+ Add to Library
+ Add to Library

C17 Bracelet

Nang matapos ang klase namin. Ay dumeretso na ako sa bahay nilang Madam Nessy, agad akong sinalubong ni Nash.

"Oh, Alyana ba't nga pala wala ka dito kahapon?" Tanong niya sakin.

"Sorry po Madam Nessy, may inasikaso lang kase ako." Ayaw talaga ako payagan ni Stephen na umalis kaya ganon.

"Ah, ganon ba? Ayos lang naman sakin, nag alala lang ako sayo baka kung napano ka na." Ngumiti ito sakin at nagtaka ako ng tumingin siya sakin at lumibot pa ito, ako naman ay sinusundan lang ang bawat galaw niya.

"Mukhang ngayon lang na wala akong nakikitang panibagong sugat sa katawan mo." Wika ni Madam Nessy at ngumiti lang ako sakanya.

Kase wala naman ako sa bahay Madam Nessy. Gusto ko sanang sabihin yon pero wag na, baka mag tanong lang siya at abutin pa kami ng isang araw o baka dalawa.

"Ito nga palang pera." May inabot siya saking five thousand.

"Ano po ito Madam?" Takang tanong ko, nag advance na nga ako ng sweldo sakanya tapos para saan naman ito? May ipapabili kaya si Madam Nessy sakin?

"Birthday muna bukas hindi ba? Regalo ko na yan sayo, bumili ka nang masarap na pagkain o di kaya pumunta ka nalang dito sa bahay bukas ipaghahanda kita ng makakain..."

"Nako! Okay lang po, maraming salamat talaga Madam Nessy!" Sabi ko at nag bow pa sakanya.

Ang swerte ko talaga kay Madam kase ang bait-bait niya sakin. Saka ang swerte ni Nash sa mom niya, mabait, mapagbigay at higit sa lahat hindi matapobre.

"Ate Alyana, laro muna tayo!" Napalingon ako ngayon kay Nash, ngumiti naman ako at pumunta sa kinaroroonan niya.

"Sige, mag laro muna kayo dyan." Sabi nito bago umalis.

"Look ate Alyana! Ang gwapo-gwapo ko sa picture diba?" Tinignan ko naman yong nasa frame, silang tatlo ni Madam Nessy, Nash at si Sir.

Masaya sila... ni minsan hindi ko pa nasubukang na nag family picture kami, ni litrato ni papa at mama wala ako, ang tanging alala na natitira sakanila ay yong mga gamit na bigay nila sa 'kin.

Kahit hindi man 'yon mamahalin, iniingat-ingatan ko pa den kase sila ang nag bigay sakin non.

"Ate Alyana, are you okay?" Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, agad ko yong pinahiran at tumingin kay Nash.

Ngumiti ako. "Yeah, I'm okay! Napuwing lang si ate Alyana."

Nag laro lang kami ni Nash hanggang nakatulog siya dahil sa pagod. Mga 4 pm ay umalis na ako sakanila, dumaan ako sa palengke para bumili ng karneng manok pagkatapos ay sumakay ng jeep pauwi sa bahay namin.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Nakailang katok pa ako bago may nag bukas.

"Ma! Nandito na ang bruha!" Si ate Kelly ang nag bukas ng pinto, hinila niya naman ang braso ko papasok. Napadaing ako kase yong kuko niya ay bumabaon.

"Hay sa wakas naka bisita ka rin, akala ko nag papakasaya ka na don!" Galit na wika ni Mama, inilibot ko ang paningin ko sa bahay.

Ang gulo-gulo, yong mga damit nila nag kalat sa sahig. Mula dito ay kitang-kita ko na yong mga plato na hindi pa nahuhugasan, may naamoy pa ako na parang panis.

Bahay pa ba to o tambakan ng basura?

"Hoy! Kinakausap ka ni Mama tanga!" Sabi ni kuya Keil at tinulak-tulak ang ulo ko gamit ang hintuturo.

"Sorry." Tanging sabi ko.

"Oh, ang pera asan?" Taka ko namang tinignan si mama.

"A-Anong pera?" Naguguluhan kung tanong.

"Ano? Hindi ka ba nanghingi don sa lalaking 'yon!!?" Wala na ba siyang pera? Inubos niya na ba lahat ng perang iyon... yong binayad ni Stephen?

"Putang*na talaga!!"

"Ano bayan?!!" Sabay turo don sa dala-dala ko.

"Karneng manok--" kinagat ko yong ibabang labi ko dahil sa malakas nitong mura.

"Sh*t! Yan lang ang dala mo?!! Bwesit ka talaga kahit kailan! Sa susunod pera ang dalhin mo Aly! Gamitin mo yang utak mo huh!!" Naiyokom ko yong kamao ko, ginagamit ko naman ang utak ko!

Minsan gusto ko silang sagot-sagotin pero bigla nalang umaatras itong dila ko. May sarili yatang utak yong dila ko.

"Mag luto ka na don at mag linis ka dito sa bahay!! Hindi ka makakaalis hanggat di mo nagagawa ang mga gawain dito maliwanag!!? Saka bukas pumunta ka ulit dito at mag dala ka ng pera, pag ikaw talaga walang nadalang pera kakalbuhin kita Alyana!"

Dali akong nag punta sa kusina at nag saing. Kinuha ko muna yong mga damit na nakakalat sa sahig at mga baso, kutsara na nakakalat den sa sahig.

Hinugasan ko lahat ng plato pagkatapos ay niluto yong manok. Nag walis ako, nilinis ko lahat-lahat nang kalat.

Napaupo ako sa upuan habang habol hininga. Nang nakapag pa hinga na ako saglit ay tatayo na sana ako kaso biglang dumating si Ate Kelly sa harapan ko at bigla akong sinampal.

"Sinabi ni mama na mag luto ka at mag linis ka ng bahay hindi ba?! Tapos anong ginagawa mo!! Umuupo ka lang dyan! Tamad ka talaga eh, no!" Hinawakan ko yong pisngi ko na sinampal niya.

"Tapos na akong mag luto at mag linis, nag pahinga lang ako saglit." Sabi ko habang napapayokom ng kamao.

"Kung ganon ba't hindi mo kami tinawag! Kanina pa kami nagugutom dahil sayo!" Bulyaw niya. Ba't ako na naman ang may kasalanan? Kasalanan ko bang hindi kayo nag luto? Kasalanan ko bang inubos ninyo lahat ng perang 'yon? Ba't ba kasalanan ko nalang lagi!

"Mama, kuya halina kayo! Kakain na." Tawag ni ate.

Uupo na rin sana ako sa tabi nila para kumain. "Oh, anong ginagawa mo? Kakain ka? Bakit wala bang pagkain don sa mayamang lalaking 'yon?!" Seryosong tanong ni mama pero di nalang ako sumagot.

"Tsk, kung ako nalang sana yon Mama eh, kung ako nalang ang binenta mo don sa gwapong lalaking 'yon dadalhan talaga kita ng maraming pera." Wika ni Ate Kelly kay mama habang sumusubo nang pagkain.

"Pfft eh, mukhang hindi ka nga niya gusto." Asar na sabi ni Kuya Keil.

"Mama, si kuya!"

"Tumigil na kayong dalawa." Napapangiti nalang ako habang nakatingin sakanilang tatlo.

Sana ganyan den kami, yong tipong mag aaway pero asaran lang walang sakitan. Yong tipong papagalitan kayo pag nag aaway hindi yong pagagalitan ka kahit wala ka namang ginawang mali o masama.

Gusto ko den na may kapatid, yong kapatid na ipagtatanggol ka sa taong mananakit sayo hindi yong siya mismo ang mananakit sayo.

Tumingala ako para pigilang hindi tumulo ang luha ko.

Ang tanging gusto ko lang naman ay mahalin nila ako, ituring ako ni mama bilang totoo niyang anak, ituring ako nila ate at kuya bilang kapatid nila. Yon lang naman ang gusto ko, yon ang hiling ko sa birthday ko.

"Hoy anong ina-acting-acting mo dyan?!" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Ate Kelly.

"N-Na puwing lang a-ako Ate Kelly." Sagot ko at inayos ang pagkakatayo.

"Tsk, buti nga sayo!" Sabi niya pero nabaling ang tingin ko sa pulsuhanan niya.

Kumunot ang noo ko ng makitang suot nya yong bracelet ko, kaya pala nawawala kase nasa kanya 'yan.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, uminit bigla ang ulo. Sapilitan kung hinila ang kamay nya at kaagad na kinuha yong bracelate.

"Tangina ano bang ginagawa mo!!" Galit nitong sigaw sakin pero tinignan ko lang siya ng seryoso, nilagay ko yong isang kamay ko sa likuran ko para itago yong bracelet.

"Akin na yan!!" Matigas niyang sabi pero umiling ako.

"Akin to kaya bakit ko ibibigay sayo." Matapang kung sabi.

"Ano bang nangyayari dito?!" Biglang dumating si Kuya Keil at nag tatakang tinignan kaming dalawa.

"Kuya kinuha niya yong bracelet ko!" Sumbong ni Ate Kelly.

"Bracelate ko ito! Hindi sayo Ate!" Di ko mapigilang hindi sumigaw, ba't ba ang hilig-hilig nyang mang-angkin nang gamit na hindi naman sakanya! Ganyan nalang siya lagi, parang ako pa ang lumalabas na masama sa aming dalawa.

"Yong bracelet ba kamo? Hays pabayaan mo nalang yon Kelly, ampangit naman ng braceletna 'yon mukhang basura kagaya nyang si Aly." Sabay binalingan ako nang matalim na tingin.

"Hindi ito basura, bigay 'to ni mama sakin kaya hindi ito basura." Saad ko sa sarili pero mukhang narinig nila 'yon.

Lumapit si Ate Kelly sakin at sapilitang hinila yong bracelet sa kamay ko, hinila ko den 'yon at nagulat ako ng biglang mawasak 'yon. Napatulala naman ako habang nakikitang unti-unting nag kalat ang mga kulay puti na bilog at ang hugis puso na parang pendant ng bracelate.

"Oh, hindi ko yan kasalanan ah! Hinila mo kase kaya nawasak! Ang mo talaga kahit kelan no?!" Paninisi niya sa 'kin.

"Anong ako! Ikaw kaya! Hinila mo kaya nawasak ate, wag mong isisi sakin lahat! Dapat ba ikaw nalang ang tama tapos ako ang mali?! Ba't kailangang ako nalang ang laging may kasalanan kahit hindi naman talaga ako!!" Parang sasabog na yata ang ugat ko dahil sa galit.

Sunod sunod nya akong sinampal. "Kasalanan mo naman talagang bruha ka!!" Sinampal na naman niya ako ulit. Pagkatapos ay sinampal nya pa ako ng napakalakas, ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko, nadaplisan yata ng kuko ni Ate Kelly.

Napapikit ako ng akmang susuntukin ako ni Kuya Keil pero ilang segundo ang lumipas ay wala akong maramdamang kamao na lumapat sa mukha ko kaya unti-unti kung minulat ang mata ko.

"Ulitin mo lang ang pag sigaw-sigaw sa kapatid ko! Malilintikan ka na talaga sakin!" Banta ni Kuya Keil.

Pinulot ko yong pendant na hugis puso pagkatapos non ay nagulat ako ng hilain nila ang kamay ko at tinulak nila ako palabas nang bahay.

Napapahagulgul ako habang nag lalakad paalis.

_

Nakatayo ako ngayon sa labas ng gate sa bahay ni Stephen, pipindotin ko na sana yong doorbell kaso nag simula na naman akong maiyak dahil naalala ko yong nangyari kanina, napaupo nalang ako semento at yumuko.

Kailangan ba sila titigil sa kakaganito sakin?! Nakakapagod na, nakakasawa na di ko na alam, paulit-ulit ko namang tinatanong sa sarili ko kung bakit ko tinitiis ang lahat ng ito, bakit ko kailangan hayaan sila ganitohin ako at ang sagot na laging nakukuha ko sa sarili ko ay dahil mahal ko sila, pesteng pag mamahal diba? Nasasaktan ka na nga pero patuloy parin.

"Alyana is that you? Where the hell have you been?! It's almost nine pm..."

"Why the f**k are you crying?! Who made you cry??!!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height