+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Kabanata 8

Seriously? May kapatid si Hermina? Akala ko only child lang siya kaya medyo baliw ang nanay niya.

“Sino pong kapatid?”

Kunot noo itong tumingin sa akin. Ngunit tumango din kalaunan.

“Naiintindihan kong masyado ka pang bata noon upang maalala.” ngumiti ito sa kawalan. “Si Malaya.”

Tumahimik lang ako para pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.

“Ilang beses ko na itong na-istorya sa iyo, ngunit hindi pa rin nawawaglit ang bawat detalye sa aking isipan.”

Ngumiti ako sa kanya. “Ikuwento niyo po ulit. Hindi rin naman po akong nagsasawang pakinggan.”

Tumingin ito sa akin ng may malalambot na ekspresyon.

“Inampon namin ang iyong ate Malaya sa isang malayong pamilya ng iyong ina. Dahil akala namin ay hindi na kami mabibiyayaan ng supling. Halos walong taon na rin kaming kasal at nagsasama noon kaya’t bigong-bigo kami na ang tagal kaming bigyan ng anak.”

“Tatlong taon palang si Malaya noong mapunta siya sa amin ng iyong mama. Todo ang aming alaga at pagbabantay sa kanya. Hanggang sa mga sampung taong gulang siya at himalang dumating ka.”

“Bakit po siya nawala?”

Huminga ito ng malalim. “Naging tulisan siya at lumaban sa gobyerno.”

Napanganga ako at nag-isip.

“Nahuli po siya?”

“Ang huling balita namin sa kanya ay pinatapon sa Isla Fuego. Bukod doon ay wala na. Hindi na rin siya sumagot sa aming mga liham.”

“Kaya po ba ako pinasok ni mama sa kumbento?”

Tumango ito. “Natatakot lamang siyang pumasok ka sa ibang propesyon at matulad sa iyong ate Malaya.”

“Hindi naman po siguro.” Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mga ibong nagliliparan sa maaliwalas n aumaga.

“Hindi po kami magkapareho.”

Ginagap ng Don ang kamay ko. “Alam ko. Inilaban ko ang iyong kagustuhang maging maestra. Ngunit ikaw na rin ang pumayag hindi ba?”

Napahinga nalang ako ng malalim.

“O siya. Ako ay may dadaluhan pang pagpupulong sa kabilang bayan. Ang iyong ina ay nasa mahjungan lang. Kung gusto mong manuod mamaya sa plaza ay magpaalam ka lamang.”

“Pano kung hindi po pumayag?”

Hinalikan ako nito sa pisngi. “Papayag iyon. Magpasama ka kay Lagring.”

Nagmamadali na siyang umalis. Hays. I don’t know how to contact Clara. Bakit kasi ang tagal maimbento ng cellphone! Unahan ko na kaya?

Buong maghapon ay nag-ikot-ikot ako sa buong kabahayan. Marami akong nakitang crochet sa kwarto ni Hermina. She surely loves to sew. May sewing machine din siya. Nagtingin-tingin din ako sa mga photo album pero hindi ko nakita ang sinasabi ni papa na si Malaya. Kaming tatlo lang palagi. Siguro tinapon nila dahil nga naging tulisan.

Lagring made me a snack in the afternoon, but my boredom is on top of the roof! Kailangan ko talagang pumunta sa plaza para naman maisalba ko ang araw na ito na hindi nagbe-breakdown.

Nagpatulong ako kay Lagring na mag-ayos pagkatapos naming kumain nang hapunan. Dadaan muna ako doon sa mahjungan na sinasabi ng Don para magpaalam kay mama. Iba din ha, walang uwian!

Nang matapos ay umalis na kami ni Lagring. Syempre sinama ko siya. Hindi ko naman kung saan ang plaza.

Pagdating sa mahjungan ay nagulat pa ako na parang sabungan itong napuntahan namin sa dami ng tao. Akala ko ay simpleng isang lamesa lang tapos apat na players pero, ‘day, hindi! Para akong nasa casino!

Napakaraming lamesa kaya marami rin ang mga players at audience.

“Ang iyong mama, senyorita!” turo ni Lagring sa bandang gitna ng mga lamesa.

Ayun nga ang Donya Adela, feeling cool kid sa kanya tabako habang sinasalat ang baraha.

Mabilis ko iyong pinuntahan kahit pa alam kong nililingon ako ng mga tao roon. May bumulong sa aking ina kaya napatingin ito sa akin nang nakangiti.

“Hija!” tumayo ito sa kinauupuan. Bumeso sa akin.

Hinawi ko ang buhok. Calm down, everyone! I know I’m a head turner.

“Manunuod po kami sa plaza ni Lagring!”

Nagulat ito at ngumiti. “Aba! Mabuti naman at naisipan mong huwag amagin sa bahay.”

May iilang nagtawanan. Binalewala ko na lang.

“Humayo kayo. Ngunit huwag masyadong magpapagabi, Hermina.” Bumaling ito kay Lagring. “Lagring.”

“Opo, senyora.”

Bumalik na ito sa kanyang upuan dahil siya na yata ang titira. Kinawag kawag pa ang kamay, pinapaalis na kami.

“Sige na. Mag iingat kayo. Huwag masyadong magpapa-gabi.”

Hindi na ako kumibo at umalis na.

“Saan na tayo?”

“Sasakay tayo ng kalesa, senyorita.”

“Malayo ba?”

“Hindi, senyorita. Ngunit kailanman ay hindi ka pinapayagang maglakad lakad na hindi kasama ang iyong mga magulang. Lalo pa’t dilim na ngayon.”

“Ganu’n ba?”

“Nakalimutan mo na, senyorita?”

Hilaw akong ngumiti sa kanya. “Ano ka ba! Syempre hindi. Bakit ko naman makakalimutan ‘yon.”

Pinara ko na agad ang kalesa na dadaan sa aming harapan kaya hindi na nakapagsalita pa si Lagring. Malapit nga lang ang plaza. Maliwanag roon at maraming tao. Maingay, at alam mo na agad na may ganapan. Hindi katulad sa lansangan, tahimik na at halos iilan na lang ang mga taong dumadaan,

May iba’t ibang mga tinda sa paligid. Kanya-kanyang takbuhan ang mga bata. Tila umaga sa sigla ng paligid. Nasa gitna ng plaza ang malawak na entablado para sa gaganaping teatro. Nasarado pa ang telon kaya’t mas lalong nakaka-excite para sa mga manonood.

“Mukhang tatayo nalang tayo, senyorita. Ayos lamang po ba sa iyo?”

Sa dami ng tao ay naubusan kami ng upuan.

Tumango ako. “Oo naman. Nakikita ko pa rin naman.”

Alanganin siyang tinimbang ang mukha ko kaya ngumiti nalang ako. Though, I can’t stand for long hours, pero ano bang magagawa ko diba. Alangan makipagsabunutan pa ako para sa upuan, gayong nahuli naman kami.

“Madre..”

Napatingin ako sa babaeng kasing edad ko. Hawak niya ang kanyang upuan at iniabot sa akin.

“Nakadalaw po pala kayong muli sa inyong tahanan. Maupo ka na po dito.”

“Ah! Naku, ayos lang. Ikaw na ang gumamit. Nahuli rin kami ng dating.”

I don’t know this woman, but she knows I’m a nun.

“Sigurado ka ho?”

Tumango-tango ako. May tumunog sa entablado. Putok ng baril! Nasigawan ang mga tao, pero hindi sila nag-panic, bagkus ay humiyaw at pumalakpak pa ang mga ito. At unti-unting bumukas ang pulang kurtina.

“Pablo! Pablo!” sigaw nang unang babaeng lumabas sa stage. Punit-punit at madumi ang puting damit nito at magulo ang buhok.

“Saan ka pupunta?!” sa left wing ng stage ay nagpakita ang isang lalaki na may magarang kasuotan at sombrero. Unti-unti niyang sinalubong ang babae na takot na takot sa kanya. May dala itong baril.

“Parang awa mo na, Joaquin. Hayaan mo na ako!” pagmamakaawa nito.

Tumaas ang kilay ko. So lame/ Pasong-paso na kaya ang mga ganyang conflict sa mga teleserye. I would definitely turn this down kung i-offer sakin ‘to!

“Maawa ka sakin!”

Bigla siyang sinugod ng lalaki at sinabunutan. Napaluhod ang babae. Tinutok ng lalaki ang baril sa ulo ng babae. Napahiyaw ang mga manunuod at napairap nalang ako.

“Hindi ba’t mas nakakalumbay ang aking kalagayan kung hahayaan lang kita sa lalaking iyon! Hinding-hindi kayo magiging masaya! Pare-pareho na tayong masadlak sa kamatayan!”

Sumigaw ulit ang mga tao.

“Huwag! Parang awa mo na, Joaquin. Nagdadalang-tao ako! Huwag mo akong papatayin! Maawa ka sa amin ng bata.”

Gulat na gulat ang itsura ng lalaki. Saglit itong natulala. Mas lalong umikot ang mga mata ko. Gaga! Sinabi pa, eh di lalong nagalit ‘yan! Jusmiyo, marimar!

“Joaquin!”

Sa ring wing ay lumabas ang isa pang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Crisanto iyon. Punit-punit at duguan ang kanyang damit. May mga sugat din sa kanyang mukha. Halatang binugbog at papatayin.

“Maawa ka. Bitawan mo si Agnes. Ibigay mo sa akin ang mag-ina ko.”

Napanganga ako. He’s.. acting! He’s acting! Kitang-kita ko ang pangungusap sa kanyang malalim na mata. Nag-titiim ang kanyang panga at mariin ang paglapat ng mga labi. He really has the face, dahil lutang na lutang pa rin ang kanyang kagwapuhan kahit may mga sugat sa kanyang mukha. They know how to put make-up, huh?

Kumunot ang noo ko sa appreciation sa kanya. Matangkad kasi, kaya siguro napupuri ko.

“Mag-ina?”

Hanggang sa nagsagutan sila ng ka-eksenang lalaki na napunta sa agawan ng baril at umabot sa..

BANG!

I was so engrossed that I also scream when he got shot! I can’t believe na magiging parte ako ng crowd na apektado sa nangyayari.

Nangilid ang luha sa akin at triple ang kabog sa aking dibdib. Nakanganga kong paunti-unting hinawi ang mga taong nasa aking harapan hanggang sa medyo naging bayolente. Tinatawag ako ni Lagring pero parang nabibingi ako sa huling putok ng baril kahit alam kong effects lang naman.

He slowly kneeled while staring at his girl, while I was hurrying to him. Iyak ng iyak at sigaw ng sigaw ng kanyang pangalan ang babae. I was almost at the stage, nasa gitna ako ng mga taong nakaupo, nang muli siyang binaril ng lalaki.

Ngunit bago siya tuluyang bumagsak ay napatingin siya sa akin. Basang-basa ng luha ang aking mukha at parang hinihingal ako sa kaba. Kitang-kita ang gulat sa kanyang mata. Napahinto nalang ako sa gitna nang unti-unti siyang bumagsak habang nasa akin pa rin ang mga mata at ipinikit ang mga ito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height