C3 Girlfriend is not allowed
She's my bodyguard 2
Psyche POV
Pumasok na kami ni Jello sa loob ng bahay noong THE GREAT na yun
Di naman siya mukang THE GREAT kasi muka siyang THE LESS
Para siyang hinukay na buto ng tao sa ilalim ng lupa
Muka siyang ZOMBIE
bodyguard ba talaga kailangan nito? Baka naman kabaong?
"Hoy Psyche kanina ka pa naka tingin doon sa lalaki" biglang sabi ni Jello
Imbis kasi na mamangha ako sa bahay
Doon ako namangha sa lalaking mukang kalansay
"Siya ba yung nanganga ilangan ng bodyguard? Mukang kabaong kailangan noon"bulong kong sabi kay Jello
"Tanga di yun driver nila yun commonsense oy!"
Nakakapag Drive papala yun? Buti di nasasaktan amo noon pag nag dridrive
At buti di nakakalas buto noon pag mag prepreno
"Sorry naman eh siya yung nag bukas ng gate at pinapasok tayo eh malay ko bang driver lang yun"sabi ko at nilibot na ng tingin ang buong bahay
Malaki nga at may chandelier sa taas
Yayamanin sarap nakawin ng mabenta sa junk shop
Mahal din kilo niyan pag nagka taon
Yung mga gamit dito kulay purple
Seryoso?
Bata pa ba may ari ng bahay nato?
Mula kasi sa pintura sa labas ng gate purple tapos pinto nito purple tapos pintura sa loob purple tapos mga gamit dito purple
Wala ata akong ibang makitang kulay dito
Puro purple
Anong klaseng tao naka tira dito? Tao paba to? Di halata ah
Adik na adik sa kulay purple
Baka pati may ari ng bahay na to purple ang kulay
"Sorry kung napag hintay namin kayo"
Napa lingon kami ni Jello sa nag salita at nakita ang dalawang lalaki na mag kasing edad lang ata
Hulaan ko
Itong lalaking naka Purple ang damit at short saka naka sapatos nang purple at may kulay purple din ang buhok ang may ari ng bahay na to
Ghad sabi na nga
Taong purple ang naka tira dito
Yung isa naman maka tingin sakin kala mo close kami
Ang taas ng kilay mas mataas pa sa Mt Everest
Ang totoo? Bakla ba kasama niya?
"Ughm Hi Sir Inigo ako nga pala si Jello tapos ito si Psyche ....."
"Hindi ba nasabi sayo ni Inigo na bawal mag dala ng girlfriend dito? Pano nalang kapag nag trabaho ka na sakin baka di ka makapag focus dahil laging naka buntot girlfriend mo sayo"biglang sabi ni Mr kilay to the highest than Mt Everest
Lintik!
Ayaw na ayaw ko sa lahat ang pinag kakamalan kami ni Jello na mag shota ang sarap niyang patayin at ipatapon sa Mt Everest
"Excuse me lang Mr Mt Everest ah hindi pa natatapos ng KAIBIGAN ko ang sasabihin niya pinuputol mo na agad pano mo malalaman kung kaano ano niya ako?"sabat ko
Biglang lumapit sa kanya ang lalaking naka purple at may binulong
Kita ko naman ang pag simangot ni Mr Mt Everest at tumingin sakin
Ng maka layo si Mr Purple guy tumingin to sakin mula ulo hanggang paa
Tsk
Sabi nga ni Idol Jacklin
LOOKING AT ME IS A CRIME
"Bodyguard ang hinahanap namin hindi yaya"sagot ni Mr Mt Everest
Aba yaya ang lintik eh kung patayin ko na kaya to!
"Hoy! Mr Mt Everest! Maka yaya ka naman jan tingin mo naman sakin mukang katulong? Gago ka ba? Eh kung patayin kaya kita!"inis kung sabi at akmang susugurin na siya ng pigilan ako ni Jello at tumingin sakin
"Relax lang best friend kalma"sabi nito
Unti unti akong kumalma at hinarap si Mr MT Everest na naka taas ang kilay
"Sorry Ms but bodyguard na kayang kumalaban sa mga nag tatangka sa buhay ng kaibigan ko ang hinahanap namin eh"sabi ni Mr Purple guy
Isang ngisi ang kumawala sa bibig nito at hinawi ang buhok nito saka ako kinindatan
"Pero kung gusto mo naman available ako pwede kang mag apply sakin bilang girlfriend ko at araw araw may sahod ka"sabi nito saka ngumiti
"Sahod ng pag mamahal"at kinindatan ako
Napa lunok ako sa sinabi niya
Nandidiri ako
Ano ba talaga siya?
Hindi niya ba iniisip na sa mga sinabi niya handa ko na siyang patayin
"Sorry Mr..."
"Inigo"putol nito at kumindat sakin saka nag kagat labi "at your service"
Ewww
"Sorry Mr Inigo pero ayoko kasi maging Purple girl gaya mo look mula bahay at mga appliances purple na purple pati ba naman suot mo purple din ? Tanong lang pinag lihi ka ba sa purple? Oh tao ka ba talaga?"tanong ko dahilan para humagalpak sa tawa si Jello
Kita ko naman ang pag pipigil ng tawa ni Mr Mt Everest
"Pero kung yan lang din ang dahilan sorry ah we didn't waste our precious time to you Mr purple guy"sabi ko at inakbayan si Jello
"Tara na Jello baka maubos lang ang oras natin dito"sabi ko at sapilatan siyang pinaikot paharap ng pinto at hinila habang naka akbay sa kanya
"Teka"
Sabay kaming napa lingon sa dalawa
Kita kong kinaka usap ni Inigo yung si Mr Mt Everest na seryosong nakatingin sakin at kay Jello
Matthew POV
"Brad wala namang ibang mag aaply bukod sa kanila kaya sige na tanggapin mo na"sabi ni Inigo sakin
"Look at her she's a girl not a boy baka naman pag naka harap niya ang mga nag tatangka sakin baka mag tago siya sa likod ko"sabi ko
"Bro don't judge the book by its cover malay mo may taglay na kagalingan si Girl malay mo marunong siya mangarate and look tignan mo yung purmahan niya"sabi nito laya tinignan ko yung babae
"Parang gangster at astigin tignan"sabi nito
Tama naman siya
"What if mag papapansin lang yan sakin?"tanong ko
"Then test her "
"Matagal pa ba yan? May trabahong nag hihintay samin ng kaibigan ko"inis na sabi ng babae saamin
"Okay then you"sabi ko sabay tingin sa babae
"I will test you before i hire you"sabi ko
"Basta siguraduhin mong may barilan at patayan"sabi nito at ngumisi
"Then i will accept it"