She's the fuckboy's property/C11 He is waiting for me
+ Add to Library
She's the fuckboy's property/C11 He is waiting for me
+ Add to Library

C11 He is waiting for me

Si Stephen ba yan? Bakit pa siya nandito?

Dahan-dahan akong nag lakad patungo sa gawi niya.

Natutulog ba siya? Nakapikit kase siya ngayon...

"I'm not sleeping." Muntik naman akong mapatalon dahil sa gulat.

"G-Gising ka pala, akala ko natutulog ka. Ba't ka pa pala nandito? May inaantay ka ba?" May kakilala ba siya dito? Sino kaya inaantay niya?

"Yes."

Yes? Saang tanong ko ba yong sagot niya na 'YES?' ahh, baka yong last na question!

"Sino? Ahh ha ha bagong babae mo ba?" Medyo awkward akong ngumiti sakanya.

"Yeah." Sagot niya.

F**kboy nga pala siya kaya hindi na nakapag tataka 'yon.

"O-Okay, sige mauna na ako." Hahakbang na sana ako palayo ng bigla siyang humarang sa harapan ko.

"Where are you going?" Tanong niya sabay nag crossed arm.

"Uuwi?" Patanong kung saad. Wala naman akong ibang gagawin ngayon at wala na rin akong trabaho kaya uuwi na ako at saka kailangan ko pang mag luto.

"Sino ba sa tingin mo ang inaantay ko." Kita kong tumaas ang sulok ng labi niya.

"Abay malay ko! Ba't ako yong tinatanong mo eh, hindi ko naman kilala yong babae na sinasabi m--"

"It's you, stupid."

"Ano??" Gulat kung tanong.

"Ikaw ang inaantay ko." Akala ko ba yong babae nito ang inaantay niya... Eh? Ako pala yong babaeng sinasabi niya?

"B-Ba't ka naman mag aantay sakin?"

Kinakabahan kung tanong, ba't ba kinakabahan ako?

"Kase sabay tayong uuwi malamang." Pinipilosopo niya ba ako?

Napakamot ako sa gilid ng mata ko.

"Sabay tayong uuwi? Di ka naman nakatira sa bahay namin at saka hindi ka kasya sa bahay namin, wala ng kwarto para sayo." Naguguluhan kung sabi.

"Not in your house, but in my house Alyana. Uuwi na tayo sa bahay ko at di muna kailangan ng gamit kase bibilhan nalang kita--" pinutol ko ang sasabihan niya.

"Ano?! Ba't naman ako uuwi don eh, hindi naman yon ang tahanan ko!"

"By the way, k-kanina ka pa ba nag aantay?"

"Oo, ang tagal mo nga nangangalay na yong paa ko kakatayo dito." Seryosong saad niya at itinaas pa ang kabilang paa niya.

"Simula nong pumasok ako sa loob hanggang sa paglabas ko eh, nag antay ka sakin? Tapos nakatayo ka lang?" Parang di makapaniwala kung tanong.

"Yes, may problema ka ba don?" Kunot noo niyang tanong, ba't ang hot niyang tignan kahit nakakunot ang noo.

Napailing-iling nalang ako sa iniisip ko.

"Wala naman, ang weird mo lang." Pabulong kung sabi sa huli, mukhang di niya naman yon narinig.

"Get in the car." Sabay itinuro yong sasakyan niya, agad naman akong umiling.

"Nah, ayoko! Uuwi na ako sa bahay namin." Diin kung sabi.

"I already paid you."

"Ha, anong pinagsasabi mo dyan?!" Naguguluhan ako sa sinabi niya.

"Binayaran ko na yong matandang babae, parang fully paid ka na kumbaga."

"Oh, tapos anong kinalaman ko dyan?"

"Binayaran ko siya kase binila na kita sakanya, then it only means pag aari na talaga kita." Saad niya at nagsitayuan naman yong balahibo ko.

Napakagat ako ng kuku at napapaisip kong tumakbo kaya ako o mag tagu za kung saan?

"Tignan mo oh, naka-apak ka ng tae!" Sanay turo sa paa niya at nong tumingin siya don ay kumaripas na ako ng takbo palalayo sakanya.

"Kahit tumakbo ka pa mahahabol parin kita Alyana!! At saka alam ko na kung saan ang bahay ninyo!!" Sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin.

Sumakay ako ng jeep, may pera naman ako. Nanghingi ako ng advance sweldo kay madam Nessy.

Pagkauwi ko ay nakita ko si mama na nakaupo, mukhang masaya siya ngayon kase nakangiti siya... minsan ko lang makitang nakangiti si Mama kaya masaya din akong nakikita siyang ganyan. Kase nong huling beses ko siyang nakitang ngumiti ay nong buhay pa si papa.

"Omg! Salamat talaga ma, ang ganda-ganda nitong damit na binili mo para sakin! Bagay na bagay sakin!" Tuwang-tuwa na saad ni ate Kelly, may suot siyang dress na kulay blue at kumikinang-kinang pa ito, mukhang mamahalin yata yon ah.

"Ma, salamat dito sa jersey." Nakangiting sabi ni juya Keil. Napakamot naman ako sa ulo, ba't ang saya yata nila? At saka san nakuha ni mama ang pambili ng dress ni Ate at jersey ni juya? Wala naman siyang trabaho.

"Ohh! Nandito na pala yong pokpok." Sabi ni ate Kelly ng mapansin niya ako dito sa may pintuan.

Napalingon ako sa likuran ko, wala namang ibang tao. Ako ba yong tinutukoy niyang pokpok?

"Pfft, ikaw yong tinutukoy ko bobo!"

"Ba't nandito ka pa?" Seryosong tanong ni mama sakin. Ba't nandito pa ako? Kase dito ako natira hindi ba...?

"Anong ibig n'yo pong sabihin Ma?"

"Pumunta dito yong kaibigan ko, sinabi niya sakin na iyong matandang lalaki daw ay binayaran na siya ng malaking halaga para bilhin ka, may isang lalaki mga daw ang gusto ka rin bilhin pero tinanggihan nya 'yon kase mas malaki parin yong offer nong isa."

"A-Ano??"

"Totoo nga talagang binenta niyo ako ma?!" Dagdag ko.

Ano bang tingin nila sakin? Gamit na pwedeng bilhin tapos pwede pang mag discount! 50% off ganon!

"Bakit may problema ka ba don?" Bigla namang uminit yong ulo ko.

"Oo, meron! Ano bang karapan mong ibenta ako?!! Hindi naman ako bagay na basta-basta ibenebenta!!" Di ko mapigilang hindi magalit, sumusobra na sila!

"Woah, may bumili lang sayong mayaman na matanda tapos ganyan ka na ka tapang ngayon?!"

"Tsk, nakalimutan niya sigurong nandito pa siya sa pamamahay natin!"

"Pamamahay ninyo? Baka nakakalimutan niyong bahay ito ng papa ko at hindi sainyo!" Di ko mapigilan ang hindi sila pag taasan ng boses.

"Aba sumasagot ka na talaga ah!!" Lumapit si ate Kelly sakin at ginawaran ako ng magkabilang sampal sa pisngi.

Agad namang tumayo si mama at lumapit sakin, bigla niya akong sinakal, napaatras naman ako at biglang naramdaman kung nakasandal na ako sa pader.

"Baka nakakalimutan mo ring asawa ako ng papa mo Alyana?!" Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na inilalayo sa leeg ko.

"M-Ma, h-hindi ako m-makahinga." Nahihirapan kung sabi, ramdam kung humahapdi ang mga mata ko at tuluyan na talagang tumulo yong luha ko.

Habol hininga naman ako ng binitawan na niya yong leeg ko.

"Bukas susunduin ka daw dito ng lalaking bumili sayo, don kana titira pero di ibig sabihin non di ka na pupunta-punta dito! At ngayon muna ay..." Ngumisi si Mama na para bang may gagawing hindi maganda sakin.

"Paparusahan muna kita, dapat sa mga batang kagaya mo na walang mudo pinaparusahan!" Bigla akong napahagulgul sa pag iyak nang sapilitang hinila ni mama ang kamay ko papuntang kwarto.

"Kunin mo nga yong bagong bili ko na asin Kelly saka Keil pahiram nang sinturon mo Keil anak."

"Okay, ASAP!"

"M-Ma..." Makaawa ko at tinignan siya sa mata.

"Okay, Kelly wag nalang yong asin." Hindi parin ako nakahinga ng maluwag kase sasaktan parin naman ako ni mama gamit ang sinturon.

"Dapa." Mahinahong sabi nito.

Mas napaiyak naman ako habang tinitignan siya. "Sinabing dapa Alyana!!!" Napapikit ako ng mariin at dahan-dahang dumapa.

Napahiyaw naman ako ng maramdam yong pag hampas ni mama ng sinturon sa binti ko.

Napatakip nalang ako ng bibig para hindi masyadong malakas ang hiyaw ko dahil sa sakit.

Rinig ko ang tawa nila ate at kuya.

'Kaya mo ito Alyana, malakas ka! Kaya mong tiisin yan.' Saad ko sa isipan ko.

_

Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko, napapadaing ako sa bawat hakbang ko.

Napaupo ako sa sahig at napapaiyak nalang dahil sa sakit.

Nandon silang tatlo sa sala, kumakain. Ayaw nila akong palabasin dito at ayaw den nila akong pakainin.

Kinusot-kusot ko yong mata ko dahil nanlalabo na naman ito. Simula nong namatay si papa eh, hindi na ako nakapag patingin ng mata.

Napahawak ako sa tyan ko ng tumunog yon. Nagugutom na ako, gusto kong kumain kaso papagalitan ako ni mama.

Humiga nalang at pilit na pumikit hanggang sa dinalaw ako ng antok.

Maaga akong nagising.

Maaga naman talaga akong gumigising, kusa na talagang bumubukas ang mga mata ko, kinasanayan ko na talaga ito.

Napapadaing parin ako dahil sa binti ko. Namumula parin siya hanggang ngayon at medyo na mamaga. Wala akong klase ngayon at bukas, kaya pwede akong mag trabaho umaga hanggang gabi...

Naalala ko naman yong sinabi ni mama sakin kagabi.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko na sila mama na kumakain. Nag luto ba sila? Nilakihan ko yong mata ko para mas makita 'yong kinakain nila, mukhang um-order lang sila.

"Oh, gising ka na pala, naka ready na ba yong mga gamit mo?"

"G-Gamit?"

"Ambobo mo talaga kahit kailan Yana! Sinabi na ni Mama kagabi na don ka na titira sa lalaking bumili sayo!!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height