+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Test

She's My Bodyguard 3

Matthew POV

"Ang tagal ah"reklamo ko kay Psyche

Kanina pa namin siya hinihintay ni Inigo eh

Alam niya ba na bawat minuto at segundo ay mahalaga!

"Sorry naman bagal kasi nito eh"angal ni Psyche sabay batok kay Jello

"Aray ah maka batok ka wagas!"angal naman ni Jello

"Eh kasalanan mo kung bakit nag hintay ang dalawa!"

"Kasalanan ko bang pinabili pa ako ng toyo ni mama sa tindahan nila aling bebang na napaka layo?"

"Kasalanan ko bang ang tanga mo? Aling bebeng kasi sinabi ng nanay mo hindi Bebang!"

"Kasalanan ko bang mahina boses ng nanay ko?"

"Kasalanan ko bang ..."

"Stop!"sigaw ko dahilan para mapa tingin sila saakin

Kunot nuo kung tinignan ang dalawa

Shit ang sakit nila sa mata!

"Lets go "i said saka pumasok sa kotse ni Inigo

Nasa backseat ang dalawa

"Seryoso? Pati ba naman kotse mo purple? Pati loob? Buti di ka napag kakamalang adik"angal ni Psyche habang nililibot ng tingin ang kotse si Inigo

"Aangal ka pa ikaw na nga tong sasakay eh mag commute ka nalang kaya"sabi ni Inigo at sinumalan mag drive

Tama naman kasi si Psyche

"Buti hindi purple naging pangalan mo"biglang sabi ni Jello at nakipag apir kay Psyche

"Hahahahaha gusto ko nga ding baguhin ang pangalan ko eh gagawi kong

PURPLE THE GREAT CUERVA"

Napatigil sila Jello at tinignan si Inigo

"Seryoso? "Jello

"Engot na nga adik pa tsk"Psyche

"Hoy narinig ko yun!"angal ni Inigo

Ang totoo? Parang gusto ko nang bumaba ng kotse na to dahil na oop ako sa usapan nila

"Hold on!"biglang sabi ni Inigo habang tumitingin sa side mirror niya at binilisan ang takbo

"Anong meron?"tanong ko

"May nahabol satin"biglang sabi ni Inigo dahilan para mag panic ako

Lintik! Wag ngayun wala pa akong na hire na bodyguard ko kaya wag muna ngayun saka na pag may bodyguard na ako

"Hoy kayong dalawa ano tinutunga tunganga niyo? May nahabol satin kumilos kayo!"inis kong sabi sa dalawa

Nag tinginan lang ang dalawa at saka bumalik sa dati

Pinikit nila ang kanilang dalawang mata at wala manlang ginawa

"Ano ba? May gustong pumatay sakin ano tutunganga lang kayo?!"inis kong sabi

Binuksan ni Psyche ang mata niya at ngumisi

"Hindi pa kami hire diba? Kaya kayo muna kumalaban jan isa pa mag tetest pa ako sabi mo diba?"sabi ni Psyche at pinikit ang mata

Tinignan ko si Jello na binuksan ang mata niya

"Kung hinire niyo agad kami ehdi sana kanina pa wala yung nahabol satin"sabi nito

"At isa pa paki dalian mo namang mag drive Mr Inigo yan may tama na tuloy ng baril yung sasakyan mo"sabi ni Psyche

"What?!"gulat na sabi ni Inigo at binilisan ang pag papatakbo ng sasakyan

"Please hire them now"sabi ni Inigo habang naka tingin sa kalsada

Okay wala na akong choice kundi gawin yun

"Then you two!"sabi ko sa dalawa at tinignan sila

"Your hired!"

"Yes!"sabi ni Psyche at ngumisi

"Its bloody time"sabi naman ni Jello at may kinuha sa bag nito

"Umalis ka jan"sabi ni Psyche sakin

"Huh? Pano?"tanong ko

"Pumunta ka dito"sabi niya

"Then stop the car first"angal ko

"Eh pag tinigil to mamamatay ka"sabi ni Jello

"Dude dito ka kasi dumaan use your small brain!"inis na sabi ni Psyche at hinila ako

Lintik!

Ang sakit ng ulo ko ah!

Nandito ako sa backseat at si Inigo ang nag iisa doon sa harap

"Hoy ikaw umalis ka din jan"sabi ni Psyche kay Inigo

"Then how? Nag dradrive ako"

"Basta alis"sabi ni Psyche

Kinakabaha man ay umalis si Inigo sa pag dradrive habang naandar pa ang kotse

Pagewang gewang ang kotse dahil walang naka hawak sa manubela

Shit ayoko pang mamatay

Pumunta si Psyche sa drivers seat samantalang ang katabi kong si Jello ay may hawak na baril

Oh god

Demomyo ba kasama ko?

"Lets start the bloody game"sabi ni Psyche and....

"Wahhhhhhhhhhhhhh" pareho naming sigaw ni Inigo ng umandar nang napaka bilis ang kotse ni Inigo

Walang mababakas natakot kila Psyche at Jello

Dinaig pa namin ang nangangarera sa bilis

Nag o overtake narin kami

At pag nag stop light na di natigil si Psyche para bang walang sinasanto ang babaeng to

Binuksan ni Jello ang bintana sa gilid niya at mula rito ay inilabas niya ang kalahating katawan niya at nakipag palitan ng barilan sa mga nahabol samin

"Jello patamaan mo gulong nila"sabi ni Psyche

"Tsk palit tayo di ako makapag concentrate dito"sabi ni Jello at bumalik sa loob

"Alis jan"sabi ni Jello kay Inigo at hinila ito papunta sa tabi ko

Ngayun kaming dalawa na ni Inigo ang nandito sa backseat samantalang sila Jello at Psyche ang nasa front seat

Nag palit ang dalawa

Si Jello na ang nasa Driver seat at nag dradrive samantalang si Psyche ang may hawak ng baril at binuksan ang bintana saka nilabas ang kalahating katawan

Tumingin ako sa likod at doon ko nakita ang kotseng itim na humahabol saamin

*banggg

Isang putok ng baril ang narinig ko at mula sa kinauupuan ko nakita ko kung pano mawalan ng derektion ang kotseng humahabol samin at kung pano ma flat ang gulong nito

Bumalik sa loob si Psyche at umupo ng maayus

"Nice one"sabi ni Jello habang tuloy parin ang pag drive

"Saan tayo?"tanong ni Psyche

"Sa......sa VMP buildin..."hindi ko napatapos ang sasabihin ko ng bigla nalang i preno ni Jello ang sasakyan dahilan para mauntog kami ni Inigo sa isat isa

"Ano ba?!"inis kong sabi

"Dahan dahan mahal ko pa sasakyan ko!"Inigo

"Where here"Psyche said saka lumabas

"Well congrats na binyagan na sasakyan mo see may tama ang salamin sa labas"sabi ni Jello saka ngumiti at lumabas

Naiwan kami ni Inigo sa loob na tulala

"Grabe racer at professional killer ang kasama natin"sabi ni Inigo at lumabas na rin

Pakiramdam ko parang nawala ang kaluluwa ko sa katawan ko

Grabe buo pa ba ako?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height