+ Add to Library
+ Add to Library

C20 Flashback

"Anong ginagawa mo dit--"

"Ako ang unang nag tanong!!" Naramdaman kung may humawak sa balikat ko at pinatayo ako, napapadaing naman ako dahil sa sakit ng tuhod ko at yong kaliwang kamay ko ay nanginginig.

"Kaya ba may mga sugat at pasa ka dahil sa kanila??!!" Galit na tanong sakin ni Stephen. Hindi ko alam kung sakin ba sya galit o sakanila.

"Wag ka ngang makialam dito pare, hindi ibig sabihin na ibenenta na siya sayo ay--" Di na natapos ang sasabihin ni kuya ng malakas syang sinuntok ni Stephen. Nagulat naman sila mama, ate at pati narin ako.

"Shut the f**k up!! Ikaw na rin mismo ang nag sabi ibenenta siya sakin kaya may karapatan ako!!" Galit na sabi ni Stephen at sinuntok ulit si kuya nang akmang susuntukin siya nito pabalik.

"Tumigil na kayo!"

"And you!! Tumahimik ka! Kahit babae pinapatulan ko!" Sabay duro nito kay Ate Kelly.

Hinawakan ni Stephen ang kamay ko pero napadaing ako dahil yon, yong may sugat.

Nanlaki ang mata ni Stephen nang mapatitig sa kamay ko, mukhang ngayon nya lang napansin.

"Pag babayaran ninyo ang ginawa nyo sakanya!! Ayoko nang makita ang mga pag mumukha nyo, sisiguradohin kung walang tatanggap na companya pag nag apply nang trabaho yang dalawang 'yan!! Sisiguraduhin kung mas mag hihirap pa kayong tatlo!" Bigla ako binuhat ni Stephen at lumabas ng bahay, pinasakay niya ako sa kotse nya.

"A-Ayokong pumunta sa hospital." Nanginginig kung sabi at sinandal ang ulo sa bintana.

Alam ko kung saan nya ako dadalhin... ayoko ko talaga sa hospital. Naaalala ko si papa at mama pag nandon ako.

Nakarating na kami sa bahay niya at mabilis niya akong pinaupo sa gilid ng kama nya. Kumuha sya ng mga gamit pang gamot.

Pagkatapos nya akong gamutin at lagyan ng bandage ang kamay ko ay tumingin siya sakin ng matalim.

"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong nito sakin, napaiwas naman ako ng tingin sakanya dahil naramdaman kung may namumuuong luha sa mata ko.

"Matagal na ba nilang ginagawa 'yon sayo?" tanong niya ulit sakin.

Oo, matagal na since second year highschool ako, don nag simula kase first year nong highschool ako nong namatay si papa.

(Flashback)

13 years ago

Napahinto sa paglalakad ng marinig kong may tumatawag sakin. "Alyana anak!" Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si papa na papatakbong pumunta sa gawi ko.

"Bakit pa?" Takang tanong ko.

"San ka ba pupunta?"

"May pinapabili kase si mama, may kailangan po ba kayo?"

"Sige mamaya nalang, dalian mong bumili." Ngumiti siya sakin kaya ngumiti rin ako.

Nag punta na ako ng tindahan at binili ang pinapabili ni mama sakin. Pagbalik ko ay nakabihis silang apat, mukhang may lakad yata.

"Mag bihis ka na don Alyana, pupunta tayo ngayon sa mall para mamasyal." Masayang wika ni mama kaya napangiti ako at mabilis na nag tungo sa kwarto ko para magbihis.

Natapos na akong magbihis kaya umalis na kami. Tama 15 nga pala ngayon, sweldo ni papa.

"Yana! Tignan mo oh, ang cute nong hairpin." Napalingon ako sa hairpin na tinuro ni Ate Kelly at napangiti kase ang cute nga pero yong price ang pangit. Maliit naman yong hairpin pero bakit 149 pesos? Ang mahal naman yata.

Hinawakan ni ate ang kamay ko at kumuha ng isang hairpin, tumakbo kami sa gawi papa at mama. "Papa!" Sabay silang lumingon saming dalawa.

"Hmm?"

"Bilhin mo naman ako nito oh." Pinakita ni ate yong hairpin.

"Gusto mo rin ba nyan Alyana?" Tanong ni papa na ikinangitu ko at tumango.

"Magkano ba yan?" Tanong ni papa at nong sinabi ni ate yong presyo ay napakamot si papa sa batok niya.

"Kelly, anak... naka badget na kase ang pera ni papa, isa lang ang mabibilhan ko nyan." Wika ni papa at tumingin sakin. "Ayos lang ba kung si Alyana muna ang bibilhan ko? Pangako sa susunod na sweldo ko ikaw naman ang bibilhan ko nyan." Dagdag pa nito.

Kita kong ngumiti si ate ng mapait. "Pa, okay lang sakin kung si ate muna. Hindi ko naman kailangan yan." Saad ko at tumingin kay ate.

"Hindi, okay lang Alyana." Sabi niya at umiwas ng tingin.

Ayos lang naman talaga sakin eh.

_

Nandito kami ngayon sa palengke, bibili daw si papa nang ulam. Si ate at kuya ay panay ang tingin don lalaking nag hihiwa nang malalaking isda, naglakad-lakad muna ako palayo sakanila at muntik na akong matumba dahil sa sintas ng sapatos ko. Yumuko ako at inayos ito, nagulat ako ng biglang may lalaking nadapa at nanlaki ang mata kong may kung anong nahulog sa bag niya.

"D-Drugs ba yan?" Wala sa sariling tanong ko.

Kinabahan ako bigla ng hinila nong lalaki ang kamay sabay tumayo, pinatalikod niya ako sakanya at parang sinasakal ang leeg ko gamit ang braso nito.

Mas nanlaki ang mata ko nang inagaw niya yong kutselyo nang naghihiwa ng isda at itinutok iyon sa leeg ko.

"S-Sige! Subukan nyong lumapit, papatayin ko ang batang ito!!" Pasigaw nitong saad sa mga pulis. Hinahabol yata siya ng mga ito, may dalawang pulis sa harapan namin ngayon at nakatutok ang baril nila sa lalaking nasa likuran ko.

"Alyana!"

"Papa!" Hindi ko na mapigilang hindi mapaiyak habang nakatitig kay papa mula sa malayo.

"Pare huminahon ka, wag mo naman idamay yong bata." Mahinong wika ni papa at unti-unting humakbang papalapit samin.

"Isang hakbang pa tutuluyan ko na to." Banta niya kaya napahinto si papa.

"Ibaba niyo yang mga baril ninyong dalawa kong ayaw nyong mamatay itong bata!" Pansin ko ang mga tao sa palengke ay nag aalalang nakatingin sakin at naaawa pa.

Sinunod nong dalawang pulis yong sinabi ng lalaki habang si papa ay masamang tumingin don sa dalawa. "Ano wala ba kayong balak na iligtas yong anak ko!!" Galit nitong sabi.

"Huminahon lang kayo sir, baka may mangyari pang masama sa anak ninyo."

"Huminahon!? Kong yong anak niyo kaya ang nalagay sa ganyang sitwasyon, tignan lang natin kong di ba kayo magagalit pag may nagsabi sainyo nyan!!"

"Hayaan nyo lang akong umalis, walang mangyayari sa bata." Tinignan ko si papa sa mata at parang may kung ano siyang sinasabi sakin at parang na gets ko naman iyong ibig niyang sabihin.

Dahan-dahan kong hinawakan yong kamay nong lalaki na nasa leeg ko at kinagat iyon kaya nabitawan nito ang kutselyo, agad akong tumakbo sa gawi ni papa.

Agad ko siyang niyakap at ramdam kong nakahinga siya ng maluwag, niyakap din ako nila mama, ate at kuya.

Tinignan ko yong lalaki na ang sama ng tingin sakin habang nag pupumiglas pang makawala sa dalawang pulis.

Naunang naglakad silang tatalo habang ako at si papa ay nasa likuran.

"Bwesit na bata ka!!" Nagulat ako sa sigaw na iyon kaya napalingon kaming lahat at parang bumagal yong pangyayari nang tinulak ako ni papa sa gilid at sunod non ay ang putok ng baril.

Unti-unti na namang tumulo yong luha ko habang napatitig sakanya. "Pa..." Nanginginig ang kamay kung lumapit sakanya ng matumba siya. Mas lalong tumulo ang luha ko nang makitang dumudugo yong tyan niya, dali-daling lumapit sila mama samin at humingi nang tulong.

Nang makarating kami sa hospital ay maraming nawalang dugo sakanya kaya hindi na siya nabuhay.

"Tumingin ka sakin! Tumingin ka sa mga mata ko Alyana!" Sigaw ni mama at hinawakan ang panga ko, pilit niyang hinaharap sakanya.

Kakatapos lang ng libing ni papa at nandito na kami ngayon sa bahay. Sila ate at kuya ay rinig ko pa ang iyak nila mula dito sa sala.

"Alam mo ba kung sinong may kasalanan nito lahat huh?! Ikaw!" Mas hinigpitan pa niya ang pagkakawak sa panga ko kaya napadaing ako at napaiyak nalang dahil sa sakit.

Biglang lumabas si ate sa kwarto ko at mabilis na naglakad sa gawi ko. "K-Kasalanan mo to lahat Yana! Bwesit ka talaga, p-pinatay mo si papa!!" Hinila niya ang buhok at pinabayaan lang yon ni mama.

Kita kong malapit nang tumulo yong luha niya pero agad niya itong pinahiran.

(End of flashback )

Biglang sumikip yong dibdib ko ng maaalala ko iyon.

"Look at me Alyana, tell me." Hinawakan niya ang pisngi ko at pilit na pinaharap ako sakanya. Di ko naman mapigilang hindi mapahikbi.

"S-Since highschool, s-sinasaktan na n-nila ako." Pag amin ko sakanya.

Niyakap nya ako nang mahigpit. "Bakit naman nila ginagawa 'yon sayo?"

"B-Basta ang alam ko lang ay a-ayaw nila sakin, galit sila sakin..." Di ko mapigilang hindi mapahikbi.

Siguro kong nandon lang ako sa tabi ni papa at mama, kung di lang ako nagpakad papalayo sakanila di siguro mangyayari yon. Galit sila sakin kase sinisisi nila ako sa pagkamatay ni papa, sa tingin nila kasalanan ko, na ako ang pumatay kay papa.

Okay naman sila nong buhay pa si papa, mabait sila sakin nang panahong kasama pa namin siya pero ngayon, ibang-iba na... kasalanan ko naman lahat ng iyon, sadyang malas lang talaga ako. Namatay na nga si mama dahil sakin tapos pati si papa, ang malas ko diba. Feeling ko lahat ng nagmamahal sakin nawawala, yong unang naging kaibigan ko, hindi siya namatay pero umalis naman at di na kami nagkita.

Natatakot nga ako kase baka balang araw iiwan din ako ni Xenon.

"Ngayon ko lang alam na may mga magulang at kapatid den pala na nagagawang saktan--"

"Hindi ko sila tunay na kapatid at hindi ko siya tunay na ina."

"So, nag asawa pala ulit ang papa mo at ang napangasawa pa nya ay napakasama pala ng ugali, siya yata yong stepmom ni Cinderella eh!" Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Bakit ka nga pala nandon?" Tanong ko nang huminahon na ako. Kanina ko pa talaga gustong itanong kung pano siya nandon.

"Sinundan kita." Tanging sabi niya.

Kumawala ako sa pagkakayap sakanya at tinignan siya sa mata.

"Why?" Nagtatakang tanong ko, bakit niya naman ako susundan?

Parang nag dadalawang isip pa siya kung sasabihin niya sakin o hindi.

"A-Akala ko kase may ibang lalaki ka."

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height