Saying I Love You/C4 CHAPTER 3: UNKNOWN NUMBER
+ Add to Library
Saying I Love You/C4 CHAPTER 3: UNKNOWN NUMBER
+ Add to Library

C4 CHAPTER 3: UNKNOWN NUMBER

It's been two weeks since I stayed here in Isle Esme. As usual, maganda naman ang nangyari sakin last two weeks na andito ako.

Nagstart na kong mag work bilang cashier sa convenient store na in-applyan ko. Maayos naman ang pakikitungo sa'kin ng mga taga rito sa isla.

Close ko rin sila Madison at Martinez. Magkasintahan pala ang dalawang iyon at two years na sila. Masaya naman silang kasama at kahit papano ay nawawala ang lungkot ko dahil miss na miss ko na sila Daddy at kuya.

Every Friday ay day off ko sa trabaho. Noong first day off ko ay pinasyal nila ko dito sa isla. Marami talagang magagandang lugar ang Isle Esme at ngayon ay sigurado akong hindi na ako maliligaw.

Nandito ako ngayon sa trabaho ko. It's already 10 PM kaya naman nag-ayos na ko kasi 11 ay isa-sarado ko na ang store.

Inayos ko lang ang mga dapat ayusin sa store at pinatay ko na ang mga ilaw at sinarado ang store.

Nang ma-check ko na ng maayos ang pagkaka-lock ko sa store ay umalis na ko doon. Laging akong naglalakad pauwi dahil safe naman dito at maraming ilaw sa labas kaya hindi ako natatakot maglakad mag-isa. May mga barangay tanod ring nag-iikot tuwing ganitong oras.

My phone started beeping so I took it from my pocket. I smile when I read Daddy's name on the screen.

"Dad!" Masayang sambit ko. "Kumusta po riyan?"

"We're okay here, anak." Malambing na sabi ni Dad. "Ikaw? Kamusta ka diyan?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Okay lang po ako dito, Daddy. May maayos na po akong trabaho na nahanap dito at okay rin po ang sahod nila. Mababait rin po ang mga tao dito."

Napansin ko na malapit na ko sa bahay na tinitirahan ko kaya kinuha ko na ang susi ng gate sa sling bag ko.

"Mabuti naman kung ganun, anak." Ani Dad. "I'm happy to see that you're doing okay there. Anyway, hindi na kita i-istorbohin pa. Alam kung pagod ka sa trabaho mo. Kumain kana ba?"

"Kakain palang po, Dad. Kakatapos lang po ng trabaho ko." Sagot ko at i-on ang switch ng ilaw sa loob ng bahay.

"Sige na. Kumain kana at matulog ng maaga. Wag kang magpapagod diyan. I love you."

"I love you too, Dad." I ended up making a phone call.

Pumunta ako sa kusina at nag-init ng tubig. Mag i-instant noodles na lang muna ako ngayon. Hindi ako marunong magluto kaya puro easy to cook lang ang meron ako.

My phone beeps again. Tinignan ko kung sino, pero unknown number ang nakalagay sa screen.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Maya-maya ay tumunog ulit ang phone ko. Kung kanina ay tumatawag ang unknown number ay ngayon naman ay nagsend ito ng message sakin.

Answer the phone!

Napakunot ang noo ko sa mensahe ng unknown number. Hindi ko ulit pinansin at naghanda ng kakain ko.

Hinayan kong tumunog ng tumunog ang phone ko. Mukhang nang tri-trip lang naman ang tumawag.

After I ate my dinner, I went to the bathroom to take a half bath. Natulog ako pagkatapos non.

"Ang terror talaga ni Mrs. Velasco! Palibhasa walang asawa kaya tayong mga students niya ang pinahihirapan niya!" Inis na sambit ni Mads habang nag-aayos ng gamit niya.

Pinasok ko sa bag ko ang ginamit na notebook. "Hayaan mo na. Tsaka gano'n naman talaga dapat ang mga teacher." Ani ko.

Napairap siya sa hangin. "Anong hayaan?! Hindi pa nga tapos ang pinapagawa niyang project para sa subject niya, meron na namang bago ngayon? Anong tingin niya sa ating mga estudyante? Mga robot?"

Ang lakas ng boses ni Mads, buti na lang at kami na lang ang tao sa room namin.

"Tutulungan nalang kita." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Nawala ang iritasyon sa mukha niya at napalitan ng saya.

Masaya niya akong niyakap. "Buti nalang talaga naging kaibigan kita, Snow." Aniya at humiwalay sakin. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, Snow. Thank you very much!"

"Wala iyon! Tara na? Gutom na ako eh."

"Let's go!"

Umalis kami ng room at bumaba na para kumain sa cafeteria ng makita namin sila Basty at Martinez na naglalakad papalapit samin.

Kung kami ni Madison ay bachelor of Science in Education major in English ang course. Si Basty naman ay B.Sc in Agriculture Economics and Farm Management at si Martinez ay Civil Engineer. Kaya mag-iba kami ng building.

Nakangiti si Martinez habang si Basty naman ay nakabusangot ang mukha. Parang inaway ng bata.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Bungad ni Basty sa akin. "Kagabi pa ako tumatawag sayo. Ni-text hindi mo ako mareplyan. Nakaka-hurt ka na ng feelings, Crystal!"

Out of nowhere, kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Ngayon ko lang napag tagpo na siya yung tawag ng tawag simula kagabi.

"Hindi ka naman kasi nagpakilala." Sagot ko sa kanya.

"Kahit na! Dapat sinagot mo parin. Paano kung mahalaga ang tawag ko sayo?" Mas bumusangot ang mukha niya.

"Eh, hindi naman mahalaga kasi ikaw yung tumatawag."

"Tsk! You're hurting my feelings again, Crystal." Aniya at loko napahawak pa sa dibdib niya. "Sa susunod pag tumawag ako, sagutin mo!" Dugtong pa niya bago umalis.

"May sapak na naman ang isang yun." Ani Martinez. "Tara, hayaan mo na lang si Basty Snow."

Napailing nalang ako. For the last 2 weeks, ang kulit-kulit ni Basty. Talagang pinindigan niyang tawagin akong Crystal kahit na ayoko.

Totoo naman ang sinabi nila Mads at Martinez na mabait si Basty. Mabait naman talaga si Basty, dahil nakita ko yun. Sadyang makulit at malaki ang sapak sa ulo niya minsan.

"Wala naman na tayong pasok mall naman tayo." Ani Mads habang pababa kami ng building ng namin.

"Oo nga tutal day off naman ni Snow." Pagsang-ayon ni Martinez.

"Okay lang naman." Nakangiting tugon ko.

"Good! Let's go!"

Kagaya ng sabi ni Mads nag-mall kami. Dito na kami kakain na tatlo. Si Basty, ewan ko kung nasaan ang isang yun.

Napag pasyahan naming tatlo na sa isang fast food chain na lang kumain dahil punuan ang restaurant ng mall dahil maraming tao ngayon.

"Ako na lang ang o-order ng pagkain natin. Mag-hanap kayo ng mauupuan natin dahil punuan na." Ani Martinez ng nasa loob na kami ng isang fast food chain.

Tumango kami ni Mads. "Maganda yon. Basta gusto ko ng burger at fries.Tapos isang mango juice."

"Ikaw, Snow?" Tanong ni Martinez.

"Yun na lang din and coke please." Ani ko.

"2 burgers, fries, 1 mango juice and coke." Pag-uulit niya. "Noted, mga binibi!"

Pumunta si Martinez sa counter habang kami naman ni Mads ay naghahanap ng mauupuan namin. Sa second floor pa kami nakahanap ng pwesto.

"Sobrang daming tao ngayon dito. Iba talaga nagagawa pag-sweldo na." Ani Mads ng nakaupo na kami.

Malapit kami sa air-conditioner at bintana ng second floor ng fast food chain. Sa pang-apatan kami umupo.

Nilapag ko ang bag ko sa katabing upuan. "Totoo." Sang-ayon ko sa kanya.

"Ilang buwan pa ang aabutin bago tayo grumaduate." Buntong hininga si Mads.

"Konting tiis nalang, Mads. After nito, wala na tayong iintindihin sa pag-aaral. Trabaho nalang."

Dumating si Martinez na dala ang mga order namin. Nilapag niya iyon sa table at umupo sa tabi ni Mads.

Kinuha naman namin agad ang pagkain at nagsimulang kumain ng may mag-alis ng bag ko sa tabi ko.

Napatingin ako sa gumawa no'n at nakita ko ang nakangiting mukha ni Basty. May dala siyang pagkain na nakalagay sa tray.

"Basty, para kang kabute," Sabi ni Mads at kinagat ang burger niya. "Bigla-bigla ka nalang sumusulpot kung saan."

Kinuha ko ang bag ko at nilapag iyon sa lap ko.

"Paano hindi niyo hinintay!" Ani Basty at umupo sa tabi ko. "May kinuha lang ako sa library, nang iwan na kayo!"

"Wala ka naman kasing sinabi na babalik ka!" Sabi ni Martinez.

Basty pouted. "Kahit na! Nakaka hurt kayo ng feelings." Anito na parang nasasaktan.

"Ewan ko sayo!" Inirapan siya ni Mads at tumingin sakin. "Nga pala Snow, after mo bang grumaduate dito uuwi ka na sa inyo?"

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot. "Hindi pa ko sure. I'm still thinking about that and besides gusto ko ring tumulong sa business namin sa Manila." Sagot ko. "Ikaw? Diba sabi mo sa akin may offer sayong trabaho sa Manila after mong grumaduate?"

"Ah, oo kasi itong si Martinez may offer din sa kanya. Sayang naman kung tatanggihan ko eh, sa Manila rin naman mag ta-trabaho itong si Martinez."

"Nag-invest kasi ang Daddy ko ng isang business sa Manila. Since graduating na ko this year, sakin niya papahawak yung project." Paliwanag naman ni Martinez.

"Ikaw Basty, anong balak mo after graduation?" Tanong ni Mads kay Basty na kumakain ng roast beef sandwich.

"Kagaya ng dati. Dito ako dahil alam nyo namang nandito ang farm ni Papa." Simpleng sagot niya.

"Tsaka alam naman natin ang ugali ni Tita Grace, ayaw malayo sa unico hijo niya." Sambit ni Martinez at mahinang tumawa.

Tumingin ako kay Basty. "Only child ka?" Tanong ko.

"Oo, may problema ka?" Tanong niya pabalik at kinuha yung burger ko. "Akin na nga yan! Mukhang mas masarap yan. Ang panget ng lasa nitong roast beef sandwich!"

"Hoy, pagkain ko yan!" Pinilit ko wag sumigaw dahil maraming tao.

"Palit na lang tayo ng pagkain." Sabi niya at kinagatan na ang burger ko.

No choice ako kaya inirapan ko siya at ang loko mapang-asar lang akong tinignan.

"Kayong dalawa, para kayong aso't pusa." Ani Martinez at tumawa.

Nakisabay naman si Mads sa pagtawa. "True! Walang araw na hindi kayo magkasundo."

I rolled my eyes. "Paano itong kaibigan niyo, ang lakas ng sapak sa ulo!" Inis na sambit ko.

Kinagat ko ang roast beef sandwich order ni Basty. Masarap naman ito! Mas masarap pa nga ito kesya sa burger na inorder ko.

Natatawa parin si Martinez ng sagutin niya ko. "Ganyan lang yan si Basty, pero mabait yan."

"Wala naman akong ginagawang masama sayo, Crystal." Sabad naman ni Basty.

Feeling inosente.

Tinignan ko siya ng masama. Oo nga at gwapo niya. Pero ang kulit kulit naman niya.

Nag-peace sign niya sakin at muling kumain.

After naming kumain sa fast food chain ay nagpaalam sila Mads at Martinez na may bibilhin lang sa ibang department store kaya naiwan kaming dalawa ni Basty rito sa bench ng mall.

"Oy, sagutin mo yung tawag ko sayo mamaya ah?"

Napatingin ako sa kanya. "At bakit naman? Importante ba ang tawag mo?"

"Oo 'no! Basta sagutin mo tapos save mo na rin yung number ko!" Nakangiting sabi niya.

"Oo na! Mangungulit ka na naman eh!" Pagsuko ko dahil wala naman akong panalo sa kanya.

"Totoo ba yon?" Tanong niya maya-maya. "Sa Manila kana ulit after mong grumaduate dito?"

"Hindi ko pa nga alam." Sagot ko.

"Bakit ka pa pumunta dito kung aalis ka rin naman?" Tanong niya ulit.

"Nandito ako para lumayo sa mga nangyari sakin sa Manila. Gusto ko lang lumayo. Gusto ko ring mamuhay mag-isa." Sagot ko ulit.

"Ah, alam ko na yan!" Aniya. "Niloko ka ng boyfriend mo kaya ka andito sa Isle Esme."

"Hindi lang siya ang dahilan bakit ako nandito!" Na pataas ang kilay ko doon.

"Anong bang ginawa ng ex mo sayo?" This time seryoso ang mukha niya.

Bumuntong hininga ako. "He cheated on me. Not once but twice. Binigyan ko siya ng second chance noong una, kasi I believe na every persons deserve a second chance pero nung ginawa niya ulit. Tama na. Tama na yung dalawang beses na niya akong nasaktan. Hindi ako martir at tanga!"

"Mabuti yun sa kanya!" Napatingin ako kay Basty na seryoso ang mukha. "Ang ganda-ganda mo na, lolokohin ka pa! Mabuti itong ginawa mo."

Ngayon ko lang nakitang seryoso ang mukha niya. Siguro dahil puro kakulitan ang pinakita niya sakin sa two weeks ko na pag-stay rito sa isla.

"Maruno ka rin palang magseryoso eh, no?" Ani ko.

Na pataas ang kilay niya. "Seryoso naman talaga akong kausap dati pa!"

Inirapan ko lang siya at as usual ay tumawa lang siya. Nang dumating sila Martinez at Mads na may nalang shopping bag. Umalis na kaming apat sa mall since wala naman na kaming gagawin doon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height