+ Add to Library
+ Add to Library

C19 Picture

Alyana Perez's Pov.

Minulat ko ang mga mata ko at napansing hindi pala ako sa kwarto ni Stephen nakatulog. Baka galit na si Stephen sakin ngayon kase dito ako natulog?

Dahan-dahan akong lumabas nang kwarto at ang tahimik lang, tulog pa kaya siya?

Nag buntong hininga muna ako bago kumatok sa pintuan ng kwarto nya.

Natatakot ako baka kase bulyawan niya ako.

Kumatok ulit ako pero wala paring nag bubukas. Sinubukan kung pihitin ang doorknob at hindi naman siya nakalock kaya malaya akong nakapasok.

Napakamot ako sa ulo ng makitang wala naman siya dito pero may naririnig akong patak ng tubig... mukhang naliligo sya sa banyo.

Inilibot ko nalang ang paningin ko at may nakita naman akong litrato sa ilalim ng kama niya, lumapit ako doon at tinignan 'yon si Stephen at isang babae ang nasa litratong 'yon.

"What the f**k are doing here!! Give me that!" Nagulat ako sa boses na 'yon. Sunod-sunod akong napalunok ng pag harap ko sakanya, ang sama-sama ng paningin niya sakin ngayon.

Agad nyang kinuha yong litrato sa kamay ko. "N-Nakita ko lang k-kase yan sa i-ilalim ng kama m---"

"Wag mong pakialaman yong mga gamit ko naiintindihan mo?!! Hindi porket pinatira kita dito ay pwede ka nang makialam, ipapaalala ko lang sayo na hindi kita girlfriend o di kaya asawa! Pag aari lang kita pero di mo ako ako pag aari at yon lang 'yon, naiintindihan mo!!" Di ko alam pero nasaktan ako sa sinabi niya.

Kung alam ko lang na ganito ang magiging reaction nito ay sana hindi na ako pumasok sa kwarto nya. Tama naman siya, dapat hindi ako makialam sa gamit nya. Kasalanan ko kaya dapat di ako masaktan sa mga sinasabi niya kase dapat lang 'yon sakin. Masama naman talaga ang makialam sa hindi mo naman pag aari.

"Sorry... h-hindi ko na uulitin." Tanging sabi ko bago lumabas sa kwarto nya. Agad kung pinahiran yong luha ko ng maramdamang tutulo na ito sa mata ko.

Bakit ka ba umiiyak Alyana?! Kasalanan mo naman talaga, dapat kase di ka nakikialam sa gamit ng iba! Tinuruan ka naman ni papa at mama ng magandang asal hindi ba?

_

Si Stephen ang nag luto habang ako ay nakatitig lang sakanya, mukhang napapansin nyang nakatitig ako sakanya ay sinusulyapan ako nito pero agad naman akong tumitingin sa ibang direction.

Pagkatapos nyang mag luto ay kumain na kami.

"S-Stephen..." Kinakabahan kung tawag sakanya. Binalingan niya naman ako ng tingin at para bang tinatanong kung anong kailangan ko.

"Ahm...uhmm...p-pwede bang umutang ng pera? Promise pag nagka sweldo ako babayaran agad kita pero pakunti-kunti lang." Sana pumayag siya kase malalagot talaga ako kila mama, ate at kuya.

"Magkano ba? Isang million?" Muntik nang malaglag 'tong panga ko dahil sa sinabi nya.

Isang million? Kung uutang ako sayo nyan, ilang years kayang aabutin bago ko mabayaran yan?

"Huh, grabe ang laki naman non, di ko kayang bayaran yon siguro mababayaran ko lang yon after 10 or 11 years."

"So magkano nga?" Seryosong tanong niya.

"Ten thousand."

"Yon lang? Wag mo nang utangin, ibibigay ko nalang sayo yon, pwede ring parang bayad ko na sayo yon."

"Bayad saan?" Taka ko siyang tinignan. Wala naman akong naalalang umutang siya sakin ng pera o kung ano pa man yan.

"Bayad sa pagpapaini--"

"Okay." Mabilis kung sabi, ayaw kung marinig yong sasabihin nya talaga kaya hindi ko siya pinatapos mag salita. Parang naging bayaran na talaga akong babae nito.

"Here." Inabot niya sakin ang pera.

"Eh? Sabi ko ten thousand hindi twenty thousand Stephen."

"Wag ka nang dumaldal dyan, aanhin mo ba yong pera?" Napakagat naman ako ng labi dahil sa tanong niya.

"May... may babayaran lang ako, oo tama-tama may babayaran lang ako."

"Halatang-halata ka talaga pag nag sisinungaling." Iling niyang sabi kaya mas napakagat ako ng labi. Hindi ba talaga ako magaling mag sinungaling? Nakakapag sinungaling lang naman ako kapag yong tanong eh, sa pamilya ko o tungkol sa mga sugat, yong mga ganoon tanong.

Hinugasan ko na yong plato at pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto.

"Oh my god..." Nilinga-linga ko yong paningin ko, hinanap ko yong bag ko.

Hindi ko pa kase na a-arrange yong mga gamit ko at yong mga gamit ko lahat ay nasa bag ko.

"Asan na ba 'yon? Nandito lang yon kahapon ah, impossible namang nawala nalang yon bigla." Napapakamot ako sa ulo ko habang nag hahanap parin.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Stephen na kakalabas lang den ng kwarto niya.

"Stephen... n-nakita mo ba yong bag ko?" Hindi naman siguro masama kung mag tatanong ako sakanya hindi ba?

"Ah, yong lumang bag mo at mga damit, sapatos?" Luma? Hindi naman 'yon masyadong luma... Oo, nga pala mayaman siya, magkaiba yong luma na talaga at hindi masyadong luma para sakanya. I mean, lahat naman siguro kapag ilang buwan o baka isang taon lang nagamit ay luma na para sakanila.

"Oo, nakita mo ba?"

"Tinapon ko, ang luma na kase kaya naman kitang bilhan ng bago, basura na yon--" Naiyokom ko ang kamao ko habang nakatitig sakanya, di ko mapigilang maangat ang palad ko at sinampal siya.

"What the hell!! Why did you slap me!??" Sigaw niya sakin, sumigaw den ako dahil sa galit.

"Anong karapatan mong pakialaman ang mga gamit ko?!! Ikaw nga eh, ayaw mong pinakikialaman ko ang mga gamit mo! Luma? Kahit luma yon importante 'yon sakin kase bigay yon ng papa at maa ko! Pati narin ang sapatos na laman non, lahat ng iyon importante sakin kase siya ang nag bigay. Wala na akong ibang alaala sakanya bukod sa mga gamit na mga yon!! Yong basura na sinasabi mo ay parang kayamanan na para sakin! Ang hirap sayo kase hindi ka siguro marunong magpahalaga sa mga bagay-bagay!"

Lumabas ako ng bahay at hinanap yong basurahan nila, tinignan ko yon at nakita ko naman ang bag ko, kahit nadumihan na ay niyakap ko 'yon. Pumasok ako ulit sa bahay at hindi siya pinansin.

Magkaiba naman yong samin hindi ba? Yong kanya ay hinawakan ko lang naman yong litrato pero siya hinawakan na nga itong bag ko at tinapon pa!

Para sakin mas mahalaga yong alala, kaya kahit tumanda man ako hindi ko ito itatapon.

Yong damit ko ay parang nangangamoy basura, basta halo-halo na yong amoy dahil nga don kanina. Naligo ako at nag madali nang pumasok sa skwelahan.

Pagkatapos ng klase ay dumeretso na ako sa bahay namin, hindi yong bahay ni Stephen ah, as in yong sa 'min talaga.

Kakatok na sana ako sa pintuan pero bigla itong bumukas at nakita ko naman si kuya Keil.

"Kuya Keil asan si mama?" Tanong ko ng makapasok ako sa loob ng bahay.

"Si Mama? Nasa kwarto... teka may dala ka na bang pera?" Kita ko yong mata niya ay nakatingin sa bag ko.

"Ahm, oo..."

"Magkano naman?" Tinaasan niya ako ng kilay, napakamot ako rito.

Sasagot na sana ako pero bigla kung narinig ang boses ni mama.

"Oh, nadyan ka na pala, akin na yong pera." Mabilis nitong nilahad ang kamay niya.

"I-Ito po." Binigay ko sakanya yong twenty thousand, akala ko matutuwa siya pero kumunot lang lalo ang noo niya at tinignan ako ng masama.

"Twenty thousand? Ito lang?! Akala ko pa naman mag dadala ng mga one hundred thousand o di kaya million million! Hanep ka den, di ka nag iisip!!" Bulyaw niya sakin kaya napapikit ako ng mariin.

"Aanhin niyo naman ang ganoon ka raming pera?" Tanong ko kay mama kaya mas sinamaan nya pa ako ng tingin.

"Bobo ka ba? Para saan ba ang pera? Syempre para gastosin! Bobo ka talaga kahit kailan!!" Pinalo-palo ni kuya ang ulo ko gamit ang palad.

"Oh, nandyan na pala si Yana, asan na yong pera? Magkano yong dala niya?" Parang exited na exited na tanong ni ate.

"Twenty..."

"Twenty million?"

"Hindi, twenty thousand."

"T-Tang*na? Ba't ang liit?! Akala ko pa naman million ang ibibigay niyang pera!! Walang kwenta ka talaga Yana kahit kailan!" Hinila ni ate yong buhok ko kaya napadaing ako.

"Sige sabunutan mo yan, para mag tanda na ang babaeng yan!!" Galit na sabi ni kuya, napaiyak naman ako dahil sa pag sabunot ni Ate.

"Itigil mo na yan Kelly!" Sabi ni mama kaya medyo nakahinga ako ng maluwag, akala ko maaawa siya sakin pero mukhang hindi... ba't ko pa nga ba naisip yon.

Hinila ni mama ang kamay ko at nag lakad papuntang kusina, kumuha siya ng kutselyo kaya nanlaki ang mata ko at mas kinabahan ako. Ipinatong niya ang kamay ko at mabilis na sinaksan 'yon kamay ko gamit ang kutselyo napahiyaw naman ako sa sakit.

"T-Tama na..." Narinig kung tumawa si ate Kelly at kuya Keil.

Tao ba talaga kayo? Parang sa kinikilos ninyo ay hindi. Pano nyo nagagawa sakin ito??

"Kumuha ka nga ng asin Kelly anak." Saad ni mama, kinuha ko yong kutselyo na nakasaksak sa palad ko at napapikit naman ako ng mariin dahil sa sakit, kita ko yong dugo na tumutulo sa sahig.

Sinubukan kung tumakbo palabas ng bahay pero hinila ni Kuya Keil ang damit ko kaya napunit 'yon at nakita pa yong bra ko.

Ikinalat ni ate yong asin sa sahig, hinawakan Ate Kelly ang buhok ko at pilit na pinaluluhod sa asin.

"Ma...s-sobrang s-sakit na....s-sorry mag d-dadala na ako---"

"Tumahimik ka!!" Sigaw nilang lahat napapikit ako habang napapahikbi ng mahina.

Minulat ko yong mata ko at nakita kung papalapit si Ate Kelly sakin habang may hawak-hawak na gunting.

"A-Ate..." Kinagat ko yong pang ibabang labi ko ng uumpisahan na nyang gupitin yong buhok ko.

"WHAT THE F**K ARE YOU DOING TO HER!!!" Bumilis bigla yong tibok ng puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height