+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Pink

She's my Bodyguard 8

Psyche POV

"Sayo din tong school na to? I mean pag mamay ari ng pamilya mo ang school na to?"tanong ko habang nililibut ng tingin ang kabuuhan ng school na tinatapakan ko

Oo naka kita na ako ng school no

Kaso public eh ito private at subrang laki

Talo pa nga nito ang mall of asia sa laki eh

"Oo paulit ulit?"iritang tanong niya sakin

Nag lalakad kami ngayun papunta daw sa office niya

Nandoon daw kasi yung mga gamit namin at same section daw kami

Buti naman at mapapadali ang trabaho kong pag babantay

Habang nag lalakad kami papunta sa office niya tanaw namin dito ang dalawang tuko i mean dalawang lalaki na nag babatukan at papalapit na saamin

"Kasalanan ko bang ang tanga mo?"Inigo

"Eh di mo naman kasi sinabi na cr ng pambabae yun"Jello

"Eh di ka naman nag tanong"Inigo

"Kailangan ba itanong ko muna?! Commonsense naman oy!"Jello

"Commonsense ka pang nalalaman wala ka din noon aminin mo!"Inigo

"Parehas lang ta .."

"Tss"

Nabigla ako ng bigla silang tumigil at lumingon saamin

"Hi Psyche!"sabay nilang sabi at ngumiti

Napa ngiwi nalang ako at inirapan sila

"Bat ka nandito?"tanong ni Matthew kay Jello

"Kasi nandito ako"pilosopong sagot ni Jello

Tinignan siya ng masama ni Matthew kaya napa kamut siya sa ulo

"Ito kasi pinapasok din ako dito nakaka inis alam mo bang mas type ko doon sa dating school namin ni Psyche? Madaming chicks doon tapos sexy"sabi ni Jello at kinindatan si Matthew

Napa irap nalang ako

"Hoy pinilit mo lang kaya ako kasi sabi mo nandito si Psyc....aray!" Angal ni Inigo ng bigla siyang tapakan ni Jello sa paa

"Tss baliw"sabi ni Matthew at nilagpasan sila

Napa nguso nalang ako at tinap ang balikat nila

"Hinay hinay sa pag gamit ng drugs may tokhang mamaya baka mahuli kayo"sabi ko at sinundan si Matthew

Nandito na kami ni Matthew sa office niya and guess what

Ang lawak grabe

Para na nga tong bahay eh pwedeng matulog at tumira

Dito nalang kaya ako tumira

Iba talaga pag mayaman mala hari ang pamumuhay di tulad naming mga may kaya parang alipin lang ang peg namin

"Ito ang gamit mo"sabi ni Matthew at binigay sakin ang isang pink na bag na mamahalin

Ewww pink?

"Pink?"tanong ko

"Yes "

"Alam mo bang sa lahat ng kulay ang pink ang pinaka ayaw ko? Masyadong kikay ang dating"angal ko

"Now i know"sabi niya at may kinuha sa mesa niya

"Wala bang black jan? Ang sakit kaya nito sa mata"reklamo ko

"Bumili ka kung gusto mo pasalamat ka na ngalang at may ganyan kang bag alam mo bang galing yan sa France? Mamahalin yan mas mahal payan sa suot mo ngayun"sumbat niya saakin

Aba pinaki alaman pa pati style ng pananamit ko

"Oh suotin mo"sabi niya at inabot saakin ang isang uniform ng school nila

"Seryoso? Mula sa bag? Pati ba naman sa uniform pink din? Wag mong sabihin na pati sapatos ko pink din? Baka masipa na kita"inis kong sabi

"Just wear it di ka naman mamamatay pag sinuot mo yan dami mong angal"inis niyang sabi at umupo sa swivel chair niya at nag cellphone

Wala na akong nagawa at sinuot na ang nakakainis at kasumpa smoang uniform na binigay saakin ni Matthew

After 30 minutes

Parang gusto kong sumabog sa galit at pumatay ng ipis dahil sa nakikita ko ngayun sa salamin

PINK BAG

PINK UNIFORM

HANGGANG TUHOD ANG HABA NG PINK PALDA KO

PINK SHOE

PINK ID LACE

Isinusumpa ko na ang school na to bwisit

Ginawa ba naman akong pink lady ang badoy men

"Hoy teka anong nilalagay mo jan?"tanong ni Matthew saakin matapos akong makita na may nilalagay sa bag na kulay pink

Sana di ko kamukha si Patrick na kaibigan ni sponge Bob

"Baril at kutsilyo para pag naasar ako sayo mismo puputok"sabi ko at inirapan siya

"Oh"sabi niya at inabot sakin ang isang box

Tinignan ko muna iyon at tinignan siya

"Nananadya ka ba? Pink din yang balot tapos ano? Pink din laman niyan manahimik ka kung ayaw mong ako ang tatapos sa buhay mo"inis kong sabi at pinag patuloy ang pag lalagay ng mga matutulis na bagay sa bag ko

May secret pocket ang bag na to kaya swerte ako kaso kulay pink eh

"Bahala ka ang arte mo di wag"sabi niya at akmang aalis na kaso pinigilan ko

Curious na rin kasi ako sa laman ng box

Malay ko ba kung anong meron doon

"Di to ma biro akin na nga"sabi ko at inagaw sa kanya ang box saka binuksan

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko

Isang mamahaling cellphone as in sobrang mamahalin at bagong model pa to

"Akin na to?"tanong ko habang naka tingin sa hawak ko

"Oo naman nanjan na rin number ko "sabi nito at umupo sa upuan

Okay na sana eh

Kaso pink din ang kulay pero bayaan mo na

Ito mapapalagpas ko pa to

Once in a life lang ako mag ka cellphone papalag pasin ko pa ba? Aba di na lalo na at mamahalin huh haleluya

"Salamat!"natutuwa kong sabi at ningitian siya

"Whow Patrick?! Kailan ka pa umahon sa dagat?! Nasan si sponge bob?"

Napa tingin ako sa nag salita at nakita si Inigo na natatawa at si Jello na halos sumabog na sa pag pipigil ng tawa

"Hahahahahahaha welcome to land Patrick"sabi ni Jello at naki pag apir kay Inigo

Bigla kong hinugot ang baril na malapit sakin at tinutok sa dalawa

"Titigil kayo o titigil kayo?"tanong ko

Tinaas nila ang kanilang dalawang kamay at tumigil sa kakatawa

"Sabi nga naman hihihi peace"sabi ni Jello

•kringgggg

Nag bell na

"Itago mo na yan ingatan mo lang na walang makaka kita niyan sa loob ng klase mahigpit na pinag babawal yan dito"sabi ni Matthew saakin

Kinuha ko na ang bag ko at huminga ng malalim

"Pink lady is coming to town"sabay na sabi nila Jello at Inigo saka kumaripas ng takbo

Napa iling nalang ako

"Ready?"tanong ni Matthew sakin

Isang tungo nalang ang binigay ko at nag simula na kaming mag lakad palabas ng office niya

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height