+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Her family

"Ah, hindi na po prof. Mag lalakad nalang ako."

"Okay, sige sabi mo, eh." nakangising saad niya at umiiling-iling pa. Ayaw niya rin kase talagang tinatawag ko siyang prof.

***

Ang suot ko ngayon ay palda, saka naka long sleeve lang. Ganito naman ako lagi pag nag ta-trabaho, I mean kapag nag babantay ako kay Nash. Di naman siguro ako pagtitinginan dahil sa suot ko diba? Ito kaseng hotel na 'to ay parang mayayaman lang yata ang pumapasok dito.

This place is not for me, what I mean to day is hindi ako bagay sa ganitong lugar.

Pumasok na ako sa loob. Hinanap ko 'yong room na sinasabi ni Madam Nessy. Si Madam Nessy ang Mama ng batang ina-alagaan ko, este parang babysitter niya ako ganon binabantayan ko ang anak niya. Sobrang kulit kase nong anak niya kaya kailangan talaga ng bantay, kahit di naman masyadong umaalis 'yong Mommy niya. Ewan ko ba kung babysitter o Yaya tawag sakin? Minsan kase nag lilinis din ako sa bahay nila ganon... hmm di bale na nga lang, di ko na dapat isipin 'yon. Ang importante ay may trabaho ako.

Na-a-aliw den naman ako don sa bata, ang cute-cute niya kase at tinatawag pa akong Ate Alyana. Ang sarap sa feeling na tawagin kang Ate. Siguro kung ako may bunso ay mamahalin ko talaga at aalagaan, hindi ko ipaparanas sakanya 'yong pinaparanas ni Ate at Kuya sakin.

Saka gustong-gusto ko si Madam Nessy kase ang bait-bait niya sakin. Pag si-ni-sweldohan niya ako ay sino-sobrahan pa niya. May iba den akong trabaho nag e-extra-extra ako sa titindahan o kahit pag lalaba. Kahit anong trabaho pinapasokan ko...

Ah... eh, except lang sa pag bibinta ng katawan ah! Mamatay man ako sa gutom o sa hirap di ko talaga gagawin 'yon sa sarili ko.

Tama na kaya 'to? Di ko masyadong maaninag 'yong number sa ibabaw ng pinto. Medyo di kase malinaw 'tong mata ko, nasira na rin kase 'yong salamin ko. Wala pa akong pambili ng bago este wala naman talaga ako ng balak na bumili kase aksayan lang 'yon ng pera, mas mabuti pang ipambili ko 'yon ng pagkain namin sa bahay, mabubusog pa sila Kuya, Ate at saka si Mama.

Kakatok na sana ako kaso naalala ko na sabi ni Madam na wag na daw akong kumatok, pumasok na daw ako deretso. Binuksan ko yong pinto at na bukas naman sya.

May nakita naman akong lalaki...wait, bakit biglang lumaki si Nash?

Si Nash yong batang babantayan ko, 10 years old lang yon...pero bakit yata lumaki sya bigla? Tapos may kasama pa syang babae? Teka si Madam Nessy bayan? Ba't bumata yata ang mukha nya...

Waitttt!!

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko...

"AHHHHH!!!" sigaw ko nang mapagtanto na nakahubad pala yong lalaki.

'Teka sino ba sya?' natataranta kung tanong sa isip ko. Dali-dali kung tinakpan yong dalawang mata ko.

"N-Nag sho-shooting kaya sila ng bold?" tanong ko sa sarili. First time kung makakita ng ano...basta yong ano nang lalaki. Tapos yong babae ay nakahubad den.

Grabe di ko akalaing makakakita ako ng live, shems di ko naman pinangarap na makakita ng ganito.

So maling kwarto pala nabuksan ko? I mean maling kwartp ang napasukan ko.

Ang tanga-tanga mo naman Alyana, dapat kase tinignan mo ng mabuti eh! Kahit gustong-gusto ko talagang bumili nang salamin pero di talaga pwede, sayang yong pera.

"Hey wala ka bang planong umalis? Kita mo bang nakaka-distorbo ka?!" dinig kung sabi nong babae, siguro mag jowa sila o di kaya mag asawa…ay este sa eksena siguro, nag sho-shooting sila diba.

Agad naman akong tumayo.

"Sorry po, pasensya na, pasensya na hindi ko sinasadya." sabi ko at nag bo-bow pa sakanila. Napakagat ako ng labi, pasensya na na-estorbo ko kayo. Umatras ako.

"Sorry talaga pwede nyo na pong ipag-patuloy direk." dagdag ko, bago sinira yong pinto. Napahawak ako sa dibdib ko ang lakas ng kabog nang puso ko.

Nag sho-shooting sila pero para yatang sila lang dalawa ang nandon sa kwarto? Ah baka nakatago ang camera man at si direk?! Or siguro sila lang talagang dalawa, nag vi-video siguro sila tapos ibebenta yon? Mag kano kaya kikitain nila?

Napailing-iling naman ako sa iniisip ko.

"Gaga ka ba Alyana?! Kahit anong mangyari wag kang gagawa ng ganon okay! Maraming trabaho ang pwedeng mong pasukan, maraming paraan para magka-pera ng hindi ginagawa ang bagay na 'yon!" mahinang ani ko at sinampal ang sarili kung pisngi, napadaing naman ako. Ang sakit ko namang manampal.

"Oh Alyana nandito kana pala." Napatingin ako sa kakalabas lang sa isang kwarto, si Madam Nessy!

Napatingin ulit ako don sa kwartong napasokan ko kanina, magka tabi lang pala yong room.

Ngumiti naman ako sakanya at lumapit. "Asan po si Nash, madam Nessy?"

"Nandon sa loob, laro parin ng laro. Kanina ka pa nga iniintay." Sabi nya, napangiti naman ako. Mahilig talagang mag laro si Nash.

"Ano nga po pala ginawa nyo dito sa hotel Madam Nessy?"

"Yong sir mo kase e may ka meeting dito," meeting? Sa hotel?

Napakamot ako sa ulo. "Ahh." Tumango-tango ako. May ganon pala nag m-meeting tapos sa hotel? Iba talaga pag mayayaman.

"Sige maiiwan muna kita dito, bantayan mo si Nash ah."

"Opo Madam." Sagot ko.

"Hi Ate Alyana."

"Anong ginagawa mo Nash?" Tanong ko at lumapit sakanya parang may ginuguhit sya sa papel.

"I want to draw your face Ate Alyana." Ngiting sabi nya at binaling ulit ang tingin sa ginagawa nya.

"Yes! I'm done maganda ba Ate." Binigay nya sakin yong papel na may drawing.

"Wow...pfft....ang ganda ah magkamukha kami." Pinipigilan kung hindi matawa sa drawing nya hindi naman sa nanlalait ako pero as in nakakatakot yong drawing nya. Alam nyo ba yong parang kalansay lang na drawing ganon yong sakanya....so para pala akong kalansay?

"Sabi mo na maganda yong drawing ko pero bakit iba yong sinasabi nang mukha mo Ate Alyana? Pangit ba yong drawing ko?" Malungkot nyang tanong.

"No Nash, maganda yong drawing need lang nang improvements. Bata ka pa at marami ka pang matututunan." Paliwanag ko.

"Ikaw Ate Alyana marunong ka bang mag drawing?"

"Heheh hindi ako marunong mag drawing Nash, katulad lang din yong mga drawing ko sa drawing mo. Mga kalansay lang kaya ni Ate e draw." Saad ko at tumawa naman sya.

Nang matapos ko nang bantayan si Nasha ay umuwi na ako sa bahay.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising lumabas muna ako ng kwarto para mag banyo.

Pag pasok ko sa kwarto ay nakita ko si Ate Kelly na parang may hinahanap. "Oh Yana nandyan ka na pala, pa hingi nga ng pera, may bibilhin ako."

"Anong bibilhan nyo po Ate Kelly?" Tanong ko bigla namang kumunot yong noo nya.

"Ba't mo pa tinatanong?! Kung bigyan mo nalang kaya ako ng pera dyan! Daldal ka pa ng daldal nag mamadali yong tao!!"

"Magkano po kailangan niyo ate?"

"1000."

"Ho?" Gulat kong tanong.

Patay, 1000 lang den yata iyong natitira sa pera ko.

"Bingi ka ba?! Sabi ko 1000, ambobo!"

Sigaw niya sakin.

"Eh, 1000 narin iyong natira sa pera ko Ate at saka wala na akong pamasahe papuntang school Ate Kelly." Saad ko, napakagat ako sa labi ng tinignan niya ako ng masama.

"Ba't ka pa kase mag-aaral! Ano bang silbi niyan, kung mag trabaho ka kaya ng maayos para may maibigay ka saamin!"

"Nag t-trabaho naman ako ng m-maayos eh."

"Sumasagot ka pa talaga ah!" Galit niyang sabi.

Nagulat naman ako ng sabunutan niya ako at kinaladkad palabas ng kwarto ko.

"Ate tama na, ang sakit na nang buhok ko!" Hinawakan ko iyong kamay niya at pinipilit na inaalis 'yon.

"Ano bang nangyayar-- oww nice gusto yata iyong nakikita ko ngayon ah! Go Kelly kaya mo 'yan, kalbuhin mo si Aly ah." Kinagat ko iyong pang ibabang labi ko, pinipigilan kung hindi maiyak.

Pinapanood lang ako ni Kuya Keil na sinasabunutan ni Ate Kelly. Ganito naman sila lagi, di nila ako tinuturing na kapatid.

"Ano bayan Kelly?!" Biglang dumating si Mama.

"Ito kaseng si Yana eh! Di ako bibigyan ng pera!!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height