+ Add to Library
+ Add to Library

C14 Kabanata 13

I was absentmindedly serving soup for the kids when Clara bumped my shoulder.

“Ano at natulala ka diyan, Hermina. Naghihintay ang paslit sa iyong salok.” nangingiti nitong nguso sa batang nag-aabang sa soup na ilalagay ko sa kanyang bowl.

“Paumanhin, bata.” ngiti ko

“Salamat po, madre.” ngiti rin nito pabalik.

Huminga ako ng malalim at sinalukan din ang sumunod na bata. Nandito kami sa panibagong bahay-ampunan na aming sinisilbihan.

Mas malawak at mas marami ang mga batang tinutulungan namin kaysa sa bahay-ampunan noon nila Crisanto.

Crisanto.

I sighed again. Noong araw na iyon na nag-breakdown ako sa kanya, hindi na ako nagsalita after kong pilit tanggapin na wala talagang sulat. Nag-sorry pa ako sa kanya pagkatapos ay niyaya ko na si Lagring na umuwi dahil mag-gagabi na rin at hindi kami pwedeng abutin ng dilim sa daan sabi ng Donya.

Pero masamang-masama ang loob ko. Umiyak ako buong gabi. Kinukwestyon kung anong ginagawa ko rito at bakit grabeng paglalaro ang ginagawa sa akin. Wala sa oras akong nag-repent sa mga kamalditahang nagawa ko sa mga co-stars ko noon at sa mga fans nilang pinapatulan ko sa dummy account ko.

Saturday came at para akong robot na sumama sa kalesa na ipinadala ng aming superiora kasama si Clara. Kaya hanggang ngayon ay para akong palaging sabog sa mga activities na pinapagawa sa amin. Pati roll call sa umaga at pagdadasal wala ako sa sarili. Nakakatamad mabuhay pag hindi mo alam ‘yung purpose mo sa isang lugar na pilit kang itinapon.

“Ano ba ang nangyari?” dinig ko ulit si Clara sa aking tabi.

Kanina pa siya nagtatanong pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Ni hindi ko nga alam kung naniniwala ba talaga siya sa akin na hindi ako ang kaibigan niya.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Clara.”

“Saan?” hinarap ako nito, hinihinaan ang boses. “Tapatin mo nga ako. May nangyari ba sa inyong tahanan?”

Umiling ako. “Gusto ko nang makabalik sa mundo ko.”

Nalukot saglit ang mukha niya ngunit nang ma-realize niya siguro kung anong sinasabi ko ay napatulala din siya.

“Nagkausap na ba kayo ni Crisanto? May nalaman ka bang impormasyon?”

Hindi ko pa siya na-uupdate sa mga naging ganap noong nag-bakasyon ako.

“Pasensya ka na at hindi kita napapadalhan ng sulat tungkol sa mga nangyari. Hindi ko kasi alam paano.”

Ginagap nito ang kamay ko at ngumiti. “Ayos lamang iyon. Gabi-gabi rin kitang ipinagdarasal. Kung gusto mo ay pagkatapos ng ating mga gawain ay ilathala mo sa akin ang mga nangyari sa iyo? Baka sakaling may maidagdag ako?”

“Salamat ng sobra, Clara.” Ngiti ko sa kanya.

We dance, sing and play with the kids. Hapon kami natapos at papalubog na ang araw nang makauwi kami sa beateryo. Kaso ay hindi rin kami nakapag-kwentuhan agad dahil nag-prepare kami ng misa at nag-dinner. Papunta na kami sa aming silid at ramdam na ramdam ko ang pagod sa buong araw.

Tahimik kaming nagsalitan ng ligo ni Clara na pagod na pagod rin.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko siyang nagsusulat. Nakapantulog na siya. Kulay puti at mahabang bestida.

“Ano ‘yan?” tanong ko.

“Lumiliham ako sa aking ama. Nakulong kasi siya kaya’t kinukumusta ko.”

Umupo ako sa kama. “Nakulong? Bakit?”

“Pinagbintangan siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na nagnakaw ng pilak.”

Pilak? Pera ba 'yon?

“May ebidensya ba sila?”

“Wala. Ngunit dahil mga negosyante at may kapangyarihan ang nagpakulong sa kanya, tiyak na madidiin talaga siya.”

Nalungkot ako. It’s really a thing, huh? Whether it’s past or present.

“Bakit hindi mo nalang siya dalawin?”

“Masyadong malayo. Sa cebu siya ipinatapon at kulang pa ang aking ipon para sa mahabang byahe na iyon.”

“Pwede kitang pahiramin!”

Nilingon ako nito at nginitian. “Hindi na, Hermina. Sigurado akong masisilip iyan ng iyong ina. Pareho lang tayong malilintikan.”

How cruel this world could be?

“Siya nga pala..” tuluyan na itong humarap sa akin at iniwan ang ginagawa. “Maaari ka na bang magkwento?”

Huminga ako ng malalim.

“Wala akong gaanong napala.”

Kumunot ang noo nito. Tuluyan nang lumapit sa akin sa kama upang makinig. “Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi ako maalala ni Crisanto. At mukhang may kasintahan na siya.”

Nanlaki ang mata nito. “Sa pagkakaalam ko ay wala!”

Umiling ako. “Akala ko rin. Kilala mo ba si Trinidad?”

“Trinidad Torrecampo?”

“Hindi ko alam ang apelyido niya eh. Pero morena siya at.. maganda.”

“Hmm, hindi ko masyadong kabisado ang bayan niyo, Hermina. Ngunit ang tinutukoy mo siguro'y ang unica hija ni Mang Pipo at Manang Dessa.”

“Oo, tama. Mang Pipo nga ang ngalan ng kanyang ama.”

Tumango ito. “Sa totoo lamang ay anak-anakan lamang iyon ni Mang Pipo, Hermina.”

“Pangalawang asawa na pala iyon ni Aling Dessa?”

“Hindi.” ngumuso ito. “Si Trinidad ay bunga ng panghahalay ng isang kastilang sundalo kay Manang Dessa.”

I felt a pang in my heart. Shiz.

“Kaya tignan mo at kahit kayumanggi ay litaw na litaw ang pagiging kastila ni Trinidad. Dalaga pa si Aling Dessa noon. Inako na lamang ni Mang Pipo noong maging magkasintahan sila.”

Kaya pala talagang maganda siya. May halo ang dugo niya.

“She must have hated her existence once.” Bulong ko.

“Ngunit nakasama na namin iyon ang isang misyon, Hermina.” Ngumisi ito sa akin. “Nag boluntaryo siya na tumulong mamigay ng mga pagkain sa mga batang pagala-gala sa kalsada.”

“Talagang mabait siya, kung ganon?”

Tumango ito. “Hindi imposibleng magkagusto si Crisanto sa kanya. Bagay sila-“ tinikom nito ang bibig nang marinig akong nagbuntong hininga.

“Alam ko.” Napahiga ako sa kama. “Pero anong gagawin ko? Siya ang susi para makaalis ako rito.”

“Sigurado ka bang hindi ka niya matandaan? Baka naman nagtanim lang ng sama ng loob iyon dahil iniwan mo siya at piniling mamasukan rito?”

Napabangon ako. May point siya!

“Sa tingin mo?”

Nakanguso itong tumango sa akin. “Kahit sino ay magtatanim ng sama ng loob sa ginawa mo, Hermina. May relasyon kayo tapos ay papasok ka dito? Nahihibang ka na marahil kung iisipin mong maayos pa ang magiging pakikitungo niya sa iyo.”

Napanganga ako at tila nalilinawan ulit sa sitawasyon ko. Clara opened the lightbulb in my head. Nabuhayan ako ng kaunting pag-asa.

“Dalawang buwan na rin ang nakararaan mula ng pumasok tayo rito. Ngunit hindi ko talaga alam ang ugnayan niyo ni Crisanto.” she gave me a sharp look. “Iyon ang nakapagtataka.”

Raised my hands as if surrendering. “Huwag ako ang sisihin mo. Iyong totoong Hermina. Siya ang nagtago sa’yo. Sibilyan lang ako.”

Huminga ito ng malalim. “Sana ay hindi tayo nahihirapan mang-hula.”

Tumango-tango ako.

“Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?” naalala ko na naman ang mga ebidensyang dapat ipapakita ko na nawala naman.

Kinuha ko ang maliit na tampipi at isinabog ang mga maliliit na papel sa aming kama. Pinagmasdan iyon ni Clara.

“Ano ang mga iyan?”

“Naalala mo ‘yung tampipi na ayaw ipakita sa’yo ng totoong Hermina?”

Tumango ito.

“Maraming pamaypay doon diba noong binuksan natin. Itong mga papel na ito ay nakaipit sa mga pamaypay na iyon.”

Isa-isa niyang binuklat pero katulad ng nakita namin ni Crisanto. Wala talagang laman.

“Para saan ang mga ito?”

My tongue vaguely swiped my lower lip. Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung totoo bang may nakasulat o naaaning lang ako.

“Maniwala ka man o hindi. Pero may mga nakasulat diyan.” bumuntong-hininga ako. “Mga sulat ni Crisanto para kay Hermina.”

Natahimik si Clara at tinitigan ako. Nanlalaki ang mga mata.

“Right? Nakakagulat diba. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ako pero nakita ko talagang may pangalan ni Crisanto sa dulo ng bawat sulat.”

“Ang ibig mong iparating ay nagpapalitan sila ng liham?”

Tumango ako. “Siguro. Hindi ko kasi makita ‘yung mga sulat ni Hermina eh. Hindi ko alam kung na kay Crisanto pa, gayong hindi ko siya matanong dahil hindi nga niya maalala ang tungkol sa relasyon namin.”

Ngumiwi ito. “Hindi ko pa rin masikmura na nagkaroon kayo ng relasyon, Hermina. Napakalaking..” nakanguso itong tumingin sa akin hindi na itinuloy ang sasabihin.

“Kahihiyan. Alam ko.” nahahapo akong nahiga sa kama at tumingala sa kisame. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. ‘Yung nag-iisang ebidensya ko, nawala pa.”

Tumahimik kaming dalawa. Gangis sa gasera at mga kuliglig lang ang nagbibigay ingay sa aming paligid. Panay ang aming buntong-hininga. Paniguradong hindi ako makakatulog agad nito. Simula noong nanirahan ako sa panahong ito ay hindi na ako nakatulog ng matiwasay.

“Paano kung subukan mong sulatan siya ulit?” mahinang sabi ni Clara.

Kumunot ang noo ko. “Si Crisanto?”

“Oo. Subukan mong sulatan siya ulit. Baka sakaling maalala ka na niya.”

Bumangon ako at nagkatinginan kami. Inosente siyang nakatingin sa akin habang ako ay natatanga sa kanya.

I, the great Vinta Serrano, won 32 body awards, best and supporting actress. With thousands of endorsements, three times FHM cover girl, the face of “Only Belo Touches My Skin”, the longest box office queen, and being chased by hundreds of men around the world, will write a letter for a so-so guy?!

I mean, Crisanto can match those guys, but he’s not my type!

My lips twitched. “No. Ayoko nga.”

“Bakit?”

“Not my thing! He’s out of my league.”

Nanliit ang mata niya sa akin. “Ha?”

Umiling-iling ako. “Basta. Ayoko! Hindi ko naman siya type. Dapat siya ang nag-eeffort sakin!”

“Hindi ka nga niya maalala diba? Kaya gagawa ka ng paraan kung gusto mo talaga siyang makuhang muli.”

“Kilabutan ka nga”

“Hindi mo siya gusto bilang Vinta, ngunit..” tumitig ito sa akin. “Siya ang gusto ni Hermina. At sa panahong ito, ikaw at siya ay iisa.”

I don’t know if it’s her voice or eyes that stared straight into my soul, but, her words hit a spot in me. At alam ko sa sarili ko, bukas rin, gagawin ko ang unang sulat ko para sa isang lalaki. Sa isang lalaki na hindi ko naman kilala. Sa isang lalaki na hindi ko naman gusto. Ang lalaking dahilan kung bakit ako naririto at ang lalaking makakapagpalabas rin sa akin dito.

Hindi ko alam ang mga bagay na pinag-uusapan nila sa mga sulat nila, but one thing’s for sure, I will rewrite Hermina’s letters for Crisanto.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height