+ Add to Library
+ Add to Library

C16 Jealous

"Stop saying nonsense John!"

"Sabi ko lang naman na nangangamoy selos ah, grabe di man lang mabiro itong si Stephen!"

Umupo kami sa sofa, yong dalawa ay nasa harapan den namin nakaupo. Nagtaka naman ako ng pinatayo ako ni Stephen at pinakandong sakanya, hindi naman ako makatingin ng deretso don sa dalawa kase nahihiya ako.

Hindi ba siya nahihiya na nandon ang mga kaibigan nito tapos pinapakandong niya ako? Nandidiri na ako sa sarili ko, hindi naman ako ganito pinalaki ni mama at papa.

Nag uusap-usap lang sila habang ako tahimik lang na nakikinig sa usapan nila, yong mga usapan lang naman nila eh mga babae. Na a-awkward nga ako kase minsan ang topic nila ay bastos gusto ko sanang mag takip ng tainga para hindi marinig ang mga sinasabi nila kaso baka isipin nilang baliw ako.

Nabaling ang tingin ko sa kamay ni Stephen na mas humihigpit ang pagkakayakap sa bewang ko mula sa likod.

Wala ba siyang balak na pakawalan ako? Dahan-dahan kung isinandal ang likod ko sa dibdib nya, nakakapagod gusto kung matulog. Ipipikit ko na sana yong mata ko kaso bigla akong nakaramdam ng kiliti dahil sa hininga niya na tumatama sa tainga ko.

"Oyy, bro nandito pa kami! Sana naman wag muna kayong gumawa dito ng milagro." Medyo nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Oo, nga! Wala naman siguro kayong balak na mag live show dito... Pfft naalala ko tuloy kwenento mo samin Stephen, yong akala ni Alyana na nag s-shooting kayo ng bold!" Tawang wika nong John.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya, akala ko lang naman kase 'yon. Di ko alam na kwenento pala yon ni Stephen sa mga kaibigan niya.

"Ano ngang sabi mo non Alyana? Pfft, Sorry direk pwede nyo na pong ipagpatuloy yong shooting!" Saad ni Flyn at humalakhak nang tawa.

Narinig ko naman deng tumawa ng mahina si Stephen.

"Yieee, napapadalas na yata ang pag ngiti mo bro ah!" Parang kinikilig nitong sabi, bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Dahil ba kay Alyana yan?" Asar naman na tanong ni John.

"U-Umalis na nga kayo! Layas!" Pagtataboy ni Stephen sakanila. Nagsitawanan naman yong dalawa habang papaalis.

"Enjoy your day, sulitin ninyo." Pahabol nilang sabi. Napailing nalang ako at napahikab bigla.

Di ko alam pero dinalaw nalang ako ng antok.

_

Stephen Wilson's Pov.

Narinig ko siyang nag hihilik kaya niyugyug ko ang balikat niya.

"Alyana?"

Tinignan ko siya at nakapikit ang mata niya. What the-- she's sleeping? Obviously! May gising ba na naghihilik? Mag isip ka nga Stephen, paganahin mo yang utak mo sa itaas hindi sa baba!

"Hey, wake up!" Niyugyug ko ulit siya.

Sh*t, medyo mabigat siya ah! Hindi tuloy ako makahinga ng maayos. Sinasadya ba nitong magpabigat para di ako makagalaw at makahinga ng maayos? Pero tulog na tulog siya ngayon eh.

Binuhat ko siya at dinala sa kwarto, inihiga ko sya sa kama. Di ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha niya.

"Damn! Why do you look so f**king beautiful Alyana?" Napailing-iling nalang ako.

Hinalikan ko ang noo niya at hinaplos ang pisngi niya. Aalis na sana ako ng bigla ko siyang narinig na humikbi.

"Pa... Pa wag mo akong iwasan..." Agad ko siyang nilingon, parang biglang kimirot ang puso ko ng makita ang luha niya.

Having a nightmare again? Ang bilis naman yata, ganito ba siya lagi?

Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama. Is she pretending or what?

"Papa... wag nyo akong iwan... g-gusto kung sumama sayo, g-gusto kong sumama sa inyo..." Sumama? Pwede din kaya akong sumama este saan ba siya sasama?

Agad kung niyugyug ang balikat niya, ganito den siya nong una ko siyang dinala dito sa bahay.

"Alyana, wake up!" Niyugyug ko ulit siya. Ilang segundo lang ay gulat nitong minulat ang dalawang mata at nang makita niya ako ay kaagad ako nitong niyakap.

"Papa... akala ko iniwan muna ako!" What the f**k? I'm not your dad, stupid! Mukha ba akong tatay? Ang bata ko pa kaya para maging tatay, di pa nga ako handa mag asawa at magkaanak no!

Kumawala naman siya sa pagkakayakap sakin, na-realized niya sigurong hindi ako ang papa niya. Sh*t! Asan ba kase ang papa nya? Iniwan ba sila? Oo, siguro nga iniwan sila, nong nag punta ako don hindi ko naman nakita ang papa niya.

"S-Sorry." Utal nitong saad at tumulo na naman ang luha nito.

"Shhh..." Pinahiran ko yong luha na tumulo sa pisngi niya.

"Do you really miss your dad? Asan ba siya? Baka kaya ko siyang hanapin para sayo." Sabi ko para patahanin siya pero mukhang mali yata ako nang akala.

"Oh, bakit? Hahanapin ko na nga siya para sayo, ano? Tears of joy ba yan--"

"He's... already dead." Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

"I... I'm sorry hindi ko alam." Niyakap ko siya at tinapik-tapik ang likod niya. Hindi ko alam kung anong pakiramdam na mamatayan ng magulang kase si mommy at daddy ko ay buhay pa naman, saka di ko na naabutan yong mga lola at lolo ko.

Pero alam kung masakit, lahat naman siguro ng tao kapag mamatayan masasaktan, lalong-lalo na sa taong malapit sayo.

"O-Okay lang." Pinahiran nito ang luha sa pisngi at ilang minuto lang ay tumahan na siya.

"Why are you always dreaming of him? Ano bang nangyari sa panaginip mo?" Di ko maiwasang mag tanong.

"Na mi-miss ko lang kase siya." Hindi naman siguro yan ang sagot na gusto kung isagot mo, hays bahala na nga!

"Matulog ka nalang dyan, gigisingin nalang kita kapag kakain na." Tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ano? Gusto mo bang--" di ko pa nga natapos ang sasabihin ko ay umiling na siya agad, mukhang alam niya ang ibig kong sabihin.

Tsk, akala ko pa naman makakalusot ako. Sayang!

Lumabas na ako ng kwarto at nag simula ng mag luto. Nang matapos na akong mag luto ay inilapag ko 'yon sa mesa at kumunot ang noo ko ng may napansin na parang may nakasulat don sa tablecloth.

Napatampal nalang ako sa noo ng mapagtanto kung ano 'yon, drawing siya na isang bayag lang naman at mukhang alam ko na kung sino may gawa nito.

"Malalagot ka talaga sakin pag nakita kita John!" Gagu talaga kahit kailan pati mesa ko pinagtritripan.

_

Alyana Perez's Pov.

Lunes na ngayon at kailangan ko nang pumasok mga 8:30 am.

Maaga akong gumising at nag luto, wala parin si Manang Daley dito, sabi ni Stephen sakin next week pa daw makakauwi si Manang Daley.

"May lakad ka ba?" Nilingon ko si Stephen na nasa gilid ko lang.

"May klase ako ngayon pwede ba akong makaalis?" Tanong ko.

Alangan namang di siya pumayag, di ako maghahanp ng ibang lalaki no! Papasok lang ako sa school.

"Oh, right college student ka nga pala... wait! Magkikita na naman kayo nong Xenon na 'yon?

"Uhm, oo prof ko namin siya eh..."

"Wag ka nang pumasok." Seryosong sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

Akala ko papayag siya... hindi yan pu-pwede, kailangan kung pumasok ngayon. Ano nalang ang magiging grades ko kung di ako papasok?

"Stephen." Tawag ko sa pangalan niya at tinignan siya sa mata.

"Okay fine! Pwede kang pumasok pero wag mo siyang kausap." Naka crossed arm niyang saad.

Napakagat ako ng kuko, wag kausapin? Bakit naman? "Pero--" Di na niya ako pinatapos mag salita.

"Iwasan mo siya."

"A-Ano?" Naguguluhan kung tanong.

"Wag mong tignan ang mukha niya."

"Ha?"

"Akala ko ba nag-aaral ka? Yon lang tapos di mo pa maintindihan?"

"I... I mean, b-bakit ko naman gagawin yong s-sinabi mo?"

"Because you're my property at susundin ang sasabihin ko!" Bakit parang slave mo yata ako. Ano ba ako robot? Ki-no-control na niya ako ah!

Ba't ang weird niya? Siguro may galit siya sa best friend ko. Hmm, bakit kaya, nag away ba sila? Close silang dalawa ni Flyn, okay naman silang dalawa pero si Xenon? Ano bang meron kay Xenon? Mabait si Xenon kaya imposibleng may kaaway siya o kagalit, di naman kase si Xenon ang tipo nang lalaki na mahilig sa away.

Umupo na siya sa upuan kaya umupo na rin ako. "Anong oras yong uwi mo?" Tanong niya.

"11:30 pero..."

"Pero ano?" Patapusin mo kaya akong mag salita Stephen. Ano bang problem niya?! Ewan ko pero nag sisimula akong mainis sakanya.

"May trabaho pa ako." Sagot ko at nag simulang sumubo.

"Trabaho? Saan na naman yan?!"

"Si Nash--" nagulat naman ako ng bigla niyang hinampas yong mesa.

"F**k! Who's that f**king Nash, Alyana!? Is that you're f**king boyfriend!!?"

Boyfriend? Eh, ang bata-bata pa non at saka wala pa nga akong naging boyfriend, as in NBSB ako.

Baliw, anong nakain niya ba't siya ganyan. Para naman akong may ginawang masama sa inaasal niya, saka ang sakit sa tainga yong boses.

"S-Si Nash yong batang binabantayan ko." Utal kung saad at nakita ko namang nakahinga siya ng maluwag, ano bang meron?

"Oh, bata pala yan... hmm, but still lalaki parin yan."

Ano naman kung lalaki? May masama ba don? Saka bata lang yon no.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya ako sa school.

"Omg! Ang gwapo niya besh!"

"Oyy, diba yan yong nakalandian mo nong nakaraang buwan, remember? Don sa nightclub, siya nagmamay ari non diba?"

"Yeah, just don't mind him! He's a jerk, he left after that night and act nothing happened!"

"Owws, kinuha lang pala yong virginity mo pfft..."

Dinig ko yong mga usap-usapan ng ibang studyante dito pagkalabas ko palang sa kotse ni Stephen.

Tumingin ako kay Stephen bago nilingon ulit yong babaeng naka one night stand kamo ni Stephen.

"May problema ba?" Biglang tanong nito sakin at umiling lang ako.

Umalis na si Stephen at nag simula na akong maglakad, lalagpasan ko na sana yong dalawang babae na pinag-uusapan si Stephen kani-kanina lang, kaso bigla itong humarang sa dinadaanan ko.

"E-Excuse me." Iiwasan ko na sana sila pero biglang hinawakan nong babae ang balikat ko kaya napahinto ako.

"Kaano ano mo ba ang lalaking iyon?" Taas kilay nitong tanong sakin.

"Ha?" Naguguluhan kong tanong.

"Yong lalaki kanina, yong gwapong lalaki na nag hatid sayo papunta dito."

Wika nong kasama niya, kaibigan niya yata.

Ano naman kaya ang sasabihin ko? Na bininta ako ng mama ko sa lalaking iyon kaya at doon na ako nakatira sa bahay nila? Pero ang tanong niya eh, kung kaano ano ko si Stephen?

"Boyfriend ko siya." Wala sa sariling sabi ko. Bahala na nga, kailangan ko mag madaling pumasok sa classroom namin!

Natawa silang dalawa habang nakatingin sakin at yong isang babae ay bumaba ang tingin don sa ID ko.

"Your name is Alyana, is that right?" Tumango lang ako bilang sagot.

"Well, makinig ka sakin. After niya makuha yong virginity mo, iiwan ka rin nyan kagaya nang ginawa niya sakin." Hindi ko naman totoong boyfriend si Stephen kaya bakit ako mag aalala na iwan niya ako diba?

Pero kawawa siya kase after na may nangyari sakanila ni Stephen, iniwan lang siya? Parang kinabukasan lang ay wala na si Stephen sa tabi niya? Eh, yong sakin ako ang umalis kinabukasan...alangan namang si Stephen ang umalis eh, bahay niya kaya yon diba.

"Besh, hindi naging kayo nong lalaki okay." Sabat nong kaibigan niya at tinignan niya ito ng masama.

"Tumahimik ka pwede ba?" Tinaasan niya ng kilay yong kaibigan niya. Parang may hindi magandang mangyayari ngayon ah, yong tingin nila sa isat-isa.

"Kanina pa ako nag titimpi sayo, hindi ko na kaya yang pag-uugali mo! S*x lang yon, ano bang big deal huh?!" Napatikom ako ng bibig.

"Wow! Nakakahiya naman sayo ah, porket ba kung sino-sino nalang ang mga lalaking kinakama mo eh, di na big deal yon?"

Ano yan, f**kgirl siya? Like Stephen lang ang peg?

"Aba! Bakit nadamay yan sa usapan, anong kinalaman nyan sa topic na to!"

"Meron talaga, s*x lang naman yang laman ng utak mo! Ko-mo-kopya ka lang sakin kapag may quiz at exam, bobo ka pagdating sa school pero sa kama expert? Ha ha ha! Nakakatawa nga diba? Naaawa tuloy ako sa mga magulang mo!"

Napaatras nalang ako ng mag simula silang mag sabunutan, kailangan ko nang umalis baka madamay pa ako. Akala ko ba magkaibigan sila? Ano nag pa-plastikan lang ba sila, kase nag parang nag lalabasan na sila ng mga dislikes sa isat-isa.

Pagkapasok ko sa classroom ay nakasalubong ko si Xenon.

"Hey, Alyana." Yayakapin niya sana ako pero agad kung tinuro yong mga kaklase ko, parang sinasabi ko sakanyang may ibang tao.

Baka akalain ng mga kaklase ko na may relasyon kami... este sila kase dito eh, kahit magkaibigan na nag yayakapan lang ay pinag chi-chismisan nang mag jowa pero hindi naman talaga. Ma issue talaga sila dito kaya kailangan mag ingat.

"Good morning prof." Sabi ko nalang sakanya at nginitian siya.

Nakokonsensya ako baka kase isipin ni Xenon na iniiwasan ko siya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height