+ Add to Library
+ Add to Library

C2 Her pov

Alyana Perez's Pov.

"Alyanaaaaa!!" Mabilis kung idinilat ang mga mata ko at agad na bumangon.

"B-Bakit po Ma?" Mabilis kung kinusot-kusot iyong mata ko at tinignan si Mama na nasa harapan ko ngayon at may hawak-hawak na damit.

"Diba sinasabi ko sayong labhan mo 'to!? Aalis kami ng mga kapatid mo ngayon! Ano susuotin ko ha!!" Galit niyang sigaw sakin at binato iyong damit sa mukha ko.

"N-Nakalimutan ko Ma, may pinagawa pa kase si Ate Kelly sakin kagabi."

"Nag dadahilan ka pa talaga ha!" Itinikom ko nalang iyong bibig ko. Totoo naman kase talaga, may pinagawa si Ate Kelly sakin kagabi.

"Ang sabihin mo eh, tamad ka lang talaga! Saka anong oras na ba! Ba't hindi ka pa nagluluto?! Di mo ba kami pakakainin?!"

"Mag...m-magluluto na po,"

Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto at sinimulan ko nang mag luto.

Ako lang iyong nag luluto dito sa bahay, ako ang nag lilinis, nag lalaba. Wala silang ibang ginawa dito kundi ang mag utos sakin ng mag utos at sinisigawan, pinapagalitan kapag may mali akong nagawa at kung di ko nagawa ang pinag u-utos nila.

"Hoy, Yana! Asan na ba yong assignment na pinagawa ko sayo kagabi?!" Tanong ni Ate Kelly, Yana ang tawag niya sakin. Yong assignment na pinagawa niya sakin ay sa boyfriend niya, college rin iyong bf ni Ate Kelly, ewan ko ba kung bakit ako nalang lagi ang gumagawa ng assignment non? Wala siguro siyang kamay.

"Nandon po sa kwarto ko Ate." Wika ko at tinignan kung luto na ba iyong kanin.

"Ako pa ba iyong papupuntahin mo sa kwarto mo?! Inuutusan mo ba ako Yana?" Naka crossed arm siya ngayon sa gilid ko at tinaasan ako ng kilay.

"Pero kase may ginagawa pa ako--"

"Hoyy Aly bakit mo nilabhan iyong jersey ko?! Susuotin ko pa 'to ulit e!! Bwesit basang-basa pa 'to oh!" napatingin naman ako kay Kuya Keil. Aly talaga ang tawag niya sakin, si Mama tawag sakin Alyana tapos si Ate Kelly Yana.

"Madumi na kase kaya nilabhan k---"

"Pakialamera ka talaga ano!" Galit niyang sabi at lumapit sakin, wala naman kase siyang sinabi na di ko labhan iyang jersey niya.

Nagulat naman ako ng paluin niya ako sa ulo gamit ang kamay. Muntik namang manudnud iyong mukha ko sa kaldero, kunting-kunti nalang talaga ang layo ng mukha ko doon.

Nako muntik na akong mapaso. Di ko mapigilang di siya matignan ng masama.

"Oh, ano?! Ayus-ayusin mo iyang titig mo sakin ah! Baka gusto mong masapak kita!!"

"Ayieee! Sige na Kuya sapakin muna iyang si Yana, gusto kung makita kong pano mo siya sapakin." Paki-usap ni Ate Kelly, napalunok naman ako.

"Tsk, wag na! Sasakit lang iyong kamao ko. Kelly ikaw nalang, sampalin mo iyan."

"Ano ba yan Kuya! Bagong nail polish 'tong kuku ko eh, siguro bukas nalang o di kaya next week."

"Oh, ano na!? Nakapag handa ka na ba ng pagkain Alyana!!" Sigaw na tanong ni Mama.

"L-Luto na po 'to M-Ma." Natatarantang sabi ko. Kinakabahan ako pag may nagawa akong mali kase alam na alam kung malilintikan talaga ako.

Si Ate Kelly 25 years old na siya, mag kambal sila ni Kuya Keil. Nakapag tapos sila ng pag-aaral pero di sila nag trabaho. Si Ate lagi lang gumagala-gala, sumasama sa mga kaibigan niyang pumupunta sa club at makipag date sa kung sino mang lalaki diyan.

Samantalang si Kuya naman ay laging nakatambay sa basketball court kasama iyong mga kaibigan niya at saka girlfriend niya, minsan ay hindi siya dito natutulog kase nasa bahay siya ng girlfriend niya. Si Mama naman nandito lang sa bahay, minsan pumupunta siya sa kaibigan niya at mahilig rin siyang mag sugal.

Ako nga pala si Alyana Perez, 24 years old. Sinisikap kung makapag tapos ng college habang nag pa-part time job. Ako lang iyong bumubuhay sa kanila, wala nga silang mga trabaho diba, ayaw nilang mag trabaho kase nandito naman daw ako kayang mag trabaho para sakanila.

Lahat-lahat ng gastusin sa bahay ako iyong nag babayad, iyong mga gamit ni Ate at Kuya pera ko ang ginastos don. Sa akin sila humihingi ng pera pag may kailan. Binibigay ko sakanila lahat kahit wala ng matira sa sarili ko, okay lang basta't ba masaya sila sapat na sakin iyon.

Parang tanga ba? Kase hinahayaan ko silang ako ang gumawa lahat? Ano bang magagawa ko eh, di ko kayang pabayaan nalang sila. Kahit ganon ang mga yon, mahal ko sila.

"Ms. Perez, nakikinig ka ba sa klase ko?" Bigla naman akong natauhan ng tinawag ako ni prof.

"H-Huh? Oh, s-sorry prof."

"Class dismiss. Ms. Perez wag ka munang umalis mag u-usap muna tayo." Seryosong wika niya.

Ng buntong hininga nalang ako at tumango-tango. Nagsi-alisan na iyong mga kaklase ko, ako nalang at si prof ang natitira.

Lumapit ako sakanya, kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit niya ngayon.

"P-Pasensya na talaga prof, may iniisip lang kase ako--"

"Sabi ko naman sayo na tawagin mo ako sa pangalan ko pag walang ibang tao, Alyana." Napakamot ako sa ulo.

"Sorry pro... este Xenon."

"Ba't parang na a-awkward ka yata saki huh, grabe ka naman! 2 years lang naman ang agwat natin Alyana, kong mag salita ka para namang matanda na talaga ako." Natatawang sabi niya at mahina pa akong binangga sa balikat.

Hinampas ko naman ang braso niya.

"Nakakalimutan ko lang minsan, pasensya ka na." Natatawa ko ding sabi.

Siya si Xenon Parker, prof namin 26 years old. Actually mag best friend talaga kaming dalawa, boy best friend ko siya.

Siya lang iyong kaibigan ko sa ngayon. Hmm, may kaibigan akong babae nong high school pa ako, wala akong balita tungkol sakanya ngayon basta ang alam ko lang ay nandon siya sa States.

Na mi-miss ko din siya, sobrang bait niya sakin, siya lang iyong nag tatanggol pag may nam-bu-bully sakin.

"Ano may part time job ka na naman ba ngayon?" Kinuha ko iyong libro na nasa table, senenyasan ko siyang ako na ang mag dala non.

Sabay kaming lumabas ng classroom. Di naman kase alam ng mga estudyante dito na ganon kami ka close nitong si Xenon.

Lahat na yata ng classmate kung babae sa room eh, crush 'to. Di ko naman sila masisisi kase gwapo na nga si Xenon, mabait pa at saka gentleman 'yan.

"Lagi naman eh, di ako nawawalan ng trabaho araw-araw di dapat ako mawalan, ano nalang ipapakain ko kila Mama, Ate at Kuya no!"

"Ba't ba kase ikaw iyong naghahanap buhay, may mga paa naman sila at kamay diba? Anong silbi non!" naiinis niyang sabi sabay napailing-iling pa.

Nakita na niya kase kung pano ako utusan ng mga kapatid ko at Mama ko, nasaksihan niya rin 'yong pag sigaw-sigaw nila sakin, binabatukan ako at sinasabunutan. Pinipigilan ko lang talaga siyang wag makialam.

Sinasakal den nila ako, minsan si Mama pinapa-luhod ako sa asin. Si Kuya naman... minsan pag nalalasing bigla-bigla niya nalang akong sinusuntok. Si Ate Kelly naman ay pag may nasisira akong gamit niya o di kaya nagas-gasan ko ang gamit niya ay sinampal niya ako o di kaya sinasabunutan.

"Eh, ayaw nilang mag trabaho kaya ako nalang." sabi ko at pilit na ngumiti sakanya.

"Tsk , ikaw na nga nag papakain sa kanila tapos ikaw pa gumagawa ng gawaing bahay. Palamunin talaga ano, kung bumukod ka nalang kaya sa kanila Alyana? Malalaki na 'yong haft brother at haft sister mo at saka nakapag tapos naman sila ng college. Mabilis silang makakahanap ng trabaho, kayang-kaya na nilang dalawa na buhayin 'yong Mama nila."

"Wag ka namang ganyan Xenon, kahit di ko siya totoong Mama at di ko sila mga totoong kapatid, mahal ko sila. At saka huling bilin sakin ni Papa na mahalin ko sila at ituring na totoong pamilya." Bigla namang nangunot ang noo niya.

"Di naman siguro sinabi ng Papa mo na magpa alila ka sa kanila diba?" napahinto ako at tinignan siya.

"Napag usapan na natin to diba? Desisyon ko 'yon Xenon okay at hindi ko ginagawa 'to dahil nag-pa-pa-alila ako Xenon. Ginagawa ko 'to kase mahal ko sila, nag papakahirap ako dahil sakanila." lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Alam mo namang ayaw lang kitang makitang nahihirapan diba? Para na kitang kapatid Aly." tinulak ko siya kaagad, pinagtitinginan kase kami ng mga estudyante dito, baka ma issue pa kami.

Ang sama-sama pa naman ng tingin nong ibang babae, kitang-kita ko sa mga mata nila ang inis. Halatang-halata na may gusto sila kay Xenon, parang kakainin na yata nila ako ng buhay eh.

"May mga tao oh, saka wag mo nga akong tawaging Aly. Si Kuya Keil lang ang tumatawag sakin ng ganyan." pabulong kong sabi at nag simula na ulit kaming mag lakad.

Nandito na kami sa parking lot.

"Gusto mo bang ihatid na kita?" tanong niya sakin, napatingin ako sa paligid ang daming babae na nakatingin sa amin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height