+ Add to Library
+ Add to Library

C6 Danger

Matthew POV

Siya na nga naka basag

Siya pa tong nagagalit

Aba malupit tong babaeng to

Baka nakaka limutan niya ako ang amo niya

Kawawa naman ang bintana ko nabasag na nga giniba pa

Kawawang Matthew isang halimaw na babae ang napunta sa kanya para mag batay

Ito namang isang kumag na nag ngangalang Jello kinukumbinsi pa si Psyche na basagin ang mother shark kung lamesa

Aba subukan niya lang at ako mismo ang papatay sa kanila

Kahit na di ko naman kaya

Masyado akong gwapo at mabait para pumatay

Hindi makakaya ng muka ko na maka patay ng taong panget

"Hoy Matthew"

Taas kilay kong tinignan ang tumawag sakin

"Pwede ba? Wag mo nga itaas yang kilay mo muka kang baklang palaka maka taas ka naman ng kilay kala mo naman meron kang kilay? Halos wala nga akong makitang kilay jan"sabi nito saakin

Aba nilait pa ako

Masamang tingin nalamang ang binigay ko sa kanya at akmang mag sasalita na ng bigla niya akong yakapin

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya

At dahil na rin sa bilis ng pang yayare na out of balance kaming dalawa

At ang kinalabasan?

Naka patong siya ngayun saakin

"Ayus ka lang?"kunot nuo niyang tanong sakin

Hindi ko makapag salita dahil ang lapit namin sa isat isa at ang nakakapag taka

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kinakabahan

Tumayo siya at nilabas ang baril na tinago niya mula sa likod niya at kinasa

Naiwan akong naka higa dito at ang balis parin ng tibok ng puso ko

Shit stop this feeling

"Jan ka lang wag kang aalis jan hanggat hindi ako nakakabalik"sabi niya at iniwan ako

Tulala

Kinakabahan at nataranta ng yakapin niya ako

"Pre anyare sayo?"tanong sakin ni Inigo na ngayun ay kararating lang

Tinulungan niya akong tumayo at tinignan ng deretso

"Anyare sayo?"tanong nito sakin

"Anweirdg pre"sabi ko habang naka tingin sa dinaanan ni Psyche

"Huh?"

Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa bilis ng pag tibok

"Hoy!" Isang malakas na batok ang nakuha ko mula kay Inigo na ngayun ay ang sama ng tingin sakin

"Anong nangyare..."di niya napag patuluy ang sasabihin niya ng maka rinig kami ng putok ng baril mula sa labas

Nag katinginan kaming dalawa at saka tumakbo palabas

Ng maka labas na kami nakita ko si Psyche na naka hawak sa braso niya at si Jello na may sakal sakal na lalaki na naka kulay itim at may bonet

"Sino yan?"sabay naming tanong ni Inigo

Pero walang sumagot dahil nanlaban pa ang lalaki kay Jello at akmang kukunin nito ang baril ni Jello pero isang bala ng baril ang agad na nag pabagsak sa kanya

Bala ng baril ni Psyche na ngayun ay nasa harap ko at naka tutuk ang baril nito sa lalaki

Tinignan ko lang si Psyche pero may napansin ako

Dumudugo ang braso niya

Napa lunok ako ng makitang ininda ulit ni Psyche ang sakit

Lumapit ako sa kanya at inagaw ang baril na hawak niya

"Ano bang ginagawa mo!"inis niyang sabi kahit na nasasaktan siya

"Tara na"sabi ko at hinila siya

"Hoy ano ba!"sigaw niya kaya napa tigil ako at tinignan ang sugat niya

Tinignan niya rin ito at tumingin sakin

Napa iling nalang ako at binuhat siya na parang sako

"Hoy! Isa may baril pa ako dito gusto mo mamatay! Ibaba mo nga ako! Isa!"inis niyang sabi saakin

"Wag kang malikot lalong sasakit yan"sabi ko habang buhat buhat parin siya

Ng maka pasok uli kami sa loob ng building agad kaming nag punta sa clinic at doon binaba ko na siya

Pag ka baba ko sa kanya naka tikim ako ng isang malutong na sampal galing sa kanya

"Ano ba! Bakit mo ko sinampal?!"inis kong tanong

"Eh gago ka eh sino ba nag sabi sayo na buhatin ako?!"

"Eh tinutulungan na nga kita!"

"Sino ba nag sabing kailangan ko ng tulong mo?!"

"Pasalamat ka nalang at dinala kita dito!"

"Kaya kong pumunta dito gamit ang paa ko!"

"Bakit ba.."

"Bakit ba kayo nag sisigawan?! Ang lapit lapit niyo lang sa isat isa!"

Sabay kaming napa tingin ni Psyche sa pinto at doon nakita namin si Jello na ang sama ng tingin samin kasama si Inigo na may kakaibang ngiti

"Shit..."sabi ni Psyche at ininda nanaman ang sakit

"Tsk sabi kasing wag gagalaw"sabi ko at kinuha ang first aid kit na malapit sakin

Akmang gagamutin ko na sana ang sugat ni Psyche ng biglang agawin ni Jello ang hawak kong bulak at alcohol

"Ako na"sabi nito at umupo sa tabi ko

Kinuha ko ang bulak at alcohol sa kanya at sinamaan siya ng tingin

"Ako na baka mainfection pag ginamot mo"

Lalagyan ko na sana ng alcohol yung bulak ng agawin niya ito saki

"Ano ba? Ako ang may alam kung pano gamutin ang sugat ni Psyche kaya ako na"sabi nito at akmang ipapahid na kay Psyche ang bulak na may alcohol ng agawin ko ito

"Isa akong anak ng bilyonaryong nurse kaya madami akong alam pag dating dito"sabi ko

Akmang ipapahid ko na ang bulak kay Psyche ng agawin niya ito ulit

"No need ako na..."

"TANG INA NIYO! ALAM NIYO BANG ANG SAKIT NIYO SA MATA?! KAYO NALANG KAYA GUMAMOT SA SARILI NIYO! MGA HINAYUPAK! MAS MASAKIT PA KAYONG TIGNAN KESA DITO SA SUGAT KO!"biglang sigaw ni Pysche at tumayo saka kami iniwan dito ni Jello

Aba minura pa ako

Isang Matthew Luke Z Chavez na gagamot sa kanya mumurahin niya pa

Aba malufet

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height