+ Add to Library
+ Add to Library

C13 Kabanata 12

“Paano mo siya nakilala?”

“Kaibigan ko. Nakalimutan ko nalang ang bahay niya noong umalis ako rito.”

Kumamot ito sa ulo. “Magkaibigan pala kayo.”

Ngumiti si Trinidad sa akin. “Wala atang naikukwento si Sanding sa atin,” siko nito kay Crisanto.

Anong sinisiko-siko mo dyan! Nakikisabat di naman kasali. Naku! Vinta, napaka-bitchesa mo. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao!

“Sasamahan ko na kayo.”

“Kasama ko na si Lagring. Kaya sabihin mo nalang sa amin ang lugar.”

Napatitig silang tatlo sa akin and I realized na medyo harsh ‘yung tono ko. I cleared my throat and smiled shyly.

“I mean, ayoko ng makaabala sa ginagawa niyo.”

Tuluyang ibinaba ni Crisanto ang hawak na panungkit.

“Tapos na rin kami. Ihahatid ko nalang muna si Trinidad sa kanilang tahanan pagkatapos ay tutulak na tayo.”

“H-hindi ba ako p-pwedeng sumama?” mahinang sabi ni Trinidad.

“Naging mahaba na ang ating araw. Magpahinga ka na lamang muna. Sandali lang siguro kami roon.”

“Pwede naman kasing kami nalang ni Lagring.”

I can’t contain the pissed dripping in my statement. Para talagang nakukuha ko na ito. Alam na alam ko na ang galawan na ‘to. He’s definitely two-timing! Ganitong-ganito ang naririnig ko sa mga cheater eh.

“Hindi iyon alam ni Lagring, binibini. Isa pa..” tinignan ako nito mula paa hanggang ulo. “Kailangan ninyo ng lalaking kasama. Magulo ang lugar na iyon.”

Nagtitigan kami. Does he know that I’m pissed? Na alam ko nang pinagsasabay niya kami kaya ngayon ay gusto niya akong utuin ulit? And what’s with my dress? Hanggang paa ko na ito kaya ano pa bang problema? O baka naman sobrang ganda ko?

“Sige” hamon ko.

Let’s see what more lies linger on his lips.

Naniningkit ang mga mata ko sa kanilang likod nang makasakay na kami sa kalesa. Nasa harapan silang dalawa at kami ni Lagring sa likod pabalik sa bahay ng babae.

Pumasok pa si Crisanto sa bahay nila Trinidad para daw magpaalam sa dalawang matanda. Napairap nalang ako nang kumaway si Trinidad sa lalaki na akala mo eh, aakyat na ulit ng barko ang asawa niya tapos ay ilang taon bago makabalik ulit. Mas OA pa pala ‘to sakin!

“Bakit umiikot ang mata mo, senyorita?”

Tinignan ko nalang ng masama si Lagring pagkatapos ay bumaling sa harapan pero hindi ko tinatangkang tumingin kay Crisanto na pinagmamasdan ako.

“Ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan, binibini. Ngunit nais kong malaman kung ang iyong pakay kay Sanding ay kailangang-kailangan na?”

“Bakit?” taas kilay kong tanong.

“Dahil pupwede akong magpadala ng sulat sa kaniya. Hindi ko rin sigurado kung siya ay nasa kanilang balay.”

“Bat ngayon mo lang sinabi?”

Nilingon ako nito. Kumunot ang noo. “Pagbaba niyo palang ng karwahe kanina sa sagingan ay galit ka na. Ayokong makadagdag sa pagkakasira ng iyong araw.”

Narinig ko ang hagikhik ni Lagring sa gilid kaya tinignan ko nalang siya ng masama.

Huminga ako ng malalim. “Gusto ko siyang makausap ngayon.”

Tumango ito at umigting ang panga bago tumingin sa dinaraanan namin. Tahimik kaming bumiyahe. Malayo pala talaga ito at dumami na rin ang tao na nasa kalsada. Nasa ibang bayan na yata kami. Kaliwa’t kanan ang mga sari-saring paninda sa gilid ng daan. Maingay ang mga tindera para makuha ang atensyon ng mga paroo’t-paritong mamimili.

“Magnanakaw!”

Kumunot ang noo ko at nilingon ang pinanggalingan ng sigaw ng isang babae. Dumaan ang mga kumakaripas at maruruming bata sa aming gilid, tanda na sila ang magnanakaw na tinutukoy. Parang nasa Quiapo lang ha.

Ilang minuto pa ay lumiko kami sa isang mas makipot na daan. Kabit-kabit ang bahay na kahoy at pawid. Marami rin ang kalat sa paligid. Ipinahinto na ni Crisanto ang kalesa.

“Dito nalang po, mang Gaspar.”

“Salamat sa inyo, Crisanto!”

Naglakad pa kami ng kaunti para marating ang tinitirhan ni Sanding nang makasalubong na namin itong may mga kahoy na bitbit sa kanyang balikat. Marungis ang damit ang mukha nito.

“Crisanto!”

Nakangiti itong tumingin kay Crisanto at sa amin. In-eexamine pa yata ako bago bumaling ulit sa pinsan niyang nakatingin naman sa akin ngayon.

“Nagtatrabaho ka pa ba?” tanong ni Crisanto dito.

Ibinaba nito ang mga bungang-kahoy at nagpunas ng mukha gamit ang marumi ring bimpo.

“Oo. Swerte nga kami ngayon dahil isang bulto ng sako ng mga uling ang iaangkat mamaya. Roon daw dadalhin sa babuyan.”

Tumango si Crisanto at inilahad ako.

“May nais daw siyang tanungin ng personal sa iyo.”

Ngumiti ako ng malawak kay Sanding. Hinawakan ko pa ang mga braso niya para talagang ma-feel niya na close kami. Close naman talaga sila ni Hermina diba? Pero bahagya siyang umatras at ngumisi-ngisi sa akin.

“B-binibini,” pagak itong tumawa. “I-ipagpaumanhin niyo po ngunit ako po’y marungis at amoy usok.”

Tumawa ako. “Ayos lang, ano ka ba. Hindi ka naman iba sa akin.”

Hindi ko pinapansin at lalong hindi ako nagpapa-apekto sa panunuri ni Crisanto sa akin sa gilid ng aking mga mata. Mas nilawakan ko ang ngiti kay Sanding.

“Can we talk? Este, pwede ba tayong mag-usap?”

“Binibini,” si Crisanto

Hindi ko siya pinansin. Muli kong hinawakan ang braso ni Sanding na ikinatalon niyang muli. Nagpalit-palit ang tingin nito sa dalawa sa likod ko.

“’Yung tayong dalawa lang sana kasi importante talaga ‘yon, eh.”

“Binibini..” muling tawag ni Crisanto ngunit nahaluan na ng konting diin.

Sasagutin ko na sana siya nang marahan akong hilahin ni Lagring pabalik sa tabi niya.

“P-pasensya na. May pagka-bulgar ang senyorita gawa ng nakasanayan niya noon sa ibang bansa.” tungong sabi nito kay Sanding.

Oo nga pala! Hindi nga pala uso dito ang touchy as a friend!

“Ay naku, sorry! Sorry.” Ngumisi ako. “Pero sana makausap kita.”

“Binibini,” si Crisanto ulit.

“Bakit ba?!”

Umigting ang panga nito sa pasigaw kong baling sa kanya.

“Maghintay nalang muna tayong matapos siya sa kanyang trabaho. Hindi pa siya pwedeng umalis ngayon para makipag-usap sa iyo.”

Nakita kong tumango-tango si Sanding sa sinabi ni Crisanto. I think he’s younger than Crisanto, pero hindi ganoon kalayo ang gap.

“P-pasensiya na, binibini. Nagkataon po kasing marami ang aming ipapadalang produkto mamaya.”

“Ganon ba?”

Tumango ito at ngumiti. “Ngunit susubukan ko pong bilisan ang mga kilos upang matapos ako agad rito at makapag-usap na tayo sa iyong sadya.”

My lips twitched. Ano bang magagawa ko?

“Anong oras kami pwedeng bumalik?”

“Pupuntahan ko na lamang kayo sa aming lola, binibini.” Tumingin ito kay Crisanto.

Tumingin ako kay Crisanto na nakatingin pa rin sa akin. “Tutuloy muna tayo sa aking lola, binibini. Mas malapit iyon dito. Hindi ka rin makakapagpahinga dito. Masakit sa mata ang usok ng paggawa ng uling.”

Tumango na ako at hindi na nagmatigas kahit gustong-gusto ko na siyang makausap. Nagpaalam kami at naglakad papunta sa tinutukoy nila. Sa isang mas maliit na bahay ay pinatuloy kami ng isang matandang babae. Nakayuko na itong maglakad dahil sa katandaan habang hawak sa dibdib ang balabal sa kanyang balikat.

Nagmano si Crisanto at Lagring sa kanya.

“Kaawaan kayo ng Diyos,” patong ng kamay niya sa mga ulo nito tapos ay magiliw siyang ngumiti sa akin kahit wala na ang mga ngipin.

“Ipagpaumanhin ninyo senyorita ang aming balay.” dahan-dahan nitong sambit. “Hindi na ako nakapag-samsam dahil biglaan ang inyong pagdalaw.”

Ngumiti ako dito. “Naku! Wala pong anuman iyon. Kami po dapat ang mahiya dahil hindi po kami nagsabi.” inabot ko ang kamay niya at nagmano din. “Ako po si Hermina.”

Abot-mata itong ngumiti sa akin at tumango.

“Ano ba ang inyong sadya rito? Napakagara pa ng iyong kasuotan. Marurumihan lamang iyan, hija.”

“Si Sanding ang kanyang sadya, lola.” si Crisanto na hinahawi ang mga maalikabok na kurtina pagpasok namin. “Kukunin ko ho itong mga kurtina, inang. Lalabhan ko po at ibabalik sa Lunes.”

“Naku, bata ka talaga. Hayaan mo na iyan diyan.”

“Kaya ho kayo nagkakasakit eh. Dahil sa kapal ng dumi ng mga kagamitan.”

“Nalilinisan naman iyan ni Sanding kapag may oras siyang makapunta dito.” ngiti nito sa akin.

“Kaya nga ho ako na muna ngayon dahil marami siyang trabahong kailangang tapusin.” Paismid itong lumingon sa akin at saka dinala ang mga kurtina sa kung saan.

Kumunot ang noo ko sa attitude niya. Bakit ba parang siya ang naaabala ha? Oo, humingi ako ng tulong sa kanyang pumunta dito pero hindi ko naman sinabing samahan niya ako. Siya pa nga ang nagpumilit!

Tumayo ako at in-excuse ang sarili. Itinuro ko kay lol ana pupuntahan ko si Crisanto. Ngumiti siya ulit sa akin. Ang ganda ko siguro talaga kaya ngiti siya ng ngiti sa akin.

Hinanap ko si Crisanto sa likod-bahay at nakita siyang isinasalansan ang mga panggatong ng kanyang lola.

“Crisanto!” tawag ko.

Nilingon niya ako at tinigil ang ginagawa. “Bakit, binibini?”

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Gwapo sana, two-timer lang!

“Anong problema mo?”

“Wala naman.” kunot-noo niyang sabi.

“Eh bakit ka ganyan?”

“Maaari mo bang palawigin pa ang iyong tinuran? Hindi ko mahinuha ang iyong ibig sabihin.”

“Bat ka galit?”

“Sa iyo?” tumagilid ang ulo nito. “Hindi ba’t ako dapat ang nagtatanong niyan, madre?”

Tumaas ang kilay ko. “What’s with the attitude?”

Tinitigan lang ako nito pagkatapos ay bumalik ulit sa kanyang ginagawa. Mas lalo akong nag init.

“Hindi ko naintindihan ang iyong sinabi. Pasensiya na, binibini. Isang hamak na ulila lamang ako at mangmang.”

“Yeah, right. You’re dumb.”

Nagtagis ang bagang ko nang wala siyang reaction sa sinabi ko. Lalo akong nainis. Pumuyos ang galit at sakit sa aking puso. Hindi ko alam. Ako ang nagbitiw ng salita pero ako ang nasaktan. But he deserved it! Why am I getting hurt because he’s not defending himself to my striking words.

“Ang tanga mo!”

Lumingon siya sa akin na may nanlilisik na mata. Yeah, magalit ka. Sumagot ka! That’s how I want it.

“Hindi maganda iyang sinasabi mo laban sa akin, binibini. Anong ikinagagalit mo?”

“Anong ikinagagalit ko?” nanggigigil kong sinabi.

Kinuha ko sa aking saya ang maliit na wallet na dala ko at binato sa kanya ang mga sulat na galing sa kanya. I feel like he cheated on me! Nangangati ang kamay kong sampalin siya!

“You’re a playboy! Pinaglalaruan mo kami ni Trinidad. Tapos sasabihin mong wala tayong relasyon? Eh, ano ‘yang mga pinagsasabi mo diyan?”

Isa-isa niyang pinulot ang mga nakatuping papel. Kunot na kunot ang kanyang noo habang tinitignan iyon at ako. Caught off guard na ba, Crisanto? You fvcking lied on a dead girl! Paasa ka!

“Hindi ko alam ang pinaparatang mo sa akin.” binuklat niya ang isang papel. “Ano ang mga ito, binibini?”

Pagak akong tumawa. “Ano ‘yan? Hindi ka na rin marunong magbasa ngayon?”

Hinila ko sa kanya ang nabuksan niyang papel at halos lumuwa ang mata ko sa nakita.

Blanko ang papel!

Napakalinis at walang bahid ng tinta ng kung anumang panulat na ginamit niya. What the hell happened? Inagaw ko sa kanya ang ibang papel at binuksan. Lahat walang sulat!

Mali ba ‘yung mga nakuha kong papel? Pero hindi eh, chineck ko ang mga ito bago ko nilagay sa wallet.

“Nasaan na ang mga nakasulat dito?” inis kong sabi.

Gulong-gulo na ako hindi ko na mailagay kung ano ang paniniwalaan ko. Sigurado akong may mga nakasulat dito. Naiiyak na ako sa galit, pagod, panghihinayang sa hope na makukuha ko na sana ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Para akong binagsak ulit sa ibaba. Pati pag-iisip ko hindi ko alam kung normal pa bang gumagana. Kinukwestyon ko na ang mental health ko.

“Nasaan na ‘yon?” pumatak ang isang butil ng luha sa blankong papel. Nakakalat na lahat sa lupa ang mga iyon at malinis na malinis pa.

“Binibini..” tawag ni Crisanto nang makitang nagtuloy-tuloy ang luha ko.

Umupo ako at tinitigan ang mga papel pero wala talagang lumalabas na sulat. Hindi ko na alam ang gagawin. Anong ipapakita kong ebidensya ngayon? I brushed my hair out of frustration. Wiped my tears but keep on falling. Ramdam ko ang pag-aalala ni Crisanto na nakatayo sa aking harapan.

“Binibini, tumayo ka riyan. Pag-usapan natin kung ano ang iyong dinadala.”

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height