She's the fuckboy's property/C15 Sleeping together with him
+ Add to Library
She's the fuckboy's property/C15 Sleeping together with him
+ Add to Library

C15 Sleeping together with him

Hinawakan ko ang pisngi niya sabay inilapit ang mukha ko, hinalikan ko siya sa labi ng smack. Nakaka-adik ang labi nang babaeng ito, may gayuma yata.

"S-Sabi mo wala kang gagawin?" Nakangusong saad niya kaya bumaba na naman ang tingin ko sa labi niya.

"I remember na hindi pala natin natuloy kanina yong dapat gawin nati---arayyy!!" Daing ko ng hinampas niya yong noo ko gamit ang kaliwang palad.

"S-Sorry may lamok kase." Sabay tikom ng bibig nito.

Tinignan ko siya ng masama. "May lamok ba talaga o sinasadya mo?!"

"M-May lamok talaga oh, tignan mo." pinakita niya sakin ang palad nito.

May lamok na patay ang nakadikit sa palad nya may kunting dugo pa ito.

Putang*nang lamok!! Nakakawala na tuloy nang gana!

Tinalikuran ko siya at pilit na pumikit, ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi parin ako makatulog. Nilingon ko si Alyana na ngayoy tulog na...? Seryoso? Nakakatulog ka sa ganitong sitwasyon?

"Nanggigigil ako sayong babae ka sarap mong sakalin--" bigla akong na-estatwa ng yakapin niya ako.

Tuloy ba talaga siya o gising.

"Alyana?" Tawag ko.

Napalunok ako ng mas umusog pa siya papalapit sakin at ramdam ko na ngayon yong dede niya na tumatama sa matigas kong dibdib.

Gusto niya yata akong patayin jusko.

"Huminahon kalang Stephen, kaya mo ya-- sh*t! Hindi ko kaya!" Tinulak ko siya ng mahina at agad na tumakbo papuntang banyo.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako ng banyo at kinuha ko ang cellphone ko ng may bigla itong mag ring.

"Hello?"

[Love--]

"Gabi na, hindi ka ba na inform?" Napahawak ako sa ulo ko.

She's just nobody, hindi ko nga alam ang pangalan nito.

[Wow, hindi mo ba ako na miss??]

"Ba't naman kita ma-mi-miss? Do I know you?" Inilayo ko ang telepono sa tainga dahil sa malakas niyang mura. Dahil sa inis ay binabaan ko siya ng linya at humiga nalang ulit.

Inabot ko ulit yong phone ko nang biglang mag ring na naman ito.

"What the heck! Hindi ako bampira para tawagan mo ako ng ganitong ora--" napahinto ako ng marinig ang boses nito. [Sir, it's me Hannah.]

She's my secretary, cousin ko siya kaya hindi ko pwedeng tirahin.

"Oh, ba't napatawag ka?" Seryosong tanong ko.

[Gusto ko lang po itanong kong kailan kayo papasok?]

"Malalaman mo lang kapag nakita mo na ako sa office, and please Hannah! How many times do I have to tell you that don't call me this kind of hour!"

[I'm sorry Sir.]

"By the way, how's the company?"

[Still the same Sir pero sa tingin ko ay kailangan nyo na pong bumalik kase marami nang mga meetings ang na cancel, saka maraming gusto makipag set ng meetings sayo.]

Napahikab nalang ako dahil sa antok. "Yeah, goodbye." Yon lang ang sinabi ko at binabaan na siya ng linya.

_

Alyana Perez's Pov.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Nabaling ang tingin ko kay Stephen na nag hihilik pa ito.

Ewan ko ba kung matatawa ako sakanya kase nakabuka ng kunti yong bibig niya.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina, napakagat ako labi.

Sabi nga pala niya na gagawin ko lang kung ano ang sasabihin niya... pero kase gusto kung mag luto, nasanay kase ako sa bahay na ako gumagawa ng lahat.

Bahala na nga lang! Titiisin ko nalang yong pag sigaw-sigaw niya sakin, kaya ko naman siguro yon.

Nag libot-libot ako dito sa bahay ni Stephen at may nakita akong isang refrigerator den nila. Na curious ako kung anong laman non kaya binuksan ko yon.

May nakita naman akong mga gulay. Paiba-iba pala yong lalagyan nila?

Kumuha ako don at nag simulang mag luto nang pinakbet pagkatapos kung magluto ay hinanda ko na yong plato at kutsara sa mesa.

"What's that??"

Pa-simple akong napahawak sa dibdib dahil sa gulat, kita ko si Stephen na humahakbang patungo dito habang kinukusot-kusot ang mata.

"What f**k?! Ano bayan? Basura?!" Sabay turo niya don sa pinakbet.

Basura? Sarap din paluin yong bibig nitong si Stephen, dapat di niya tinatawag na basura ang gulay!

"P-Pinakbet."

"What's pinakbet?" Sa pilipinas ka ba talaga nakatira? Kahit pinakbet lang di mo alam? Hindi ba siya kumakain nang gulay? Pano ka magiging healthy kung puro nalang meat kinakain mo.

Parang magiging nanay pa ako nito ah, mukhang kailangan ko siyang turuan sa mga bagay-bagay na di niya alam at di pa niya natitikman.

"Hindi ka ba kumakain ng gulay?" Takang tanong ko.

"Sa tingin mo kumakain ako ng ganyan?" Pabalik niyang tanong sabay tinaasan ako ng kilay.

"Baka nilagyan mo pa nga yan ng lason!" Muntik nang malaglag yong panga ko dahil sa sinabi niya.

Lason? Ba't naman ako mag lalagay ng lason dyan? At saka san naman ako kukuha nang lason? Libre ba yon o binibili pa kase kung kailangan pang bilhin yon, pwes wala akong perang pambili non.

"Grabe ka naman! Wala kayang lason yan." Napasimangot nalang ako at nagulat naman ako ng bigla niya akong halikan sa labi.

"Good morning, by the way."

Napakagat ako sa labi. "G-Good morning den." Utal kung sabi at umupo sa upuan at ganon den siya.

Nakatitig lang siya don sa pinakbet at tinataas niya pa ang kilay niya, para bang sinusuri niya 'yon.

"S-Sorry, gusto ko kase talagang kumain ng gulay..."

"Sa kabilang ref mo ba yan nakuha?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Kay Manang Daley yan at hindi sakin."

"Sorry, hindi ko alam--"

"It's okay babayaran ko nalang." Kumuha ako ng sabaw at tinikman 'yon.

Napatango-tango ako, masarap naman ang pagkaluto ko.

"Psst..." Napatingin ako kay Stephen.

"Masarap?" Seryosong tanong niya at nakataas pa ang kilay nito.

"Oo, masarap." Tango-tangong sagot ko.

"Sinong mas masarap? Yan o ako?" Napaubo naman ako sa tanong niya, agad akong kumuha ng tubig at ininom iyon.

"Y-Yong pinakbet." Bigla namang kumunot ang noo niya sa sagot ko.

"Sinasabi mo bang hindi ako masarap?" Anong pinagsasabi niya?

"Hindi ka naman pagkain ah." Seryoso niya akong tinignan sa mata.

Nagulat ako ng agawin nito ang kutsarang hawak ko. Kumuha siya non at tinikman yon.

"K-Kutsara ko yan diba..." Tinakpan ko naman yong bibig ko.

"What?"

"May sarili ka namang kutsara oh." Sabay turo doon.

"Eh, mas gusto ko yong kutsara mo kase nanggaling na 'to dyan sa bibig mo." Tinikom ko nalang ang bibig ko baka kung san pa mapunta ang usapan.

"Akala ko ba hindi ka kumakain ng ganyan?" Takang tanong ko nang malapit na niyang maubos yong niluto kung pinakbet. Mukhang sarap na sarap nga siya eh, kanina nga parang nandidiri pa siya tapos ngayon ang takaw-takaw na.

"Nakakain na naman ako ng ganito nong nag luto si Manang Daley... I mean, tumikim lang ako, hindi ko gusto yong lasa but yong sayo bakit masarap?"

"Ahm, baka nag depende lang sa pag luto." Pilit akong ngumiti.

"Mas marami pa ngang experience si Manang Daley sa pag luluto dahil matanda na siya. Hilig mo ba ang pag luluto?" May pagka madaldal den pala siyang tinatago.

"Parang ganon na nga kase ako lang naman ang nag luluto sa bahay."

"Niluluto mo ang bahay ninyo??" Napatawa naman ako ng mahina dahil sa tanong niya. Di lang pala siya gwapo bingi pa.

"What's funny?" Biglang naging seryoso ang boses niya kaya umayos ako.

"I mean, ako lang ang nag luluto doon sa bahay namin." Pagliliwanag ko.

"Ikaw lang? You mean hindi ba talaga nag luluto yong mama mo o yong mga kapatid mo?" Umiling naman ako bilang sagot.

Bigla naman siyang tumawa. "Ang bait mo naman pala kung ganon." Natatawang naiiling niyang sabi, bakit parang yong pagka sabi nya non eh, baliktad. Yong para bang hindi siya naniniwala ganon.

"Hey, bro... what the-- may kasama ka pala."

"Sh*t! Sino yan bro?? Oh, she looks familiar Flyn, siya ba yong babae na nasa picture?" Nagulat naman ako sa dalawang lalaki na biglang dumating.

Seryoso silang binalingan ni Stephen. Kaaway niya ang mga ito? Kapatid? Kaibigan??

Kinakagat-kagat ko yong kuko ko, sana mali ang iniisip ko. Baka... Baka may gagawin sila sakin... silang tatlo??

Sunod-sunod akong napalunok. Ayoko! Nahihirapan na nga ako kay Stephen tapos dadagdag pa silang dalawa? B-Baka mamatay na talaga ako, di ko na kakayanin yong tatlong lalaki, maawa naman sila sakin.

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Nagulat ako ng nasa gilid ko na pala yong lalaking kulay itim ang buhok, yong isa naman ay nakaupo sa tabi ni Stephen, medyo may pagka brown ang kulay ng buhok niya.

"The f**k, ano yan bro? Gulay?" Tanong naman nong katabi ni Stephen.

"Obvious ba?"

"What the heck? Kumakain ka pala nang gulay? Kailan pa? Okay ka lang ba bro?" Napalingon ako dito sa gilid ko.

Binalingan ko ng tingin si Stephen tapos ang sama-sama ng tingin niya dito sa lalaking katabi ko, di ko namalayang nakaakbay pala ito sakin.

"Alisin mo yong kamay Flyn, gusto mo pa naman sigurong may kamay ka pa pag-uwi mo nang bahay mo, hindi ba?" Seryosong tanong niya at natatawa namang inalis nong Flyn ang kamay niya.

Magkaibigan ba sila?

"What's wrong bro? Hindi ko naman aagawin si miss beautiful eh."

"Damn! Don't call her beautiful!" Bakit pangit ba ako? Marami namang nag sasabing may etchura ako... so nag sisinungaling pala sila?

"Baliw na itong kaibigan natin Flyn."

"Why are you even here John and Flyn? Ba't ba bigla-bigla nalang kayong sumusulpot."

"Wow, ikaw nga bigla-bigla lang den sumusulpot sa bahay namin pero di ka nga namin ginaganyan, ang sama mo bro!" Parang naiiyak pa nitong sabi sa huli.

"Tsk, ang oa mo John, hindi ka marunong um-acting."

Pabalik-balik lang ang tingin ko sakanilang tatlo. Nagtataka tuloy ako, magkaibigan ba talaga sila o magka away?

Napalingon ako dito sa katabi, tinignan ko siya ng mabuti at ikinataka niya naman iyon. "Wait..."

Kinusot-kusot ko yong mata ko at tinitignan ng mabuti yong kabuuan ng mukha nong Flyn. Teka parang pamilyar siya.

"Flyn Parker? Ikaw yong kapatid ni Xenon tama ba?" Biglang tanong ko. Napatawa naman siya na para bang tinatawanan niya ako kase ngayong ko lang siya nakilala.

"Yes ako nga, ngayon mo pa talaga ako nakilala ah." Napangiti naman ako, siya nga yon tama ako.

"Heheh sorry di kase talaga malinaw yong mata ko." Nabaling naman ang tingin ko kay Stephen nang marinig ko siyang tumikhim.

"Hindi niyo naman siguro nakalimutang may ibang tao dito." Seryosong sabi nito.

"Bro, papatayin mo yata si Flyn sa mga titig mo sakanya." Rinig kung bulong nong John sa tabi niya.

"Alyana go to your room, wag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi." Nag aalinlangan naman akong tumayo, maglalakad na sana ako paalis ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Ano ka ba Stephen, gusto naming maka kwentuhan si Alyana. Saka ba't ba parang ikukulong mo siya sa kwarto, hindi naman--"

"Why do you f**king care, Flyn?! She's my property--"

"Yeah, we know bro." Kalmadong sabi ni Flyn.

"Let go of her hand!"

Nang binitiwan ni Flyn ang kamay ko ay agad namang hinila ni Stephen yong isang kamay ko at nang makalapit ako sakanya ay inakbayan niya ako.

"Wag kang dumikit-dikit sa mga yan, malalagot ka talaga sakin." Malamig nitong bulong sa tainga ko.

"Ba't na ngangamoy selos yata dito." Masama naman siyang binalingan ng tingin ni Stephen.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height