She's the fuckboy's property/C10 He's my boyfriend?
+ Add to Library
She's the fuckboy's property/C10 He's my boyfriend?
+ Add to Library

C10 He's my boyfriend?

Alyana Perez's Pov.

"Girlfriend??" Gulat na tanong ni Xenon, maski ako nagulat din ako. May boyfriend pala ako tapos di ko man lang alam.

"Alyana anong pinagsasabi niya?"

"H-Ha... uhmm... Ahhh..." Ano ba sasabihin ko? Na hindi ko siya boyfriend? Pero hindi ko naman talaga boyfriend si Stephen.

Pano ko siya naging boyfriend eh, hindi nga siya nanligaw sakin at kahapon lang kami nag kakilala tapos may nangyari pa samin.

Tinignan ko si Stephen at ang talim ng tingin niya sakin para bang sinasabi niyang 'oo' ang sasabihin ko.

"O-Oo, b-boyfriend ko s-siya." Utal-utal kung sagot.

Kinakabahan kase ako, nakakatakot ang titig ni Stephen sakin. Akala ko hindi ko na siya makikita... Kani-kanina lang magkasama kami.

"W-What? I mean b-bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Uhm, d-di ka naman kase nag t-tanong." Napakamot ako sa batok ko.

"Do you love him?" Tumingin ako ulit kay Stephen bago tumango.

"Wait alam mo ba kung anong totoong pagkatao ng Stephen na yan?"

"Oo." Sagot ko kahit di ko masyadong maintindihan kung anong ibig sabihin niya don. Tao naman talaga si Stephen... Mukha ba siyang unggoy sa paningin ni Xenon? Mas malabo pa pala yong mata ni Xenon kesa sakin.

"And you still loves him?"

"Andami mo naman yatang tanong Xenon. Kung tapos ka ng mag tanong, aalis na kami." Hinawakan ni Stephen ang kamay ko at hahakbang na sana kami palakad ng biglang nag salita ulit si Xenon.

"Wait!"

"We're going now, marami pa kaming gagawin."

"Gagawin? Kayo? Alyana diba may trabaho ka?" Hindi ko na siya nasagot kase hinila na ako ni Stephen palayo at pinasakay sa kotse niya.

"F**k! Sinabi kung wag kang lalapit sa ibang lalaki diba!!" Grabe yong mura niya dito sa loob ng kotse, napapatakip nalang ako ng tenga.

"Uhm, k-kaibigan ko s-siya--"

"I know! Pero kahit na!" Pasigaw niyang sabi. Pano niya nalamang kaibigan ko si Xenon?

Napakagat ako ng kuko ko, teka nga lang ba't ba ako natatakot sa kanya!? Di niya naman yata ako kakainin.

"Pake mo ba kung may kasama akong ibang lalaki!!" Pasigaw ko ring sabi, halatang medyo nagulat siya dahil don.

"Anong pake ko? Ipaalala ko lang sayo Alyana Perez na simula kahapon eh, pag aari na kita." Seryosong wika niya.

"Sinong may sabing pag aari mo ako huh?!" Taas kilay kung tanong.

"Okay fine, ibibigay nalang kita don sa matandang lalaki. Tapos siya na ang mag mamay-ari sayo, gusto mo 'yon?"

Ngising tanong niya kaya napalunok naman ako, don sa matanda?

Na-i-imagine ko na kaagad kung yong matanda ang mag mamay-ari sakin. No, ayoko kahit sino nalang basta wag lang ang manyak na matandang 'yon... Pero yon manyak tapos 'to f**kboy? Pareho lang ba 'yon?

"H-Hindi," saad ko sabay iling.

"Mauna na nga a-ako..." Bubuksan ko na sana yong pinto ng bigla niyang pinigilan ang kamay ko.

"San ka pupunta?"

"Aalis para makarating na ako sa bahay ng alaga ko." Sabi ko.

"Sa bar?" Kunot noong tanong niya.

Napakamot ako sa ulo, alaga tapos sa bar? Ba't naman nasali yong bar sa binabantayan kung bata? Ang bata-bata pa non para pumunta sa mga ganyang lugar.

"Gagu ka ba! Syempre hindi no!" Parang alam ko na yata yong iniisip niya, kala niya siguro lalaki.

Oo, tama lalaki naman talaga yong alaga ko pero yong iniisip nya eh... Basta! Hay, di bale na nga lang.

"So asan nga?! Don't tell....."

"M-Mali yang iniisip mo!"

"Mabuti naman kung ganon. Teka ayusin mo nga yong buhok mo," Akmang itatabig na niya yong buhok na nakatabon sa gilid ng mukha ko pero bigla kung tinabig yong kamay niya.

"Ihahatid mo ba ako?" Pag iiba ko.

"At bakit naman kita ihahatid?!" Singhal niya.

"Kung ganon eh, bakit mo ako hinila papasok dito sa sasakyan?" Napakamot siya sa kilay niya sabay nag kibit-balikat. "I don't know."

"Ano?! Hayst!" Tumingin ako sa labas ng salamin. "Nakaalis na kaya si Xenon?" Bulong kung tanong sa sarili.

Itong kasama ko puro nalang I don't know, nong tinanong ko siya kahapon kung bakit niya ako hinila sinabi niya rin sakin, I don't know.

"Plano mo bang magpahatid sana sa Xenon na 'yon!?" Alam niya naman pala tapos tinatanong pa sakin.

"Sabi niya kase ihahatid niya ako, ganon siya kabait di kaya ng iba dyan! Manghihila tapos hindi alam kung bakit siya nanghila papunta dito sa loob." Pagpaparinig ko at pa-simpleng napairap.

Rinig kong nag buntong hininga siya. "San ba yong trabahong sinasabi mo?"

"Ihahatid mo ako?" Di makapaniwala kong tanong.

"Ano ba sa tingin mo? Asan nga para makaalis na tayo!"

"Ituturo ko nalang sayo." Mahinahong saad ko.

Hinatid niya ako sa apartment nila Madam Nessy, hindi ko na siya nilingon at pumasok nalang sa loob.

"Hello po Madam, pasensya na po at natagalan ako."

"Okay lang ija, nga pala okay ka na ba?" Lumapit si madam sakin kaya napaatras ako ng kaunti.

"Hahawakan ko lang naman yong noo mo, titignan ko lang kung mainit ka pa ba." Hinayaan ko siyang hawakan yong noo ko at pansin kong bigla nalang kumunot ang noo niya.

"Anong nangyari dyan?" Tanong niya sabay turo sa noo ko, yong sugat siguro ang ibig niyang sabihin.

Agad ko namang tinabunan 'yon ng buhok ko. Haft lang ng mukha ko ang makikita, medyo hindi pantay yong buhok ko sa harapan.

May bangs ako noon, hindi ko naman talaga kagustuhan yong mag bangs. Si Ate Kelly kase ang nag gupit non, pinagkatuwaan niya ako.

"Ahh, ehh... Nauntog lang po ako Madam Nessy."

"Are you sure? Ba't yata taga punta mo nalang dito eh, sari-saring sugat yata nakikita ko. Saka yong pisngi mo ba't namumula?"

"M-Mainit kase Madam--"

"Mainit? Naka aircon dito Alyana."

"Para yatang namumula yong pisngi mo dahil yata yan sa sampal ah, tama ba ako o hindi...?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil gusto ko ng maiyak.

Hindi ko alam ang sasabihin, alangan namang aminin ko na ang sarili kong pamilya ang nananakit sakin?

"Ate Alyana!" Masayang sigaw ni Nash at tumakbo papunta sakin at niyakap ang balakang ko.

"A-Arayyy!" Napadaing ako ng bigla niyang masagi ang sugat ko sa tuhod, ang likot-likot niya kase pero alam ko namang hindi niya sinasadya kase di niya alam na may sugat ako.

"Nash, wag nga sabing malikot." Mahinahong saad ni Madam Nessy.

Hinawakan ni Madam ang kamay ko at pinaupo sa upuan. Itinaas niya ng kaunti 'yong palda ko, natatabunan kase ang tuhod ko.

Tinignan niya yong sugat. "Di mo pa ba ginagamot yan Alyana?" Tanong niya kaya napakagat ako ng labi.

"W-Wala kase akong oras para gamutin yan madam, marami po akong ginagawa." Paliwanag ko, wala naman talaga akong oras para dyan. Kailangan kung mag aral, tapos mag linis ng bahay at mag luto. Wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko.

At isa pa eh, wala akong perang pang gamot dito kahit band aid ay hindi ko mabili, nakalaan na yong pera ko sa pamasahi, pagkain at bayarin sa bahay.

"Ate Alyana masakit po ba?" Malungkot na tanong ni Nash sakin, umiling naman ako bilang sagot.

Hinalikan ni Nash yong noo ko at hinawi ang buhok ko. "Sana gumaling na yong sugat mo ate Alyana." Sabi niya at niyakap ako kaya niyakap ko din siya pabalik.

Matapos ang ilang oras na pag babantay kay Nash ay pinauwi na ako ni Madam Nessy. Pagkalabas ko sa apartment nila ay nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaki na nakasandal ngayon sa sasakyan.

Medyo madilim na ng kaunti sa labas kaya hindi masyadong maaninag yong mukha niya, plus nakayuko pa ng kunti ang ulo niya...

Wait, si Stephen?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height