C2 Lustful night
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit pa ako umaasa? Bakit parang may kung anong kirot sa puso ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama?
Pinilit kong ngumiti habang inaayos ang mga bulaklak sa mesa. Ang ganda ng setup, may mga rosas, tulip, at ilang puting lilies na personal kong pinili. Para sa engagement party nila, dapat perpekto ang lahat.
"Mhia," narinig kong tawag ulit ni Raffy mula sa likod. Nilingon ko siya at nagkunwaring abala sa bulaklak. "Oh, Raffy? Ano 'yun?"
Nagdalawang-isip siyang lumapit, tila alanganin. "Pwede ba tayong mag-usap... sa labas?" Agad namang nagkunot ang nuo ko
Napatigil ako. Bakit sa labas? Bakit parang seryoso siya? Pero tumango pa rin ako. "Sige, sandali lang."
Pagkalabas namin sa veranda, malamig ang hangin. Tahimik ang paligid kumpara sa ingay sa loob ng bahay. Kaming dalawa lang.
"Anong sasabihin mo?" tanong ko habang pilit na iniwasan ang mga mata niya.
Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Mhia, alam kong matagal na... pero hindi ko kayang itago 'to."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean by that?"
Hinawakan niya ang kamay ko,mainit ang palad niya, at parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
"Nung iniwan mo ako noon, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang sakit. Pero ang mas masakit... pinilit kong mahalin si Mia para lang kalimutan ka."
Napalunok ako, pilit na pinipigil ang luha. "Raffy... tama na. Ayokong marinig 'yan." Agad ko namang napagtanto ang sinabi niya, pinilit niya lang na mahalin si ate?
Pero hindi siya tumigil. "Mhia, hanggang ngayon... ikaw pa rin."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Parang may kung anong sumabog sa loob ko. Hindi pwede. Hindi na pwede.
"Raffy, mali 'to. Si Ate na ang mahal mo. Siya na ang pinili mo. Wala na 'kong karapatan, ikakasal na kayo, masaya na kayo, please, don't matagal na natin 'tong tinigil" Agad na nangilig ang mga luha ko.
Umiling siya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Pinilit kong mahalin siya dahil alam kong wala na akong pag-asa sa'yo. Pero ang totoo, ikaw ang laman ng puso ko."
Napatigil ako, at hindi ko na napigilan ang luhang pumatak. "Bakit mo sinasabi 'to ngayon, Raffy? Bakit ngayon lang, kung kailan malapit na kayong ikasal?"
"Mhia... sabihin mo lang na mahal mo pa rin ako, at kaya kong itigil ang lahat."
Parang huminto ang oras. Naramdaman ko ang sakit at ligaya sa parehong pagkakataon. Pero alam kong mali. Si Ate ang pinili niya. At hindi ako puwedeng maging makasarili.
Umiling ako at pinilit na ngumiti kahit nanginginig ang labi ko. "Hindi, Raffy. Mahal mo si Ate Mia... at masaya siya sa'yo. Hindi ko kayang sirain 'yun. Tama na 'to.
Napasandal siya sa pader, bakas ang pagkatalo sa mga mata niya. "Kahit sabihin mong mahal mo pa rin ako?"
Napatingala ako sa langit, pilit na pinipigilan ang mga luha. "Oo, Raffy. Mahal pa rin kita... pero mas mahal ko si Ate. At mas pipiliin kong masaktan kaysa makitang wasak ang pamilya natin."
Napaawang ang labi niya, tila nawalan ng lakas. At sa sandaling iyon, alam kong pareho kaming talo. Walang nanalo sa larong ito. Pag-ibig na puro sakit at kasinungalingan.
Bago ako pumasok pabalik sa bahay, narinig ko ang pabulong niyang salitaisang salitang bumasag sa natitira kong katatagan.
"Sorry... Mhia."
Pinahid ko ang mga luha ko bago pumasok sa loob ng bahay. Letche, ang sakit pa din, for godsake, matagal ko na 'tong pinaghandaan pero bakit kapag nangyari na talaga sa'yo hindi mo na makokontrol yung mga mangyayari. Agad kong pinunasan ang mga luha ko, hindi ko pwedeng hayaang malaman ni Ate ang tungkol sa nangyari sa veranda.
Pagpasok ko sa sala, halos lahat ay masaya at abala sa pag-uusap. Napansin kong wala si Ate Mia doon, kaya pumunta ako sa dining area para mag-check kung nandoon siya.
"Mhia!" tawag ni Ate mula sa may kusina. Napapitlag ako at pilit na ngumiti bago lumapit sa kanya.
"Oh, Ate! Bakit nandito ka? May kailangan ka ba?" tanong ko, pilit na itinatago ang kaba.
Umiling siya at ngumiti, pero may halong pagtataka sa mga mata niya. "Hinahanap kita kanina pa. Where have you been?"
Napalunok ako. "Ah... sa veranda. Medyo nahilo lang ako kanina from byahe kaya lumabas ako saglit para magpahangin."
Tumango siya pero halata sa mukha niya na parang may gusto siyang itanong. "Hmm... okay ka lang ba? Parang ang tahimik mo kasi lately."
Ngumiti ako at tumango. "Oo naman. Siguro stress lang sa mga preparations."
Bigla siyang napatawa at niyakap ako nang mahigpit. "Salamat, ha? Hindi ko alam kung paano ko magagawa lahat 'to kung wala ka."
Niyakap ko siya pabalik, pero sa loob-loob ko, parang tinutusok ang puso ko ng paulit-ulit. "Wala 'yun, Ate. Basta para sa'yo, lahat gagawin ko."
Binitiwan niya ako at ngumiti, pero napansin ko na parang may pag-aalala pa rin sa mga mata niya. "Ah nga pala, nakita mo ba si Raffy? Hindi ko siya mahanap sa loob e."
Parang nanlamig ang katawan ko sa tanong niya. "Si Raffy? Ah... baka nasa veranda pa rin. Baka kausap si Daddy o si Tito Dan."
Nagtaas siya ng kilay, halatang nagtataka. "Talaga? Kasi parang nakita ko siyang papunta rin sa labas kanina... kasabay mo ba siya?"
Hindi ko alam kung paano sasagutin. "Ah... oo, nagkasalubong kami kanina pero... umalis din siya agad. Baka may kausap na iba."
Ngumiti si Ate pero parang may kakaibang tingin sa akin. "Alam mo, Mhia... ang weird lang. Kasi habang pinapanood kita kanina, parang may mabigat sa loob mo. Sigurado ka bang okay ka lang?"
Ngumiti ako kahit gusto kong umiyak. "Promise, Ate. I'm fine. Ayoko lang talagang magkamali sa mga plano kaya siguro parang tense ako."
Tumango siya, pero alam kong hindi pa rin siya kumbinsido. "Sige, magpahinga ka muna. Baka napagod ka lang sa kaka-ayos."
"Sige, Ate. Balik na ako sa sala."
Habang papalayo ako, naramdaman ko ang bigat ng bawat hakbang. Alam kong kailangan kong magpakatatag, hindi lang para sa sarili ko kundi para kay Ate Mia na walang kamalay-malay sa lahat ng ito.
Pero sa likod ng isip ko, pilit na bumabalik ang sinabi ni Raffy kanina. Paano kung sabihin ko kay Ate ang totoo? Paano kung ipaglaban ko siya? Pero alam kong hindi ganun kadali. Hindi ko kayang sirain ang kaligayahan ng kapatid ko.
Habang abala ang lahat sa loob ng bahay, sinubukan kong magpakasaya kahit ang puso ko ay wasak na. Alam kong walang madali sa ganitong sitwasyon, pag-ibig na puno ng pagsasakripisyo at lihim na hindi ko kayang ipagtapat.
Pagkatapos ng ilang minuto ng pakikipag-usap sa mga bisita, napagdesisyunan kong lumabas ulit saglit para magpahangin.
Pakiramdam ko kasi, mas lalong sumisikip ang loob ng bahay sa dami ng tao at sa bigat ng emosyon ko.
Lumabas ako sa likod ng bahay, sa maliit na garden na dati naming pinaglalaruan ni Ate noong bata pa kami. Nagulat ako nang may marinig akong mga yabag mula sa likod.
"Mhia?"
Napalingon ako at nakita ko si Raffy na nakatayo sa may pintuan, halatang gulat din nang makita ako.
"Ah... sorry. Hindi ko alam na nandito ka pala," sabi niya habang nag-aalangan lumapit.
Ngumiti ako ng pilit. "No, it’s okay. Kailangan mo ba ako?"
Umiling siya at lumapit nang dahan-dahan. "Actually... gusto lang kitang makausap."
Pilit kong pinakalma ang puso ko. "Okay... ano 'yun?"
Huminga siya nang malalim at tiningnan ako nang diretso sa mata. "About kanina... I’m sorry. I didn’t mean to make you uncomfortable."
Umiling ako at ngumiti, kahit halata ang lungkot sa mga mata ko. "Walang problema. Tapos na 'yun, Raffy."
Nakita kong kumunot ang noo niya, parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Mhia... bakit parang ang layo mo na sa akin? Alam kong nagkamali ako, pero... hindi mo na ako kinakausap gaya ng dati."
Napakagat ako sa labi at umiwas ng tingin. "Raffy, engaged ka na kay Ate Mia. Kailangan ko lang... mag-distance nang konti."
Tumango siya pero kita sa mga mata niya ang sakit. "Hindi ko naman ginusto na ganito ang mangyari. Pero gusto kong malaman mo na... mahal kit-"
Natigilan ako sa sinabi niya. "Raffy, please... tama na."
Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit. "Just let me explain, Mhia. Hindi naging madali sa akin ang lahat ng ito. Nang mawala ka at pumunta sa US , akala ko kaya ko nang mag-move on. Then Mia came into my life, and she was there... comforting me. I thought I was over you, pero nung bumalik ka... parang bumalik din lahat."
Nanlalabo na ang paningin ko sa mga luha. "Raffy... mahal mo si Ate. Nagdesisyon ka na. Huwag mo nang guluhin 'yung sitwasyon."
Umiling siya at mukhang hirap na hirap din. "Hindi ganun kadali, Mhia. Akala ko kaya ko, pero nung makita kita ulit... I realized na ikaw pa rin."
Napalunok ako at pilit na pinatibay ang loob. "Tama na, Raffy. Hindi mo pwedeng guluhin ang sitwasyon. Mahal ka ni Ate, at kailangan mong panindigan 'yun."
Tahimik kaming dalawa habang naririnig ang tunog ng mga kuliglig sa paligid. Hinayaan kong umagos ang luha ko habang nakatingin siya sa akin na parang may pinipigilan ding emosyon.
"Mhia..." tawag niya ulit, pero umiwas na ako.
"Please, Raffy... ayusin mo na lang ang relasyon niyo ni Ate. Huwag na nating guluhin pa. Masakit na."
Naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa braso ko, at dahan-dahan siyang umatras. "Kung ganun ang gusto mo... pero tandaan mo, Mhia... ikaw pa rin ang mahal ko."
Tinalikuran ko siya at pilit na pinigil ang hikbi ko. Alam kong mali na patulan ang nararamdaman ko, pero bakit gano'n? Bakit kahit alam kong masaktan ako, ang puso ko pa rin ang umiiyak sa kanya?
Habang naglalakad ako sa gaerden, huminga ako nang malalim at pilit na isiniksik sa isip ko na tapos na ang lahat. Si Ate Mia ang pinili niya, at hindi ko pwedeng sirain ang kaligayahan ng kapatid ko.
Pagkatapos ng ilang sandali, nagdesisyon akong bumalik sa loob ng bahay. Kailangan kong magpakalakas,dapat hindi ako magpahalata. Pero habang naglalakad ako pabalik, biglang naramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako pabalik sa likod ng garden.
"Raffy! Anong ginagawa mo?!" bulong kong galit, pero hindi niya ako pinakawalan.
Nasa sulok kami ng garden, sa pagitan ng mga halaman at bakod. Ang madilim na paligid ay tila nagtatago sa amin sa gitna ng kasiyahan sa loob ng bahay.
"Mhia, please... makinig ka lang," sabi niya, ang boses niya mababa at may halong desperasyon.
"Raffy, tama na. Nakikiusap ako—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko, itinulak ako ng bahagya sa pader ng bakod, at tinitigan ako nang matindi na parang binabasa ang kaluluwa ko.
"Alam mo bang ilang taon kong tiniis 'to?" bulong niya, halos idampi ang labi sa tenga ko. "Ilang taon kong pilit na kinalimutan ka."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, ramdam ang init ng hininga niya sa leeg ko. "Raffy... please..."
Pero hindi siya nagpatinag. "Mhia, bakit ba ang hirap mong intindihin? Mahal kita, kahit anong pilit kong kalimutan, ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko."
Umiling ako, pilit na itinatago ang kilabot na nararamdaman. "Stop it, Raffy. Hindi tama 'to..."
Pero bigla niyang hinapit ang baywang ko, dahilan para mapalapit ako sa kanya. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya habang magkalapat ang katawan namin. "Sabihin mo sa akin na wala ka nang nararamdaman. Sabihin mo at titigilan na kita," hamon niya, titig na titig sa mga mata ko.
Napalunok ako, pero hindi ko magawang magsinungaling. "Raffy..."
Hinaplos niya ang pisngi ko, at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. "Fuck, Mhia... bakit ang hirap mong kalimutan?" bulong niya bago niya dahan-dahang inilapat ang labi niya sa akin, malambot at puno ng pangungulila.
Saglit akong nagpumiglas, pero nang maramdaman ko ang init ng halik niya, parang bumigay ang lahat ng depensa ko. Napapikit ako habang gumaganti sa halik niya, na parang nakahanap ng kanlungan sa init ng katawan niya.
Bumitaw siya saglit, pero nanatiling malapit ang mukha niya sa akin. "Hindi kita kayang bitawan... kahit alam kong mali."
Sumandal ako sa pader, pilit na humihinga nang maayos. "Raffy... please... wag na."
Pero muli niyang hinalikan ang labi ko, mas madiin at mas mapusok. Hinaplos niya ang likod ko, at pakiramdam ko'y parang gusto niyang angkinin ako sa bawat haplos at halik.
Bago pa tuluyang mawala ang kontrol, bigla akong kumalas at itinulak siya nang marahan. "Raffy, tama na. Magulo na ‘to. Ikakasal ka na kay Ate."
Parang natauhan siya at dahan-dahang umatras. Nakita ko ang panghihinayang sa mukha niya, pero wala siyang nagawa kundi tumango. "Sorry..." bulong niya, halatang nasasaktan din.
Huminga ako nang malalim at pinilit ang sarili kong magpakatatag. "Kalimutan mo na 'tong nangyari. Gawin mo 'to para kay Ate. Mahal ka niya... at mahalaga siya sa akin."
Napatungo si Raffy, halatang nagsisisi. "Sige... pero tandaan mo, Mhia,ikaw ang una. At kahit kailan, hindi ko makakalimutan ‘yun."
Lumayo na siya habang ako naman ay napaluhod sa damuhan, pinipilit pigilan ang mga luha. Alam kong mali, alam kong dapat ko nang kalimutan ang nararamdaman ko, pero bakit parang mas lalo lang naging magulo ang lahat?
