+ Add to Library
+ Add to Library

C14 His room

Habol hininga naman ako, akala ko mamamatay na ako.

"Stephen naman eh!" Inis kung sabi at pinalo ang likod niya.

"Ano?? Ikaw kaya nag tulak sakin tapos ikaw pa talaga ang may ganang mainis?"

Napasimangot nalang ako. "H-Hoy! Yong kamay mo nasa pwet ko! Bastos ka!" Mas lalo akong nainis ng tumawa lang siya.

Dahil sa inis ay kinagat ko yong leeg niya, napadaing naman siya dahil don.

"F**k! Bampira ka ba huh!" Galit niyang sabi, bigla naman akong nanginig dahil sa takot. Bigla kung naalala yong pag sigaw ni Kuya Keil sakin.

Mukhang naramdaman niyang natakot ako ay agad niya akong niyakap at tinapik-tapik ng mahina ang likod ko.

"Damn! Sorry, nabigla lang ako. Ikaw naman kase nangangagat bigla, inaano ba kita. Nakahinga ako ng maluwag ng naging mahinahon na yong boses niya.

"Aray, yong likod ko masakit." Reklamo ko ng mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sakin, napalunok ako nang parang may matigas na tumutusok sa pwetan ko.

"Stephen--- aruyy ko ba't ba kung saan-saan nalang kayo gumagawa ng milagro?!" Napalingon kaming dalawa kay Manang Daley na nakatayo sa gilid namin.

"Manang Daley wala pa naman kaming ginagawang milagaro, wag ka ngang mag overreact dyan."

Oo nga naman, wala kaya kaming ginagawang milagro Manang. Kita mo namang nakabihis kami, este si Stephen t-shirt lang yong wala sakanya.

Umahon na kaming dalawa at ako napaupo lang sa may damo.

"Oo nga pala, kailangan kung umuwi sa probinsya namin, yong apo ko roon may lagnat at walang mag babantay sakanya kase yong anak ko may trabaho, walang ibang taong maiiwan doon." Wika ni Manang Daley.

"Kailangan nyo po ba ng pera Manang Daley? Pampagamot lang sa apo ninyo."

"Hindi na, okay lang ijo. May pera pa naman akong naipon yong sweldo ko nong nakaraang buwan."

Pabalik-balik lang ang tingin ko sakanilang dalawa, para tuloy silang mag ina.

"No, hindi pa sapat 'yon Manang Daley." Pumunta si Stephen sa loob at pag balik niya ay may dala-dala siyang pitaka. Kumuha siya doon ng pera at binigay niya 'yon kay Manang Daley.

"Wag na--"

"Manang Daley sige na. Mag tatampo ako sainyo nyan." Parang bata niyang sabi. Napangiti naman ako, may tinatago rin palang kabaitan si Stephen.

"Sige na nga, ambait mo talagang bata ka! Manang-mana ka sa daddy at mommy mo."

"Hindi ako mabait Manang."

Tinapik ni Manang ang likuran ni Stephen. "Oh, sya sige." Mag lalakad na sana paalis si Manang Daley.

"Teka ngayon ka aalis?" Parang gulat na tanong ni Stephen. Tumango naman si Manang Daley.

Tinignan ako ni Manang Daley sa mata. "Ija, ikaw muna ang bahala kay Stephen, alagaan mo ah!" Saad nito sakin. Tinuro ko naman ang sarili ko at para bang tinatanong siya na kung ako ba ang tinutukoy niya. Wala naman sigurong ibang Alyana dito bukod sakin.

"Manang Daley hindi ko naman siya yaya o mama para alagaan ako, saka hindi na ako bata." Natatawa nitong sabi.

"Aba, bakit hindi ba pwedeng alagaan ka niya, mas mabuti nang makapag practice siya dahil baka sakaling magpa kasal na kayo---"

"Ano???" Pareho kaming gulat ni Stephen.

Pakasal? Kami? Ikailang asawa kaya ako? Ika one hundred o one thousand?

"Oh, bakit san ba papunta ang girlfriend? Diba sa pagiging asawa?" Ano bang pinagsasabi ni Manang Daley na girlfriend, hindi ako girlfriend ni Stephen. Ayaw ko nga maging girlfriend nito tapos asawa pa kaya? No way, bahala nang maging single ako habang buhay.

"Hindi ko naman siya girlfriend Manang Daley, kayo talaga kung ano-ano nalang ang sinasabi ninyo." Bigla namang kumunot ang noo ni Manang Daley at pareho kaming tinignan.

"Hindi mo siya girlfriend so, bakit mo siya dinala dito? Ba't mo siya pinatira dito? Kilalang-kilala kita Stephen, simula bata palang ako na nag alaga sayo kaya kilala na kita. Hindi naman ikaw yong tipo na patitirahin mo sa bahay mo ang kahit na sino lang. Mga sarili mo ngang kaibigan pinapalayas mo pag andito sa bahay at sa mga naging girlfriend mo si Vanessa lang ang nag iisang babaeng dinala, pinatulog, pinatira sa bahay mo. And I think na special si Alyana sayo kaya mo siya pinatira dito..."

"Stop it Manang Daley! Wag mo nang banggitin ang pangalan ng babaeng yon!" Napakagat ako nang labi ng sumigaw si Stephen.

Umalis siya dito at kami lang ni Manang Daley ang natira.

Ba't nagalit siya bigla? May masama bang sinabi ni Manang?

Vanessa? Ex- girlfriend ba siya ni Stephen? Pinatira na ni Stephen dito ang Vanessa na yon kaya espesyal siya para kay Stephen, malamang espesyal siya kase girlfriend siya ni Stephen noon.

Pang ilang girlfriend niya ba si Vanessa? Ahm, ngayon ko lang din nalaman na nag g-girlfriend pa pala ang mga f**kboy, I mean yong nag se-serious relationship din ba sila kumbaga.

Oo nga pala, kaya siguro naging ganyan dahil sa past niya. Ganon naman talaga diba? Yong mga masasamang tao, dati silang mabuti pero naging masama dahil sa nagawa ng ibang tao sakanila o di kaya akala nila nagiging unfair yong mundo sakanila.

Ang dapat mo talagang matutunan ay ang magpatawad at tanggapin yong katutuhanan. Wala ka namang makukuha kong gaganti ka sa taong nanakit sayo hindi ba? Ikaw pa nga ang mas magiging masama kase gumanti ka at para naring ginaya mo siya, parang na impluwensya ka na rin na maging masama dahil sa taong iyon.

"Manang Daley, sino po si Vanessa?" Lakas loob kung tanong.

"Ex-girlfriend siya ni Stephen, ija."

"Ahh..." Tumango-tango nalang ako.

Gusto ko sanang tanongin kung bakit sila nag hiwalay kaso baka isipin ni Manang Daley na chismosa ako at saka ayoko na rin pakialam. Baka sabihin ni Stephen na nakikialam ako o bakit tanong ako ng tanong sa past niya.

Umalis na si Manang Daley, mukhang kami nalang ni Stephen ang matitira dito sa bahay niya.

Nasa kwarto siguro siya ngayon, malapit nang mag gabi kaya pumunta nalang muna ako sa kusina. Tumingin ako kung anong laman ng ref nila.

Napakamot ako sa ulo, wala ba silang gulay? Gusto ko sanang kumain ng gulay, na m-miss ko na kumain non sa bahay kase di ako nakakapag luto ng gulay kase sila mama, ate at kuya ayaw nila ng gulay. Ewan ko ba kung ba't ayaw nila eh, masarap kaya 'yon at saka masustansiya pa.

"What are you doing?!" Agad akong napalingon sa likuran ko.

"Ahm, mag luluto san---"

"Anong karapatan mong pakialaman ang mga gamit dito sa kusina ko!!" Kinuha niya yong hawak-hawak kung sandok at tinapon sa sahig.

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahan siyang tinignan sa mata, ang sama-sama ng tingin niya sakin ngayon.

"W-Wala k-kase si Manang Daley diba kaya gusto ko sanang ako nalang ang mag luto--"

"May sinabi ba akong mag luto ka?!! Kung ano ang sasabihin ko yon lang ang susundin mo!! Ako ang masusunod dito naiintindihan mo!?" Bulyaw nito sa 'kin kaya napapikit ako ng mariin, lumalabo naman ang paningin ko dahil sa luhang na bubuo sa mga mata ko.

"O-Oo."

"Pumasok ka don sa kwarto mo!! Wag kang lalabas hanggat di ko sinasabi!" Sigaw niya, dali-dali naman akong nag lakad papasok sa kwarto. Pag pasok ko ay napasandal ako sa pintuan, tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Di ko mapigilang hindi mapahikbi. Para siyang si Mama, kinukulong ako sa kwarto, mali ako... hindi siya mabait, pareho-pareho lang sila.

Ba't ba ang sama nila sakin? Mali bang ipagluto ko siya? Kasalanan ba 'yon? Ako na nga itong gusto siyang ipagluto ayaw pa niya.

Pinahiran ko yong luha ko at tumayo.

Kaya mo yan Alyana, wala lang ito sa mga pinagdaanan mo. Ilang beses na naman itong nangyari sayo kaya kalma kalang at masanay nalang.

_

Stephen Wilson's Pov.

Napahawak ako sa ulo ko. "Damn!" Natakot ko ba siya? I am just not in a mood right now, dahil narinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. Umiinit ang ulo ko pag naririnig ko ang pangalan niya!

That f**king bitch! I hate her!!

Dahil sa galit ko ay nadamay pa si Alyana! Um-order nalang ako sa Jollibee.

Tinignan ko ang oras at 7:10 pm na, kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya pero walang nag bubukas.

"Alyana? Open the door!" Saad ko sabay katok ulit pero wala akong naririnig na ingay mula sa loob.

Napahawak ako sa batok ko. Ayaw ko talaga yong pinapaulit-ulit ako, pag once na sinabi kung buksan niya ang pinto! Bubuksan niya!

"Alyana! I said open the door!!" Inis kung sinabunutan ang sarili ko.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha yong susi sa drawer. Pagkabukas ko ay mag sasalita na sana ako pero makita ko siyang natutulog... sa sahig?

What the-- ba't sa sahig siya natutulog? Baliw na yata ang babaeng ito!

Hinay-Hinay akong nag lakad patungo sa kanya. Binuhat ko siya at inihiga sa kama, umupo naman ako sa gilid ng kama at tinitigan ang mukha niya.

"She look so innocent." Wala sa sarili kung sabi, hinawi ko ang buhok nya...

Napataas ang kilay ko ng iminulat nito ang mata at gulat na gulat siyang napabangon at lumayo sakin ng kaunti.

"Wala akong gagawing masama sayo... Umiyak ka ba?" Taka kung tanong ng mapansin kong namamaga yong mata niya.

Agad naman siyang umiwas ng tingin.

"H-Hindi ah."

"You know what? Ayoko ko talaga sa mga taong sinungaling, it reminds me of her." Seryosong wika ko.

"D-Di naman kase importante kung umiyak ba ako o hindi. Kung sasabihin kong umiyak nga ako may magagawa ka ba, may pinagkaiba ba? Sa totoo lang natatakot ako pag sumisigaw ka... Kinakabahan ako..." Parang nag aalin-langang ipagpatuloy ang sinasabi nito, parang may gusto pa siyang sabihin pero may pumipigil sakanyang sabihin 'yon.

Yong parang may gusto kang sabihin pero may part den sayo na ayaw mo. Umiyak kaya siya dahil kanina? Umiyak siya dahil sakin? Ano ba sya bata bakit ang bilis niyang maiyak, pinapakonsensya niya yata ako eh!

"Ba't ka naman matatakot, never ka na bang nasigawan noon?" Ngising tanong ko pero di siya sumagot, kinagat-kagat niya lang ang kuko niya kaya napakunot ang noo ko.

"Stop doing that!" Inis kung sabi, alam niya bang madumi ang kuko?!

"Halika na kakain na tayo." Saad ko at hinila siya palabas.

"A-Aray yong kamay ko masakit." Binitawan ko naman ang kamay niya.

Napaka oa den ang babaeng ito! Alam niya bang maraming babae ang gustong hawakan ko ang kamay nila, maraming babae ang gustong tumira dito sa bahay ko, maraming babae ang gustong mas mapalapit sakin!

Tapos siya parang natatakot pa sakin? Do I look like monster huh?! Sa gwapo kong ito?

Tahimik lang siya habang kumakain, di man lang ako sinulyapan kahit isa lang, focus lang ito sa pagkain niya. Yong ibang babae pag ganito siguro kahit kumakain eh, panay parin ang dikit sakin. Pero ang babaeng ito ay siya pa talaga yong lumalayo?? Baliktad na ba ang mundo ngayon? Oh, baka utak niya baliktad?

Pagkatapos naming kumain ay nakita ko siyang nakatayo lang habang nakatitig sa pinagkainan namin.

Ano pa bang ginagawa niya?! Kinakausap niya ba yong mga plato?

"Hugasan mo na yan."

"H-Huh... Ah, oo." Ngiting tugon niya at mabilis nitong hinugasan yong pinagkainan namin, ngumiti pa talaga siya kase pinang hugas ko siya ng plato?

Nandito lang ako nakatayo habang nakatitig sakanya.

Inaantay niya bang sabihin ko pang hugasan niya? Damn! Sinabi ko pala kanina na kung anong sasabihin ko, yon lang ang susundin niya.

Pagkatapos niyang mag hugas ay tinignan niya ako at umiwas den naman nang tingin ng makita nitong nakatingin pala ako sakanya. Lalagpasan na niya sana ako pero hinapit ko ang bewang niya.

"Baka nakalimutan mong sa kwarto ka matutulog."

_

Humiga na kami sa kama. Nakatalikod siya saakin ngayon. Rinig na rinig ko ang kabog ng puso niya, kinakabahan yata siya.

Hindi ko naman siya papatayin o sasaktan, kaya bakit siya kakabahan?

"Don't worry wala akong gagawin sayo." Mahinang sabi ko at pinaharap siya sakin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height