+ Add to Library
+ Add to Library

C12 His house

"Baka gusto pa ni Aly na tayo ang mag impake sa mga gamit niya." Natatawang wika ni kuya Keil.

Wala naman akong sinabing gusto kung kayo mag impake ng gamit ko, nakalimutan ko lang kase nakatulog ako.

"Tsk, mang tamad mo naman!" Sabay itinirik ni Ate ang mata nya sa 'kin. Tamad? Yong sarili niya ba ang tinutukoy nya?

"Ma, pwede ba akong sumabay sa pagkain sa inyo?" Tanong ko, binalingan nya naman ako ng seryosong tingin.

"Hindi pwede! Mag impake ka na don at doon ka na rin kumain sa bahay ng bumili sayo. Mayaman naman yon eh, pasalamat ka nga kase makakatikim ka na ng mga pang mayaman na mga ulam."

Pang mayaman na ulam? Ano bang pinagkaiba ng ulam mahirap at ulam mayama? Pareho lang naman yon nakakabusog ang importante eh, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Napahawak ako sa tyan ko dahil sumakit yon, kagabi pa akong hindi kumakain. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa kwarto. Nag hanap ako nang malalagyan ko sa mga damit ko.

Nakita ko naman yong bag ko noon, malaki 'yon kaya kasyang-kasya yong mga damit ko. Di rin naman marami yong mga gamit ko kase na kay Ate Kelly na yong iba.

Hindi niya naman hiningi yon sakin, sapilitan niya iyong kinuha. Lahat pinabayaan ko nalang siya kahit ang totoo ay gusto kung magalit, lahat ng 'yon ay binili ni Papa sakin.

Lahat ng binili ni papa sakin ay special.

Nabigla ako ng pumasok si Kuya sa kwarto ko. "May sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay natin, mukhang siya na yata yon."

Dinala ko na yong bag palabas ng kwarto, tinignan ko si ate at mama na nakatingin sakin ng seryoso.

Tumayo si ate at sumilip sa pintuan para bang may tinitignan, nabaling naman ang tingin ko kay mama ng bigla 'tong mag salita.

"Bumalik-balik ka parin dito, wag na wag mong ipapaalam sa lalaking yon. Mag dala ka rin ng mga pagkain at saka bigyan mo parin kami ng pera. Mayaman naman yong lalaki kaya manghingi ka sakanya hanggat kaya mo, maliwanag." Wika ni mama tumango nalang ako para hindi na niya ako mapagalitan pa.

Wala naman akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa gusto niya, sa gusto nilang lahat.

Nagulat ako ng biglang tumili si ate Kelly. "Omg!!! Mama akala ko ba matanda? Ba't ang gwapo-gwapo nong lalaking nakasandal don sa kotseng nakaparada at saka parang kaseng edad ko lang siya!" Kinikilig yata siya?

"Eh, yon ang sabi ni Doreen sa 'kin." Kibit-balikat na saad ni mama.

"Mama ang gwapo-gwapo niya as in! Pwede bang ako nalang yong sumama instead of Alyana? Promise babalik-balik parin ako dito at bibigyan kita ng maraming pera." Tuwang sabi ni Ate Kelly, tumingin sakin si Ate.

Maganda naman si ate kaya di rin imposibleng hindi siya matipuhan ni Stephen at saka f**kboy yon eh, at kung maganda lang siguro ang pag uusapan ay hindi tatanggi 'yon.

"Hmm, gusto mo siya?? Uhm, okay lang naman sakin basta't ba yong pera." Papayag talaga si Mama? Ganon na ba talaga ka importante ang pera sakanya at sarili niyang anak?? Ngayon ko lang nalaman na may mga ganyang ina rin pala.

Maiintindihan ko pa yong about sakin na ibenenta niya ako, alam ko namang galit siya at ayaw niya sakin pero si ate Kelly? Ibang usapan na yon.

Napabuntong hininga nalang ako. Agad kaming napatinging tatlo sa pintuan ng may biglang kumatok.

"Ako na ang mag bukas! Baka yong future husband ko na 'to." Kinikilig na sabi ni ate at binuksan yong pinto.

"H-Hello, ako nga pala si Ke--"

"Asan si Alyana?" Nilinga-linga nito ang paningin at biglang tumaas ang sulok ng labi niya nang mag tagpo ang mata naming dalawa.

"Ahm, ako si Kelly." Hinawakan ni ate ang kamay ni Stephen at nakipag shake hands, agad den namang binawi ni Stephen ang kamay niya.

"Kayo po ba ang mom ni Alyana?"

"Oo, ako nga." Sagot ni mama.

"Pwede ko na ba siyang kunin?"

"May gusto lang sana akong sabihin, baka gusto mong yong isang anak ko nalang ang dalhin mo. Maganda naman siya at---"

"Sorry but si Alyana ang gusto ko."

"Pero--"

"Alyana come here! Aalis na po kami."

Magalang siya na walang modo, anong klaseng ugali yan?

Kinuha ni Stephen ang bag na bitbit ko, hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalakad.

Napadaing naman ako ng mahina, narinig niya siguro yon kase napahinto siya. Nandito na kami sa harapan ng sasakyan niya at taka niya akong tinignan.

"May masakit ba sayo?" Sa tono ng boses niya ay parang nag aalala siya sakin.

"W-Wala." Sabi ko at umiwas ng tingin.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, dahan-dahan naman akong pumasok sa loob pero napadaing ulit ako ng tumama yong binti ko sa upuan.

Nang makapasok narin si Stephen ay nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang paa ko at itinaas 'yon, tinignan niya ang likuran ng binti ko at mahina den 'tong binitawan.

"What happened?!" Kunot noong tanong niya.

"W-Wala lang yan." Hinawakan niya ang panga ko at pinaharap sakanya.

"Wala pa 'yan kahapon nong nag kita tayo. Tell me what happened Alyana!"

"Wala nga lang yan!" Sigaw ko nagulat naman siya at ganon den ako.

I don't really like people asking me questions about this, it makes me uncomfortable and it makes me want to cry.

"Okay fine! I won't force you. I don't even really care!!" Halatang galit siya.

Wala ka naman palang pake pero ba't yata galit ka dyan?

Sinimulan na niyang paandarin yong kotse niya at mga ipang minuto at tamihik lang siya.

"Kumain ka na ba?"

"T-Tapos na." Pag sisinungaling ko, napaiwas naman ako ng tingin kase biglang tumunog yong tyan ko.

"Sinungaling, babae nga naman napaka sinungaling talaga, wala ka ring pinagkaiba sakanila." Wika niya, ba't parang iba na yata ang tinutukoy niya.

Pero sinungaling kaagad, di ba pwedeng nahihiya lang akong sabihin na hindi pa pala ako kumakain.

"Don nalang tayo sa bahay kumain, paniguradong nakaluto na si Manang Daley pag dating natin." Taka ko naman siyang tinignan.

"Hindi ka pa pala kumain?" Tanong ko pero di niya ako sinagot.

Okay, kakausapin ko nalang yong sarili ko kung ganon.

_

Napahinto ako sa pagkain ng nakatitig lang silang dalawa sakin.

Nag mukha siguro akong patay gutom sa paningin nila. "S-Sorry, simula kagabi pa kase ako hindi kumakain." Nakayukong sabi ko.

"It's okay, marami na akong nakitang patay gutom kagaya mo--aray ko naman Manang Daley! Totoo naman kase!" Parang naiinis niyang saad nang kinurot siya ni Manang Daley sa tagiliran.

"Saka nga pala ba't kagabi ka pa walang kain ija?"

"U-Uhm, w-wala lang akong g-ganang kumain."

Napakasinungaling ko na talaga, kahit ang pag sabi pa ng totoo di ko magawa.

"Tsk, ayos din ng sagot ah." Dinig kong saad niya at umairap sakin.

Kita kung hinampas ng mahina ni Manang Daley ang braso ni Stephen.

"Sige lang ija, kumain ka pa. Sabihin mo lang kung nakulangan ka pa kase ipagluluto kita ulit." Natutuwang sabi niya habang nakatitig parin saking sumusubo ng pagkain.

"Are you planning to eat all that food alone? Hello, di pa ako nakakakain pero kalahati na ang nakain mo dito."

"Okay lang naman Stephen, mag luluto nalang ako ulit--"

"Busog na ako, s-salamat po sa pagkain." Sabay pilit na ngumiti, pero ang totoo ay nagugutom pa talaga ako.

Feeling ko kase ang kapal-kapal na ng mukha ko, ang sarap den naman kase ng ulam nila, sa tv ko lang ito nakikita eh.

"Sigurado ka bang busog ka na talaga ija? Okay lang naman kung kumain ka pa, marami pa namang pagkain doon sa ref. Stephen wag mo nga ulit pag salitaan ng ganyan si Alyana marami ka namang pera pambili ng pagkain! Napaka buraot mo talagang bata."

"Manang Daley naman eh!" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilang ngumiti. Natatawa kase ako, para siyang bata, mukhang malapit talaga siya kay Manang Daley.

Sabi nga ni Manang Daley na simula bata palang ay siya na yong nag aalaga kay Stephen, ibig sabihin non kilalang-kilala na niya si Stephen at marami na silang pinag samahan.

Matapos kumain ay andito ako sa pool ngayon, namamanghang tinitignan 'yon. Gusto ko sanang maligo pero baka madumihan lang yong pool nila at baka pagalitan lang nila ako pag naligo ako dito, saka di rin naman ako marunong lumangoy. Sa tingin ko malalim yong pool nila.

"Ngayon ka lang ba nakakita nyan?" Nilingon ko si Stephen na nasa likuran ko.

"Nakakita na naman ako noon pero hindi ganito ka lapit." Saad ko at binaling ulit ang tingin sa pool.

"Feel free to swim, if you want."

"Uhm, d-di ako m-marunong lumangoy." Nag taka naman akong nang tinabunan niya ang bibig niya at nagpipigil ng tawa hanggang sa di na niya talaga mapigilang mapahalakhak.

"Pfft... sa edad mong yan di ka pa marunong lumangoy?"

"Ano bang meron sa edad ko?" Dapat ba sa edad kung ito ay marunong na akong lumangoy? Kailangan ba 'yon?

"Middle school palang ako ay,alam ko na kung pano lumangoy." Pag mamayabang niya. Di ko alam kong hahanga ba ako o ewan ko nalang.

"Mayaman naman kase kayo, may sarili kayong swimming pool sa bahay ninyo."

"Yeah, I know! Kahit naman siguro mahirap kayo ay imposibleng di ka pa nakakapunta sa dagat?" Napakamot ako sa balikat habang inaalala yong dati.

"Nakapunta naman kami ng dagat pero don lang ako naligo, yong hanggang tuhod lang ang tubig."

Mas lalo naman siyang tumawa.

Nag kamot ako sa ulo.

May sinabi ba akong nakakatawa para tumawa siya ng ganyan? Parang mamamatay na siya sa kakatawa.

"Mag t-two years narin kitang hindi nakikitang tumawa ng ganyan Stephen." Agad namang naging seryoso ang mukha nya ng biglang dumating si Manang Daley.

Mag t-two years siyang hindi nakikita ni Manang Daley na tumawa? Seryoso? I think na may pagka masungit siya pero di ko akalaing di pala siya tumatawa... uhm, baka nag bibiro lang si Manang Daley! Impossible naman kase yong sinasabi niya. Kahit ako, marami mang problema di ko parin nakakalimutang ngumiti at tumawa.

Naalala ko noon sabi ni Mama pag may mabigat na problema ay dapat huwag parin kalimutang ngumiti at tumawa, kase hindi lang naman ikaw ang may problema dito sa buong mundo, lahat tayo ay may sari-sariling problema at baka nga hindi natin alam ay mas mabigat pa na problema nararanasan nong iba.

"Manang Daley, hindi mo pa nalilinis yong magiging kwarto ni Alyana hindi ba?"

"Ay oo nga pala! Oh, sige maiwan ko muna kayo." Nang umalis na si Manang Daley ay napatingin ako kay Stephen na biglang tumikhim.

"Do... Do you want me to teach you how to swim?"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height