+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Kabanata 7

Muling tumugtog ang pang klasikal na musika sa buong kabahayan na naputol dahil sa komosyon kanina. Bumalik na din sa pagkukwentuhan ang mga tao. Pero iba na ang nagseserve ng mga inumin at pagkain.

I need to talk to him.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na yata siya makikita. Pero nasaan ba ang kusina dito?

“Mga kababayan,” masayang tawag ni Don Palermo sa mga bisita habang pinapatunog ang baso gamit ang kutsara.

Naglapitan kaming lahat dahil halata namang may sasabihin siya. I’m not interested but Donya Adela pulled me in. Tumabi kami kay Don Palermo na ikinagulat ko. May iilan pang kalalakihan na tumabi sa amin. Ngumiti sa akin si Donya Esther nang tumabi siya mismo sa akin. Ikinalawit niya ang kamay sa braso ng katabing lalaki.

Pagak akong ngumiti.

“Nais kong ibahagi sa inyo ang dahilan ng pagtitipon na ito.”

Nagsimulang muli ang bulungan. Nalingon ko ang ilang mga naka-unipormeng tao sa likuran namin. Sa tingin ko, ito na ‘yung tinatawag nilang gobernadorcillo at mga principalia. What the heck is that? Bakit kasi walang google sa panahong ito! I wasn’t paying much attention in studying history before, alright.

“Sa aking pagtungo sa Europa ay mas lumawak pa ang aking koneksyon. Kaya nais kong i-anunsyo na magtatayo ako ng isang negosyo na mula pa sa Europa.”

Nagpalakpakan ang lahat. Kitang-kita ko din ang proud na ngisi ng aking ama at ina. Maging ang lahat ng aming katabi ay may nagmamalaking ngiti.

“Mula sa kaibuturan ng aking puso ay nais kong magpasalamat sa inyong pagdalo sa selebrasyong ito.” taas nito sa hawak na wineglass.

I have my own wineglass and my mother made me raise it because the situation called for it. Ang lahat ay nakataas na din ng kanilang mga baso, masayang-masaya sa anunsyo. May ilan pang nagsisipulan.

“Magkikita tayong muli sa unang bukas ng aming negosyo. Sa Casa Sagrado!”

Kumunot ang noo ko. Iyon ang ampunan na pinuntahan namin noon, hindi ba? Saan sila magtatayo doon?

“Marapat na mawala na ang bahay-ampunan na iyon. Nakakairita ang konstitusyong iyon. Wala nang ginawa kundi ang mag-solicit!” dinig ko sa kung saan.

“Hindi naman kanila ang lupain na iyon! Mabuti’t hindi na sila nakalusot ngayon dahil iba na ang ating Kapitan!”

Mawala?

Nagtunugan ang mga baso dahil ang lahat ng bisita ay nagsasaya sa anunsyong ito. Napayuko ako at naisip si Crisanto.

Doon siya nakatira, hindi ba? Aalis na sila dito kung ganon? Shucks, hindi pwede!

Nanlaki ang mata ko sa realization. Saan siya pupunta kung ganon? My head automatically look for him. Sa dagat ng tao ay hinanap ko siya kahit alam kong hindi ko siya makikita sa kahit saang sulok. I must find the kitchen!

Ngunit paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko siya sa kadulu-duluhang sulok. Doon sa walang tao na sisita sa kanya. On his dirty kamisa de chino and salakot, Crisanto stood there emotionless. He looked lethal in his serious stare at Don Palermo, at us. Nilipat niya ang tingin sa akin ngunit agad niya itong inalis saka bumaba sa hagdan.

Susundan ko sana siya nang bigla akong pigilan ni mama.

“Saan ka pupunta?”

“Sa banyo, mama.”

Tumango ito. “Bilisan mo lamang. Ipakikilala ka ng iyong ama sa iba pa nating kasosyo.”

Tumango ako. Binaba ko ang hawak na wineglass sa lamesa at nagmamadaling bumaba ng hagdan. My dress is big and heavy but I can manage. I used wearing ball gowns, pero hindi apat na patong ng damit!

Nakalabas na ako ng bahay pero hindi ko na naabutan si Crisanto. Napakabilis namang maglakad, ‘non! Nilingon ko likuran ko pero wala talaga. Lumakad pa ako ng kaunti at mas hinabaan pa ang leeg para tignan siya for the last time sa unahan pero wala talaga.

Bagsak ang balikat ay hindi na ako lumayo. Babalik na lang ako sa bahay.

“Madre,”

Napatalon ako nang may magsalita sa likod ko. Si Crisanto. Nakasandal siya sa tagong pader. Tumingin siya sa aming likuran at tinanggal ang salakot na suot. Lumabas siya sa pinagtaguan.

Umirap ako. “Ba’t ka nagtatago dyan? Alam mong susundan kita?”

Umiling ito.

“Eh anong ginagawa mo dyan?”

“May hinihintay ako, binibini.”

Hmm. Napamaang ako sa tinawag niya sa akin. Napahalakhak ako ng konti kaya tinigil ko agad. Kunot-noo niya akong tinignan.

“Alam mo mas gusto ko ‘yon kesa sa madre.”

Tumaas ang kilay niya at nag-isip saglit pero nagets niya naman agad ang punto ko. Tumango siya.

“Ngunit isang kabastusan kung ikaw ay aking tatawaging binibini kapag nakasuot ka ng iyong uniporme.”

“Hindi. Basta iyan nalang ang itawag mo sa akin. Ayoko nung isa. Nakakatanda!”

Ngumiti ito ng maliit. Napataas ang kilay ko. He really is a fine man. No wonder Hermina fell for him. Lalaking-lalaki ang dating. Walang-wala sa mga nakilala ko noon.

“Siya nga pala.” tumitig ito sa akin. “Lubos kong ipinagpapasalamat ang pagliligtas mo sa akin at ng iyong pamilya kanina, binibini.”

“Wala ‘yun. Totoo namang inaapi ka niya.”

“Ngunit huwag mo na ring ipahamak ng ganon ang sarili mo, binibini. Ayos lang ako.”

Ngumuso ako. “Naku, anong ayos. Eh halata namang trip ka lang non ni Donya Malia. May ginawa ka ba ‘don?”

“Trip?”

“Uh, parang ano, mainit ang dugo niya sa’yo. Ganon.” tumawa ako ng hilaw.

“Hindi ko rin alam. Mabait si Donya Malia sa akin noon, nasira nalang noong nalaman niyang tipo ako ng kanyang anak. Akala niya nililigawan ko ito.”

Tumaas ang kilay ko. This is what I want to hear from him.

“Hindi ba?”

Umiling siya. “Wala akong nililigawan.”

This is a one-sided love! Gracious, Hermina!

“Kahit noon? Wala kang niligawan o naging jowa? Este, kasintahan?”

Umiling siya ulit ngunit nag-isip. Natigilan ako.

“May isa akong niligawan noon ngunit hindi rin natuloy.”

“Bakit?” nanlalaki ang mga mata ko. Posible bang makalimutan niya ako kung ako nga ‘yun?

Nagkibit-balikat siya. “Tumagal nalang ang aming ligawan hanggang sa kasawaan niya.”

Tumango-tango ako. “Ako ba hindi mo niligawan o liligawan?”

He plastered a wide smile this time. Nahawa ako sa ngiti niya hanggang sa nagtawanan kaming dalawa. Parang gusto ko kiligin sa tawa niya! Ang gwapo, kainis.

“Sige na, binibini. Baka hinahanap ka na ng iyong ama at ina. Tiyak na kagagalitan ka ng mga iyon.”

My laughed died down. I bit my lip. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Pero kailangan ko talagang makakalap ng impormasyon.

“H-hindi ba talaga tayo magkasintahan?”

Gosh, Vinta! Nakakahiya ito. Sakit sa pride, ha. This is also my first time to ask a guy kung ano ba kami! Palaging ako ang hinahabol at tinatanong.

“Hindi ko alam na mahilig ka palang magbiro, binibini.” Tumawa siya ulit.

Tumawa din ako pero sa loob-loob ko ay naiiyak na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko! Paano ko maipagpapatuloy ang isang kwento kung simula’t sapul wala namang naisulat ng tungkol sa kanila!

“Bumalik ka na sa piging, binibini. Malapit na ring gumabi.”

Hindi ko rin namalayan ang unti-unting pagdilim ng paligid. Bumukas na rin ang mga streetlights. Hindi gaanong kadami ang mga tao sa kalsada ngunit may iilan na tumitingin sa amin.

Sinuot muli ni Crisanto ang salakot na dala. “Mauna na ako sa iyo, binibini. Mukhang hindi na darating ang hinihintay ko.”

“Teka.” pigil ko. “Nabili ang lote ng bahay-ampunan niyo?”

Kahit natatakpan ng dilim ng kanyang salakot ang kalahati ng kanyang mukha ay nakita ko kung paano nagtagis ang kanyang bagang. Hindi ko rin alam kung namamalik-mata lang ako pero nawala din ang humor sa kanyang mata pero mabilis ding napalitan ng malungkot na ngiti.

“Sa kasamaang palad ay oo, binibini.”

“Aalis ka? Saan ka pupunta kung ganon?”

“Bakit?” tumagilid ang ulo nito.

Napakurap ako. “Wala naman.”

Tumango ito. “Mauna na ako, binibini.”

Darn it! Do something, Vinta.

“Wait, uh!”

Muli ay humarap siya sa akin at pinagmasdan akong hindi mapakali.

“Binibini.” tawag niya dahil wala na akong masabi. “Mabuti pa ay bumalik ka na roon. Aalis na din ako, kung wala ka ng sasabihin.”

“Kasi, ano.” nag-isip ako. “’Wag kang aalis dito sa bayan na ito ha.”

Tumagilid ulit ang ulo niya sa pagtataka.

“Kasi, diba.” tumawa ako. “Basta ‘wag kang aalis dito.”

Kundi sasama talaga ako sa’yo! Kailangan kong ipagpatuloy ang one-sided love niyo na sinasabi ng ilusyunadang si Hermina! Kailangan kita para makaalis ako dito!

Tinitigan niya akong mabuti habang hilaw ang mga ngiti ko sa kanya. Tinitimbang niya ang bawat ekspresyon ko. Tumingin siya sa aking likod at mabilis na nagpaalam.

Yumuko siya. “Aalis na ako, binibini.”

Tumalikod siya at mabilis na lumiko kung saan. Nilingon ko ang aking likuran at nakita ko ang mama na may kasamang dalawang guardia civil.

“Hermina!”

“Mama.”

Hinigit agad nito ang aking braso. My mind instinctively pulled my arm back. Gulat na gulat siya.

“Ah,” tumawa ako. “Nakiliti po ako.”

Kunot noo itong tumingin sa akin. “Anong ginagawa mo dito?”

“Nagpapahangin lang po.”

“Nagawa mo pang magpahangin. Diba’t sinabi ko na sa’yong ipakikilala ka ng iyong ama sa ating mga kasosyo.”

Tumango nalang ako. Nauna siyang maglakad kaya sumunod na ako. Inirapan ko ang kanyang likuran. My mother never did this to me. I never experienced this kind of treatment from her that’s why she’s getting into my skin.

Tinitigan ko ang paru-parong padapo-dapo sa aking bintana. It’s been two weeks since I came in this house. Nababagot na ako.

“Hermina.”

Nilingon ko si Don Damien na bihis na bihis na naman. He usually dress like this to go to work. At his age, Hermina’s father is really handsome. Ito ang mas kamukha niya kaysa kay Donya Adela. His face dominates Spanish features. Mestiso, malalim ang mga mata at makapal ang kilay. Matangkad din siya at maganda pa ang tindig.

“Hindi ka ba pupunta sa plaza mamayang gabi?” inayos niya ang handcuff ng kanyang three-piece suit.

“Ano pong meron?”

“May pagtatanghal mamaya sa plaza. Baka gusto mong manuod.”

“Papayag po kaya si mama?”

“Bakit hindi?” lumapit ito sa akin.

“Eh palagi po kasi niya akong pinagbabawalan.” tinukod ko ang siko sa bintana at pumangalumbaba.

Hinaplos nito ang buhok ko.

“Pagpasensyahan mo na ang iyong mama. Alam mo namang naging ganyan lang siya simula noong mawala ang iyong kapatid.”

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height