+ Add to Library
+ Add to Library

C18 Hospital

Ayoko ko talagang may nakakita saking umiiyak na iba, kase alam kung mag tatanong sila kung bakit ako umiiyak at kailangan ko na namang mag sinungaling.

Sinubukan kung tumahan pero mas napaiyak lang ako.

Hinawakan ni Stephen ang balikat ko at sinubukang patayoin. "Anong nangyari?? Bat ka umiiyak? Damn! Nananaginip ka na naman ba sa papa mo? Tell me Alyana?" Bakas sa boses niya ang pag aalala.

"Na puwing lang ako." Pag sisinungaling ko sakanya, kita kung kumunot ang noo nya habang nakatitig sa pisngi ko.

"Anong nangyari sa pisngi mo? Ba't may dugo?! Did someone hurt you!??"

"W-Wala, d-dahil yan sa kuko ko." Pag sisinungaling ko ulit. Ayokong mag sinungaling kase alam kung masama 'yon pero kase ayaw kung sabihin sakanya ang totoo.

Baka makialam pa siya at lumala lang ang lahat. Ilang years ko nang nararanasan ito, nakaya ko naman at kakayanin ko sa susunod pa na taon. Ang kailangan ko lang ngayon ay umiyak, para ilabas yong sakit at galit na nararamdaman ko. Mas mabuti na yong iiyak mo ang galit kesa naman sa makasakit ka ng iba dahil sa galit na nararamdaman mo.

_

Stephen Wilson's Pov.

"I don't believe what you say Alyana, just by looking at you I know you're lying Alyana."

"P-Pwede bang wag ka nalang mag tanong, pakiusap."

Kita kung napapikit siya nang mariin at napahawak sa ulo nito kaya agad kung hinawakan ang balikat niya ng akmang matutumba na sya.

"Are you okay?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Inaantok lang ako." Sagot niya at pumasok na kami sa loob pero nagulat ako ng bigla siyang nahimatay.

Binuhat ko siya at dinala sa kotse, pinaharorot ko naman iyon papuntang hospital.

Lagi nalang syang nahihimatay baka may sakit na ang babaeng ito o kung ano pa yan.

_

"Anong nangyari sakanya doc? Ba't sya nahimatay? May sakit ba siya? Anong sakit nya? Tatagal pa ba siya dito sa mundo? Ilang days, araw, buwan o taon nalang suya tatagal---"

"Oh, hinay-hinay lang Mr. Wilson ba't yata nag o-overreact ka, wala naman siyang sakit." Pagpapahinahon nito sakin.

"Eh, bakit nga siya nahimatay??" Takang tanong ko.

"Nanghina ang katawan niya kaya nahimatay na siya." Wika nito kaya nakahinga ako ng maluwag.

Nabaling naman ang tingin namin kay Alyana ng marinig kong humikbi siya pero nakapikit pa den ang mata.

"Lagi niyang napapanaginipan ang papa niya at kapag nanaginip siya ay umiiyak sya katulad nalang nyan."

"There are many reasons about that, pwede napapanaginipan nya ang papa niya kase na m-miss nya ito o di kaya lagi nya itong naiisip. Pwede den namang gusto na niya itong makasama-- By the way kaano ano mo ba ang babaeng iyan Stephen?" Tanong ni doc sakin, actually kaibigan siya ng mom ko.

Napaisip naman ako sa tanong niya.

Kinagat ko ang aking labi bago sumagot.

"She's... she's someone special to me."

"Well, Stephen hindi ba siya nag sasabi nang mga problema niya sayo?" Tanong niya.

"Hindi." Iling kung sabi, ano namang klaseng problema? Problema sa pera? Well kung problema lang sa pera masosolusyonan ko yan.

"I feel like she's depressed."

What the f**k? Depressed? Why?!

"By the way ba't may sugat yong pisngi nya, san niya ba nakuha 'yan?"

"Ang sabi nya nasugatan yan dahil sa kuko nya. Kanina nong nakita ko sya ay nasa labas sya ng gate at umiiyak. Tinanong ko siya pero ang sabi nya napuwing lang daw sya. Nong isang araw naman ay namamaga yong binti niya at may parte den sa likod nya na namamaga, ewan ko nga kung saan nya nakuha ang mga yon." Naka crossed arm kung tinignan ulit si Alyana, tumahan na siya sa ngayon.

"Sa tingin ko ay may na nanakit sakanya--"

"Doc, emergency! Kailangan po kayo."

"Oh, sige maiwan muna kita Stephen, pakikamusta nalang ako sa mommy mo." Tumango nalang ako.

"Hmm, asan ako?" Agad kung nilingon si Alyana nang mag salita siya.

"You're in the hospital." Sabi ko kaya nanlaki ang mata niya.

Tumayo siya at aalis na sana pero hinawakan ko ang kamay niya.

"San ka pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Uuwi na ako." Halatang nanghihina pa siya.

"San ba ang bahay mo?" Taas kilay kung tanong kaya bumalik siya at umupo. Na alala nya sigurong sa bahay ko na sya nakatira at pag mamay-ari sya.

"Ayokong mag tagal dito sa hospital Stephen, wala naman akong sakit. Okay lang ako." Malamig nitong wika.

Wow, ugali ko yan eh. Ba't yata nagkapalit.

"No, you're not. Hindi kita papayagang umalis dito hanggat hindi mo sinasabi sakin ang lahat." Tinignan niya naman ako sa mata.

"Anong lahat?" Nagtatakang tanong niya. Napahawak ako sa batok ko, ginagalit talaga ako ng babaeng 'to.

"Kung anong nangyari sayo kanina, bakit ka umiiyak? Kung bakit may sugat ka sa pisngi mo?!"

"W-Wala nga lang yon..." Bakit ba sya ganyan lagi?! Ang simple lang naman ng tanong ko! May bibig siya kaya bakit simpleng tanong di pa niya masagot, mahirap ba yong tanong ko sakanya?!

Ano bang mas mahirap, exam o yong tanong ko? 2 question lang naman eh, samantalang yong exam over 30 or 50 questions!

"Mag sisinungaling ka na nga lang masyado pang halata. Sabihin muna sakin Alyana bago pa ako magalit sayo." Mahinahon kung saad.

"Wala nga lang--"

"Tell me!"

"Sinasaktan ko yong sarili ko!" Biglang sigaw niya kaya nagulat ako. Napalingon din saamin yong ibang tao dito sa loob ng hospital.

"What?! Ba't mo naman ginagawa yon!?"

"Because I hate myself! Ang pinakaayaw kung tao dito sa mundo ay ang sarili ko!" Pasigaw nyang sabi.

"Ano masaya ka na?! Happy? Okay na ba yong rason para sayo!!"

Naiwan ako ditong tulala.

She hate herself?

Tsk, hindi ako naniniwala! Napakasinungaling niya talagang babae! Pero... ang sabi ng kaibigan ni mom kanina eh, may depression siya?

Napailing nalang ako, hindi naman siya sigurado. Ang sabi 'I feel she's depressed' feeling niya lang yon.

Pagkalabas ko ay nakita ko siya sa parking lot, nakayuko lang sa tabi nang kotse ko.

"What are you doing there?" Inangat nito ang ulo nya at nag tagpo ang mga mata namin, agad naman siyang umiwas at tumingin sa ibang direction.

"Inaantay ka. Sa bahay mo ako nakatira hindi ba?" Nag buntong hininga nalang ako at pinagbuksan sya ng pintuan. Sumakay na den ako at pinaandar na 'yon.

Nang makarating kami sa bahay ay nag luto ako para sakanya kase pagka pasok palang namin dito sa bahay ay narinig kung tumunog ang tyan niya kaya kumain na kami.

Marami pa sana akong gustong itanong kaso alam ko rin namang hindi nya sasabihin o di kaya mag sisinungaling lang siya. Napapailing nalang ako pag nag sisinungaling sya, ba't ba lahat ng babae ay sinungaling?! Pare-pareho lang talaga sila, walang pinagkaiba.

San kaya ako makakahanap ng babaeng kagaya ni mom? Mukhang tatanda na yata ako mag-isa... Bwesit! Naalala ko naman bigla ang Vanessa na yon!

Nag bihis muna siya sa kwarto nya, ilang minuto akong nag hintay dito sa labas ng kwarto pero di parin siya lumalabas kaya pumasok nalang ako at nakita ko naman siyang natutulog na sa kama niya.

Damn! Sinabi ko nang sa kwarto ko siya matutulog. Tigas din ng bungo nito!

Nilapitan ko siya at kinumutan ng maayos.

Bakit lagi nalang ganito? Pag natutulog siya ay hindi ko maiwasang di mapatitig sa mukha nya? Kahit napaka sinungaling niya at kahit hindi ko sya lubos na kilala ay nag alala ako sakanya pag umiiyak sya. Ibang babae nga pag umiiyak natutuwa ako pero pag siya hindi!?

Crazy!

"Ano bang meron sayo na wala sa ibang babae?" Wala sa sarili kung tanong.

She's too common but at the same time not. Yeah, baliw na yata ako.

"Goodnight, Alyana."

Hinalikan ko siya sa noo.

Parang nasasanay na ako sa ganito. Tsk, pag bibigyan kita ngayon kase mabait ako--wait! Mabait? What the heck, good word Stephen!

Tumayo na ako at nabaling ang paningin ko sa bag na nasa gilid, sakanya ba yan?

Nilapitan ko yon at tinignan. "Basura ba 'to?" Iling ko itong kinuha at tinapon sa basurahan pagkatapos ay natulog na sa kwarto ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height