+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Condo

She's my Bodyguard 7

Psyche POV

"Whooo ang ganda naman pala ng condo mo buti hindi na baby Shark o family shark nakikita ko dito"sabi ko habang nililibut ang tingin condo niya

Mamahaling gamit

Flat screen TV

Tiles na sahig

Chandelier

Naisip ko tuloy ano kaya kung kumanta ako ng Chandelier dito by Sia

Bwahhhhhh

'Ikaw ba talaga si Psyche?'

Tsss wag epic feel na feel ko pa yung laki ng bahay ni Matthew

"Tsss ano naman kung idol ko ang Baby shark eh ang cute kaya nila"sabi niya

Tinaasan ko siya ng kilay

At tinignan ng seryoso

"Childish karin pala"sabi ko

"Huh? Hindi ah"sabi nya

"Kung hindi bakit may Sponge Bob na basurahan doon at super man na upuan doon at ayun pa may minions na plato"sabi ko

"Hindi nga kulit mo rin eh"sabi niya at umiwas ng tingin

"Tsk Liar"sabi ko at umiling nalang

"Hindi yan sakin"sagot niya kaya naman napa tingin ako sa kanya

Seryoso siyang naka tingin sa sponge bob na basurahan at nag buntong hininga

"Kung hindi sayo kanino?"tanong ko

"Sa kapatid kong mas bata sakin

He was just 4 years old ng mamatay siya"

Natigil ako sa pag iisip ng marinig ang salitang yun

"Favorite niya ang baby shark minions super man and sponge bob "sabi nito habang naka tingin parin sa basurahan

"July 4 2017 namatay siya

Dapat ako ang tatamaan ng bala galing sa mga nag tatangkang patayin ako pero siya ang natamaan

Sabi niya wag ko daw papa bayaan ang sarili ko then sana wag ko rin alisin lahat ng memories na nagawa namin dito sa bahay na to"

Tumingin siya saakin

Kaya kita ko ang lungkot at sakit na nararamdaman niya

"Ang Sponge bob na basurahan na yan ay binili ko regalo sa kanya noong birthday niya

Ayaw nya kasi ng kalat so naisip ko na iregalo sa kanya yun"sabi nito

At ngumiti saakin

"Drama ko no? Hahahahaha tawa ka dali "sabi nito habang natawa pero bakas parin sa mata niya ang lungkot at alam kong kahit takpan niya ng pag tawa ang lungkot niya

Nangingibabaw parin sa kanyang mata at kilos ang kalungkutang pilit niyang tinatago

"So nasan ang kwarto ko?"tanong ko at tumayo

"Huh?"

"Kwarto? Nasa kwarto ko?"tanong ko

"Luh? Mag kwakwarto ka pa? Dito ka nalang matulog sa sofa"sabi niya at tumayo

"Ano ka sinis swerte? Isang Gaya kong dyosa papatulugin mo sa sofa?"sabi ko

"Bakit? May sinabi ba akong may kwarto ka dito?"

"Eh bakit dito mo pa ako papatirahin?"

"Syempre proprotektahan mo ko sa mag tatangkang pumatay sakin"

"Ano ka sinis swerte?"

"Yun naman trabaho mo ah"

"Tao rin ako natutulog at napapagod kaya habang wala pa ako sa mood na patayin ka ituro mo na kung saan ang kwarto ko"

"Ang totoo niyan iisa lang talaga kwarto nito"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

Iisa?

Iisa?

Iisa?

Sa laki ng bahay na to iisa ang kwarto?

"Sa laki ng bahay na to iisa ang kwarto?!"

"Syempre ako lang naman ang mag isa dito naka tira alangan namang dalawa"

"Ah basta ayoko matulog sa sofa kung gusto mo ikaw ang matulog sa sofa at ako sa kwarto mo"

"Teka bakit ako sa sofa eh aking kwarto ang nandito?"

"Eh syempre babae ako at mas...."natigilan ako ng may narinig akong kaluskos galing sa labas ng gate

Sinenyasan ko siyang manahimik at binunut ang baril sa likod ko

Lumapit ako sa pinaka malapit na bintana kung saan makikita ang gate at doon nakita ko ang isang lalaki na binubuksan ang gate

Tinignan ko si Matthew na naka tingin lang sakin

Sinenyasan ko siyang mag tago sa likod ng sofa at agad naman niyang ginawa

Binalik ko ang tingin ko sa labas at ngayun nakita kong naka bukas na ang gate at naka pasok na ang lalaki

Agad kong kinasa ang baril ko at nag tago sa likod ng pinto at inalis ang pag kaka lock nito

Tinignan ko si Matthew na naka tago sa likod ng sofa

Rinig ko ang yapak ng lalaki papasok at ng buksan niya ang pinto agad kong sinipa ang kamay nito na may hawak ng baril

Naging dahilan yun para mailayo ang baril na hawak niya

Hinila ko papasok ang lalaki at sinakal sa leeg habang tinututuk ko ang baril sa ulo nito

"Anong ginagawa mo dito?!"tanong ko

Hindi siya sumagot

"Isa!"

"Pa..papatayin ko.....si...si Matthew"

"Sinung nag utos sayo!"

"Si....si boss"

"Sinong boss?!"

"Ba...bawal sabihin"

Lumayo ako sa kanya at binaril ang dalawang paa niya

"Labas na!"sigaw ko kay Matthew kaya lumabas na siya na nanginginig

"Tumawag ka ng polis"sabi ko at nilagay ang baril ko sa likod ko

Dali dali siyang nag deal ng number at tumawag na sa polis

Umupo ako sa harap ng lalaki na ngayun ay iniinda ang sakit sa magkabilaang paa na binaril ko

"Sino ang nag utos sayo?"

Ulit kung tanong.

"Ba....bawal sabihin"

"Isa!"

"Psyche tama na bayaan mo na siya nasa labas na ang polis"pigil ni Matthew sakin ng hawakan ko ulit ang baril ko

Tumayo ako at sabay noon ang pag pasok ng polis dito sa loob ng condo ni Matthew

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height