C1 Unseen
"Late na talaga ako!" bulong ko sa sarili habang nag-aabang ng taxi sa gilid ng kalsada. Sobrang malas ko naman! Nawala pa ng gas 'yung kotse ko, Kahit isang taxi, walang dumadaan. Kailangan ko nang makarating sa engagement party ni Ate Mia at... kay Raffy.
Napabuntong-hininga ako. Sino bang mag-aakala na sa lahat ng tao, si Raffy pa ang magiging fiancé ng kakambal ko? Hindi ko alam kung paano ko nagawang ngumiti nang sabihin ni Ate na engaged na sila, na parang nakaraan lang kami 'yung binansagang college sweethearts ng university namin.
Pero wala naman na akong magagawa, ‘di ba? Wala na akong karapatan, Naka move-on na 'ko at alam kong Naka-on na din siya
Habang nagmumuni-muni, isang itim na kotse ang huminto sa harapan ko. Bumaba ang bintana at nakita ko ang pamilyar na mukha.
Si Raffy.
Ibang-iba na ang itsura niya ngayon, ang dating binansagang hot jock ng football team ng university namin ay parang napakadisenteng tao na ngayon.
"Come on, Mhia! Sumakay ka na, late ka na!" tawag niya habang nakangiti.
Napalunok ako, pero pilit kong pinanatili ang ngiti. "Ah... Raffy! Ikaw pala 'yan, sige na nga, sasabay na ako."
Pagkasakay ko, hindi ko maiwasang mapansin ang bango ng loob ng kotse. Para bang na-trap ako sa alaala ng mga dati naming sabay na uwi galing school. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming magkasama sa loob ng kotse niyang 'to dati, pero ngayon, ibang-iba ang pakiramdam.
Tahimik kami pareho habang bumabaybay ang kotse sa kalsada. Nakakailang. Gusto kong magtanong kung kamusta na siya, pero naisip kong awkward lang. Baka isipin niyang umaasa pa ako... kahit totoo naman.
"Okay ka lang?" basag niya sa katahimikan.
Nagulat ako pero mabilis kong pinilit ngumiti. "Oo naman! Medyo... kinakabahan lang. Alam mo na, big event, hahaha, by the way, congrats sainyo ni ate, for sure, magiging mabuti kang asawa sa kanya." pilit kong inaalis ang ilang, magiging brother in law ko naman na siya soon.
Ngumiti siya at bumalik sa pagmamaneho. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya naging mas mature at seryoso. Parang ibang tao na siya, ibang iba sa pagkakakilanlan ko sa kanya
Pagdating namin sa bahay, agad kaming sinalubong ni Daddy na abala sa pag-aayos ng mga lamesa.
"Oh, iho! Mabuti’t sinundo mo si Mhia. Alam mo naman 'yang anak ko, laging kaladkarin at laging late!" biro ni Daddy habang tumatawa.
"Oo nga po, Tito. Ayaw ko pong mahirapan siya sa pag-commute," sagot ni Kuya Raffy na may magalang na ngiti, sabay harap sa'kin at kumindat, agad namang tumibok ng mabilis ang dibdib ko.
Nagulat ako nang biglang dumating si Mommy, may dalang tray ng mga baso. "Mhia! Buti na lang dumating ka na. Halika na, tulungan mo kami dito."
"Yes po, Mommy!"
Habang abala si Kuya Raffy sa pag-usap kay Daddy, napako ang tingin ko sa centerpiece sa lamesa,mga pulang rosas at puting lilies.
Favorite flowers ko.
Napakasimple pero elegante, tulad ng pangarap kong engagement setup noon. Ngayon, para sa kanila na.
"Mhia!" tawag ni ate habang lumalapit, nakangiti at masayang-masaya.
"Thank you sa pagpunta! Alam kong busy ka rin sa work mo." sabi niya at agad akong niyakap ng mahigpit.
Ngumiti ako nang pilit at niyakap siya pabalik. "Syempre naman, Ate. Para sa’yo at kay... Raffy"
Nang humiwalay siya sa yakap, pinakita niya sa akin ang singsing sa daliri niya, simple pero napalaki ng dyamante. "Ang ganda, ‘di ba?" Sai niya habang iniikotikot niya ang singsing sa daliri niya.
Tumango ako, pilit na pinipigil ang lungkot. "Oo, Ate. Sobrang ganda, bagay sa'yo, bagay..kayo"
Narinig ko ang pagtawag ni Mommy sa likod. "Mia, Mhia! Halika at maghanda na kayo. Darating na ‘yung mga bisita."
Nagkatinginan kami ni Ate at sabay na nagtawanan. Nakakatuwa kasi kahit na kambal kami, sobrang magkaiba ang ugali namin. Siya ‘yung strong at confident, ako naman ‘yung tahimik at laging second choice ng karamihan, sana na 'ko siguro kasi dahil bunso ako saming dalawa.
Nakita ko si Raffy na nakatayo sa may pinto, nakatingin sa amin.
Nang magtama ang mga mata namin, parang bumalik lahat ng alaala—mga gabing sabay kaming nag-aaral, mga kwentuhan sa ilalim ng puno sa campus, at ang pangako niyang... wala nang natupad.
Pinilit kong ngumiti at tumingin kay Ate na abala sa pag-aayos ng gown niya. Ngayon, wala na akong magagawa kundi suportahan ang kakambal ko at magkunwaring masaya para sa kanila.
Habang abala si Ate Mia sa pag-aayos ng make-up niya sa harap ng salamin, umupo ako sa gilid ng kama at pinanood lang siya. Parang wala siyang kahit anong alalahanin, tulad ng dati. Napakasimple pero ang elegante niyang tingnan, bagay sa kanya ang gown na kulay ivory na akala mo pang-prinsesa.
"Alam mo, Mhia," biglang sabi ni Ate habang inaayos ang hikaw niya, "hindi ko in-expect na dito rin mauuwi ang lahat. Si Raffy... ang tagal ko nang crush ‘yun noong high school. Tapos, heto kami ngayon." Sabay harap niya sa'kin
Napatigil ako. Parang sinuntok ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Hindi niya alam, kasi nga’t ako ang laging tahimik at tago kung magmahal. Sa tuwing kukuwentuhan niya ako tungkol kay Raffy, pilit kong pinipigilan ang sarili kong magalit o magselos. Hindi naman kasalanan ni Ate na pareho naming minahal si Raffy, hindi niya din naman alam na may nabubuong relasyon sa'min dati.
"Talaga, Ate? Hindi mo ba napansin na..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
"Napansin ano?" tanong niya habang nakangiti pa rin.
"Na... ang swerte mo kay Kuya Raffy," sagot ko na lang, pilit na itinatago ang lungkot sa boses ko.
Ngumiti si Ate at lumapit sa akin, umupo sa tabi ko. "Alam mo, Mhia, minsan naiisip ko... parang hindi pa rin ako makapaniwala na napili niya ako. Dati, parang laging malapit siya sa’yo. Akala ko nga..." Tumawa siya nang mahina. "Akala ko nga ikaw ang gusto niya."
Bigla akong kinabahan. "Ano? Hindi ah! Crush lang siguro niya ako noon. Alam mo naman si Kuya, madali siyang makagaanan ng loob."
Tumawa si Ate at siniko ako. "Alam mo, kahit magkapatid tayo, minsan hindi pa rin kita mabasa. Parang ang dami mong tinatago." sabay iling niya
Gusto kong sabihin ang lahat. Gusto kong ipagtapat na noong high school pa lang, kami na ni Raffy, na siya ang unang lalaki ng minahal ko. Pero paano ko sasabihin iyon nang hindi siya nasasaktan?
Tok! Tok!
"Girls, handa na ba kayo? Papasok na ang mga bisita," tawag ni Mommy mula sa labas.
Tumayo si Ate at tumingin sa akin. "Tara na, sis! Kailangan natin maging presentable, excited na 'ko!"
Tumango ako at sinundan siya palabas ng kwarto.
Pagdating sa sala, puno na ng tao ang buong bahay, mga kamag-anak, kaibigan, at ilang staff ni Raffy sa trabaho. Nang makita ko siya sa gilid, kausap si Daddy at Tito Dan, napako ang tingin ko sa kanya. Ang gwapo niya sa suot na itim na suit at puting polo. Para siyang leading man sa pelikula.
Napansin ko na nakatingin siya sa amin ni Ate habang papalapit kami. Nagtama ang mga mata namin, at kahit ilang taon na ang lumipas, naramdaman ko pa rin ang dati kong kaba, 'yung kaba na tila sasabog ang puso ko sa tuwing magtatama ang tingin namin.
Lumapit si Kuya Raffy at ngumiti. "Ang ganda niyo pareho," sabi niya habang nakatingin kay Ate.
"Syempre naman!" sagot ni Ate, sabay yakap sa braso ni Kuya. "Excited na akong ipakilala ka sa ibang relatives namin"
Iniwas ko ang tingin at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mesa. Pero bago pa ako makalayo, narinig kong tawagin ako ni Raffy.
"Mhia," tawag niya nang mahina.
Lumingon ako at nakita kong seryoso ang mukha niya. "Yes"
"Pwede ba tayong mag-usap mamaya? May... gusto lang akong linawin."
Nanlamig ang kamay ko sa kaba. Pero ngumiti ako at tumango. "Sige."
Habang patuloy ang kasiyahan at ingay sa paligid, hindi ko mapigilang isipin kung ano ang gusto niyang sabihin. Alam kong delikado ang sitwasyon, engagement party ito ng kakambal ko at ng dating mahal ko. Pero bakit parang may bahagi sa puso ko na umaasa pa rin?
Alam kong mali. Alam kong si Ate na ang mahal niya. Pero bakit parang may nakatagong sikreto pa rin si Raffy, at bakit parang may natitira pa ring pag-asa sa puso ko?