Saying I Love You/C2 CHAPTER 1 : NEW LIFE
+ Add to Library
Saying I Love You/C2 CHAPTER 1 : NEW LIFE
+ Add to Library

C2 CHAPTER 1 : NEW LIFE

I looked at my Dad's face when my flight finally called. "Dad, stop making that kind of face!"

Paano kanina pa siya parang naluluha. Para siyang batang inagawan ng candy.

Tumawa naman ang Kuya ko sa gilid niya. "Alam mo naman itong Daddy natin, masyadong emosyonal lalo na't ngayon na aalis na ang baby girl niya."

"Kailangan mo ba talagang umalis?" Dad asked me for the nth time.

Binitawan ko ang hawak kong maleta at niyakap ang Dad ko.

"Daddy, ilang beses ko pong sinabi sa inyo 'to hindi ba? I need this for myself. Marami na po ang hindi magandang nangyari sa akin dito sa Manila."

"Kung si Aaron ang problema mo, huwag kang mag-alala sa lalaking 'yun."

Natawa ako sa sinabi Dad. "Hindi naman siya ang totoong dahilan bakit ako aalis, Dad." I chuckle. "Mga ten percent lang."

"Snow, hayaan mo na yan si Daddy. Male-late kana sa flight mo." my brother said.

Kinuha ko ulit ang maleta ko at hinawakan 'yun bago ko harapin ulit sila Daddy at Kuya.

"Mag-ingat ka roon, anak. Pag hindi mo na kaya, pwedeng-pwede kang umuwi ulit dito. Wag mong pabayaan ang sarili mo. Laging kumain sa tamang oras at mag-aral ka ng mabuti roon." Huling paalala ng Daddy ko.

"Aye captain!" Nag-salute pa ko sa kanila kaya natawa sila sa 'kin.

I finally wave my hands to them before I turn my back at them. Masaya akong naglakad aalis sa kanila.

Nang makasakay na ako sa eroplano ay mabilis kong nahanap ang upuan ko. Inayos ko lang ang dala kong gamit bago umupo.

Finally!

I smile when I realize that my dream will finally came true. Dati hindi ko akalain na matutupad kong tumira mag-isa dahil alam kong ayaw ni Dad na malayo kami ni Kuya sa kanya.

Simula kasi ng mamatay si Mommy, naging protective masyado sa amin ni Kuya si Daddy. Ayaw niya kasing may mawala ulit sa buhay niya after ng ma-aksidente ang Mommy ten years ago.

I understand my Dad's feeling why at first he didn't let me do this. But I have to do this for myself. I want to explore the world. Ayokong nakasalalay lang sa Kuya at Daddy ko. Gusto kong maranasan na mabuhay mag-isa. 'Yong wala sa Manila, dahil sobrang toxic ang nangyayari sa akin sa doon.

Unang-una na roon si Aaron. He was my ex-boyfriend. Mahal ko naman siya kaso ilang beses na niya akong niloko. Kung hindi ko pa nalaman ang mga kantarantaduhan niya, hindi pa siya titigil.

Sobra na kasi, eh! He cheated on me not once but twice. I already gave him a second chance, pero binalewala niya. Hindi ako tanga at lalong hindi ako kagaya ng ibang babae.

I know my worth not just as a person but as a woman too. Pag alam kong sobra na, hindi ko hahayaan na mas lumala pa 'yun. Tama na yung second chance na binigay ko sa kanya.

After one hour and ten minutes, nakarating na ko sa Iloilo. Mabilis ko na kinuha ang mga gamit ko bago bumaba ng eroplano.

Nang makalabas ako sa airport ay mabilis akong nakahanap ng taxi papunta sa station na sasakyan ko papuntang Isle Esme.

Pagdating na pagdating ko roon ay mabilis akong bumili ng isang ticket papuntang Isle Esme. Sasakay ako ng barko para makarating sa Isla. Ang sabi mga thirty minutes lang naman ang biyahe papunta roon.

Lumawak ang ngiti sa mga labi ko ng matakapan ko na ang Isle Esme. Isa itong Island sa Iloilo and you know what's amazing about this Island? This island has only one thousand population. Maliit na Isla pero maganda naman.

Walang polusyon. Walang Aaron na gugulo sa 'kin at walang ingay ng mga sasakyan. Kinuha ko sa bulsa ko ang maliit na mapa ng Islang 'to.

Ang iintindihin ko na lang ay ang matutuluyan ko since naka-enrolled na ko para sa last semester dito. Buti nga at kahit last sem na

tinanggap pa ako ng school.

Since bukas pa naman start ng class ko, pwede akong maglibot dito para makahanap ng disenteng bahay para matuluyan.

Nakapagdesisyon akong sa isang house for rent na lang ako mag-stay since wala pa kong mahanap na trabaho. Mabilis akong nakahanap ng maliit na bahay na pwedeng matutuluyan pansamantala habang nandito ako. Pinili ko na malapit lang sa University na papasukan ko para walking distance lang.

"Ma'am, bagay na bagay po ang kwarto na ito sa inyo," sabi ng landlord.

Ngumiti ako. "Salamat po, Manang!"

Maliit lang ang kinuha ko. Unang palapag lang siya pero maganda naman.

"Ma'am, for two person po talaga ang paupahan na ito kaya kung makikita niyo po ay dalawa ang kwarto." pahabol nito sa 'kin.

"Hindi po ba pwedeng isa na lang po titira dito? Magbabayad naman po ako ng maayos."

Napangiwi si Lola na sa tingin ko nasa 60 years old na. "Kasi ma'am, 'yun po talaga ang patakaran ng amo ko rito. Pero wag po kayong mag-alala dahil babae rin naman ang makakasama niyo dito para secure po kayo."

I took a deep breath. "Okay lang po." Tugon ko.

Hahanap na lang siguro ako ng ibang bahay pagnakahanap na ko ng trabaho.

Umalis na si Lola, kaya naman nag-ayos na ko ng mga gamit ko. Pinili ko ang kwarto na malapit sa veranda para makikita ko agad ang magandang view sa umaga.

Ayos na rin itong nahanap kong bahay, dahil maganda naman. May kaunting gamit na kagaya ng mga urukan, sofa at mga gamit sa kusina kaya hindi ko na iintindihin pa ang mga bagay na iyun.

Nang matapos akong mag-ayos ng mga gamit ko ay kinuha ko ang wallet ko para maghanap ng convenient store. Doon na lang ako kakain.

Walking distance lang din ang convenient store na nakita ko. Bumili lang ako ng instant noodles nang makita ko sa store ang nakapaskil na 'Wanted Cashier'. Kinuha ko 'yun at mabilis akong nagtungo sa counter para magtanong.

"Kuya, available pa po ba ito?" Tanong ko.

"Opo, Ma'am. Interested po ba kayo?"

Lumawak ang ngiti ko. "Opo!" Masayang sagot ko.

"Punta na lang po kayo bukas dito at magdala po kayo ng resume niyo ng ma-interview po kayo ng manager namin." paliwanag niya.

"Kuya, pwede po bang mga 3PM? May klase po kasi ako."

Ngumiti si kuya sakin. "Okay lang naman po."

Umuwi ako sa bahay na may magandang ngiti na nakapaskil sa labi ko. Mabilis ko na kinain ang instant noodles na binili ko para makaligo at makapag pahinga na ko.

After I took a half bath, I went to my room. I grab my phone to call my brother. It's already 9 PM na, tatawagan ko muna sila Dad at Kuya bago ako matulog.

After three rings ay sinagot na ni Kuya ang tawag ko. "Baby girl, kumusta ka naman diyan?" tanong niya sakin.

Humiga ako sa kama ko.

"Okay lang naman ako, Kuya. Guess what? Sobrang ganda dito! Si Dad?" sambit ko.

I heard him chuckle. "Mabuti naman kung gano'n. Si Dad, nasa kwarto nagpapahinga na. You want me to call him?"

"Hindi na, Kuya. Hayaan mong makapag pahinga si Daddy. Pasabi na lang na tumawag ako at maayos lang ako."

"Of course I will."

Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap namin ni kuya sa phone. After no'n pinatuyo ko na ang buhok gamit ang aking blower and then I went back again to my bed.

This is it!

This is the new chapter of my life.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height