ba siya at kung saan siya nakatira?”

“Hindi, senyorita.” titig nito sa akin. “Ngunit pupwede tayong pumunta kay Crisanto upang itanong sa kanya.”

“Pupunta pa tayo ng casa kung ganon.”

“Ay hindi na doon naglalagi si Crisanto, senyorita. Dahil tuluyan na yatang binili iyong lote ng mga negosyante. Nakakaawa nga po e.”

“Eh saan na siya tumutuloy?”

“Ang alam ko ay pinapatuloy siya ng ama ni Trinidad sa kanila. Siya din ang nagpasok kay Crisanto sa tanghalan at nagbigay ng trabaho sa lalaki.” kinilig pa. “Kaya talagang sa tingin ng lahat ay may ugnayan na ang dalawa.”

“Hindi naman sila umaamin ha.”

Ngumuso ito. “Tinanong mo, senyorita?”

“Oo. Hindi raw sabi ni Crisanto.”

“Naku!” siniko pa ako nito. “Lagi namang ganyan ang sagot nilang dalawa. Marahil ay gusto nila ng payapang relasyon. At isa pa ay napakahinhin ni Trinidad kaya sigurado’t nahihiya iyon kapag tinutuya.”

Napahawak ako sa sentido. Two-timer pa yata ang hinayupak! Bakit nga naman ako maniniwala sa sinasabi niya, eh siyempre hindi iyon aamin. Kung ang tingin ng lahat ay sila, malamang ay totoo! At bilang pakboi, hindi siya aamin! Wala din naman palang pinagkaiba sa mga lalaking nakasalamuha ko.

Iniwan ako ni Lagring sa kwarto dahil tatapusin niya muna daw ang huling gawain niya sa kusina bago kami tutulak kila Trinidad. Parang nawawalan tuloy ako ng gana. What if sa ibang tao kami magtanong? Kahit naman hindi ako ang totoong Hermina, kung talagang may relasyon si Trinidad at Crisanto, ay nalulungkot ako para sa kanya. Ramdam ko na mahal na mahal niya ang lalaking hindi ko alam kung pinaasa lang siya.

I sighed. “Anong gagawin ko kung sakaling niloloko ka lang niya, Hermina?”

Kinuha ko ang maliit na tampipi sa ilalim ng aking bestida. Nandoon pa rin ang mga papel kung saan puro sulat ni Crisanto ang nakalagay. Sumakit lalo ang ulo ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero yung problema padagdag ng padagdag.

Pero pwedeng maliwanagan ako once na makausap ko si Sanding. I just need to bear Trinidad’s presence.

Narinig ko na ang katok at tawag sa akin ni Lagring sa labas ng aking pinto.

“Halina, senyorita. Umalis na rin ang iyong mama at papa.”

Kumilos na ako at muling tinitigan ang sarili sa salamin. Maganda ka, Hermina eh, uto-uto ka lang!

“Gusto mo bang sumakay tayo ng kalesa, senyorita? Malapit lamang mula rito ang tahanan ng mga Elorde.”

“Maglakad nalang tayo.”

Because I want to think. Paano kung si Trinidad nalang ang tanungin ko. Mas accurate siguro ang isasagot niya. Pero katulad ng sinabi ni Lagring, mahinhin daw at nahihiya. Wag na nga, baka masargo ko lang.

Habang naglalakad kami ni Lagring ay naaliw din ako sa mga itinuturo niyang mga lugar. Nagtataka man kasi halos wala akong alam sa lugar kahit doon daw ako lumaki at ipinanganak ay sinasagot naman niya ang mga tanong ko. Lagring is much younger than me, pero matured na siyang mag-isip. Prim and proper pa rin kahit mababa ang tingin sa sarili. Ika nga niya, indio na siyang pinanganak kaya indio rin siyang mamamatay.

It’s been a while since I came here, and this is one of the sad realities of our ancestors. Nababasa ko lang ito noon pero ngayong nakikita at nararamdaman ko sila, I can’t stand it. Baka naging tulisan din ako sa panahong ito kung sakali.

“Wala ka bang planong mag-aral, Lagring?”

She stopped talking mid-air. Nagugulat sa tanong ko. Ngumiti ako para hindi siya mailang o mahiya. Lalong nanlaki ang mga mata niya.

Halos mangilid ang mata niya ng luha, Tumigil kami sa paglalakad.

“Huy, bakit?” medyo nagi-guilty ako kasi baka na-offend siya.

Kinagat niya ang labi. “Akala ko’y hindi na ikaw ang senyoritang kilala ko.” At tuluyan na siyang umiyak.

“B-bakit?”

Ngumiti naman siya ngayon. “Nagtataka na kasi ako kung bakit tila baguhan ka sa buhay at lugar na ito, senyorita. Ilang buwan palang naman simula noong lumipat ka sa beateryo. Kaya’t nag-aalala na akong nakalimutan mo rin ako.”

Huminga lang ako ng malalim.

“Dose anyos palang ako ay nasa inyo na ako, senyorita hindi ba?” ngumuso ito. “Kaya simula noong lumipat ka ay talagang nalungkot ako.”

“Pasensiya ka na.”

Umiling ito. “Hindi senyorita. Ayos lamang. Masaya ako na hindi mo pa rin nakakalimutang itanong sa akin iyan. Dahil noon pa man ay pinipilit mo na akong mag-aral.”

At least you’re kind, Hermina.

“Dahil dapat naman kasi talaga.”

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. She said she tried enrolling when I left for “my dream”. Pero hindi rin natuloy dahil nagkasakit ang kanyang ina at kailangan niyang suportahan ang dalawa pang kapatid bilang panganay. She tried again but failed dahil ayaw na siyang tanggapin dahil super late na raw siya sa age at wala siyang kakayahan bumili ng mga kailangang libro. Hanggang sa napagod na siya at tinanggap nalang ang kapalaran.

She’s 17 now, and the thought of her as early as 12 years old, ay nasa amin na siya made me sick and sorry for her. Dapat ay nag-eenjoy pa siya sa kanyang kabataan.

“Malapit na tayo, senyorita.”

Nawala na sa isip ko iyon, kaya nang in-anunsyo ni Lagring na malapit na kami ay parang sinilaban bigla ang puso ko sa kaba. Anong sasabihin ko? Hindi sa ayaw ko silang makaharap pero, parang nakakairita pa rin na isiping niloloko niya kami pareho.

Bago ko pa mapigilan si Lagring ay tumapat na kami sa isang bahay kubo. Magandang bahay kubo. Mayroon silang taniman sa gilid ng mga orchid na lalong nagpaganda sa labas ng bahay. Hindi ganon kalaki ang bahay ngunit maaliwalas. May mga manok din na pagala-gala at tumutuka sa lupa sa paligid ng bakuran. May malaking puno ng mangga na nagbibigay ng lilim sa buong kabahayan.

Lumabas ang isang matandang lalaki sa tawag ni Lagring.

Sa ilalim ng salamin at tinitigan kami nito. Kumaway si Lagring.

“Si Lagring ho ito, mang Pipo.” Itinuro ako nito. “Kasama ko po ang senyorita”

“Aba, naku, Lagring!” mabilis itong lumabas ng bahay at pinuntahan kami.

Binuksan nito ang kahoy na gate at pinapasok kami. Binugaw pa nito ang mga manok na nagtatakang lumapit sa amin.

“Naku! Ano ang inyong sadya?” tumingin ito sa akin kaya ngumiti ako. “Pasensiya ka na, Hermina at maalikabok gawa ng kawawalis lamang sa mga dahon.”

“Wala pong problema.”

“Halika’t pumasok na muna kayo. At marurumihan ang iyong saya. Sayang at napakagara pa naman.”

They know me, though.

Habang papalapit kami sa bahay ay kumakabog ang dibdib ko. Inangat ko ang damit para hindi sumayad sa lupa. Pagpasok namin ay mahabang kahoy na upuan agad at tanaw na ang kusina mula sa pinto.

“Hermina?” boses ng matandang babae. Mukhang ito ang may bahay ng lalaki.

Umupo kami at pinagmasdan ang munti ngunit malinis nilang bahay. Nagpaalam ang lalaki na may kukuhanin kaya ‘yung asawa na niya ang humarap sa amin.

“Madre na pala. Naku, pasensiya na hija. Kay tagal na simula nang huling magkita tayo. Siguro’y akay-akay ka pa ng iyong ama.” ngumiti ito at kitang-kita na ang lines sa mata.

Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam na kilala nila ang mama at papa.

“Sakto at kakakuha lang namin ng mga saging. Saba pa nga lang ang mga ito ngunit napakuluan ko na. Masarap ito habang mainit. Mag-meryenda na muna kayo.”

“Salamat po, nang!” ngiti ni Lagring.

Ngumiti ito at tumalikod para kunin ang sinasabi.

“Nasaan sila?” bulong ko kay Lagring.

“Ay.” napatalon pa ito. “Nang, nasaan ho sila Trinidad?”

Napatingin ako sa labas nang diretsong tanungin iyon ni Lagring. There’s nothing wrong, damn it! Bakit ba parang naiiskandalo ako.

“Ay naku, sinamahan si Crisanto doon sa planta. Sila ang kumukuha ng mga saging na ito.”

Tumango ito. “May nais yatang itanong ang sen—

“Ah!” tumawa ako habang tinatakpan ang bibig ni Lagring. “G-gusto ko lang pong mag-ikot-ikot.”

Napalingon ang matandang babae sa akin. Lumapit na siya dala ang isang mangkok ng mga saging na laga. Nilapag niya ito sa maliit na center table sa harap namin,

“Babalik ka na ba sa beateryo?”

“Opo.”

Ngumiti ito. “Tama. Magliwaliw ka na muna habang naririto ka pa.”

Tumango ako at ngumiti. “Salamat po sa saging.”

Nilahad niya ito sa amin at napatingin ako kay Lagring na halos iluwa ang saging na nanguya na dahil umuusok pa ito.

“Ganito talaga ito kainin, senyorita.”

Tumawa ang matanda. “Ang batang ito talaga. Kumakain ka ba nito, hija?”

“Opo, opo.” awkward akong tumawa.

“Hayaan niyo at maya-maya ay naririto na sila.”

“Saan ho ba iyon?”

Napatingin sa akin ang dalawa. “Bakit? Gusto mong doon bumisita, senyorita?”

Nakatingin silang dalawa sa akin kaya napilitan nalang akong tumango.

“Tama. Kaysa dito kayo maghintay ay mas maaaliw ka roon. Dalhin mo siya roon, Lagring.”

“Gusto mo, senyorita?”

“Ah, sige po.”

Naisip ko rin kasi na parang ang awkward kung dito kami mag-uusap. Maliit ang bahay at alam kong nasa loob ang lahat kaya maririnig nila ang pag-uusapan namin ni Crisanto.

Kumuha pa ng tatlong saging si Lagring bago kami umalis. Mula roon ay kailangan na daw naming sumakay ng kalesa dahil medyo malayo na. Habang nasa byahe ay nag-iisip na ako ng sasabihin kay Crisanto kung bakit ko hinahanap ang pinsan niya.

Habang tumatakbo ay nag-iiba na rin ang lugar. Medyo mapuno na at may dinadaanan na kaming palayan. May mga magsasaka ring kumakaway sa amin kaya kinakawayan din sila pabalik ni Lagring. They are friendly here. Ilang minuto pa ay muling mga puno at mga talahiban ang aming dinadaanan. May mga tao ring dumadaan, buhat ang mga kahoy sa kanilang mga balikat. Hanggang sa makarating na kami sa taniman ng mga saging.

“Hayun sila, senyorita.” turo ni Lagring sa gitna ng taniman.

Maraming taong nakapaligid sa kanila, naghaharvest din ng saging pero parang sila ang center of attraction. Tawa ng tawa si Trinidad habang itinuturo kay Crisanto ang saging na dapat kuhanin. Kumibot ang itaas na labi ko.

Bumaba kami sa kalesa dahilan ng pagtigil nilang lahat. Nakatingin na sila ngayon. Itinaas ko ang aking noo habang diretsong nakatingin kay Crisanto. He blinked his eyes, drop the hook he’s holding then fixed his attention on me. Naririnig ko ang tawag ni Lagring kay Trinidad pero hindi ko pinuputol ang tinginan namin ni Crisanto.

Siya ang unang bumitaw. Inayos niya ang mga nakuhang saging.

“Lagring..” malamyos na tawag ni Trinidad habang nakatingin sa akin.

Dahan-dahan ko rin siyang tinignan at nginitian ng maliit. Nag-bow siya pero seryoso pa rin ang ekspresyon. Ano, ayaw mo akong nandito? As if, gusto rin kitang makita.

Pinigilan kong itaas ang kilay.

“Nais ko sanang makausap si Crisanto.”

Grabe, di ko akalain na makukuha ko ang salita nila sa maikling panahon. Medyo bagay pala sakin.

Tumingin si Crisanto sa akin na nagtataka. Ngumiti si Trinidad sa kanya at inilahad ako.

“Nais ka niyang makausap.”

Ay, hala? Inulit? Bingi ba siya ate ko? Bakit ba ako naiirita? Wala namang siyang ginagawa. Baka ayoko lang sa mga babaeng pabebe? Pero mahinhin naman talaga ang mga babae sa panahong ito, Vinta!

“Ano iyon, binibini?”

Halos gusto kong mapangiti sa tawag niya sakin. Taas noo kong tinignan si Trinidad dahil gusto kong makita kung maiinis ba siya sa lambing ng pagkakatawag sa akin ni Crisanto, pero kumurap lang ang mahabang pilik-mata niya sa akin.

Bumaling ako kay Crisanto na masama ang loob. “’Yung tayong dalawa lang sana.”

Nakita kong napakamot si Lagring sa kanyang pisngi. Parang nagtataka pa kung bakit in private pa pero hindi na nagsalita.

Nagtinginan ang dalawa at halos maningkit ang mga mata ko. Ano need ba magpaalam?!

Ok fine! Edi ‘wag.

“Alam mo ba kung saan nakatira si Sanding?”

Mabilis kong nakuha ang atensyon niya. Tumagilid ang ulo niya at tinitigan ako.

“Kilala mo si Sanding?”

Tumango ako. Lahat nang pinag-isipan kong dahilan kanina ay hinipan nalang ng hangin. Bahala na siya mag-isip kung bakit at paano ko nakilala ang pinsan niya!

Naiirita ako sa kanilang dalawa!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height