+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Tonight

"Bibigyan naman kita eh, kaso 1000 iyong hinihingi mo. 1000 lang den talaga iyong natira sa pera ko." Naiiyak kung sabi sakanila hindi pa naman ako nakakabayad ng kuryente dito sa bahay.

"Oh, kita niyo sinasagot-sagot ako Ma, Kuya!!"

"Ba't kase di mo nalang ibigay iyong pera sa Ate mo Alyana." Malamig na wika ni Mama. Di ko naman inaasahan na ipag tatanggol ako ni Mama, kahit kailan di niya naman ako pinagtatanggol.

"Nag titipid den kase ako Ma, malapit narin kase ang bayarin ng kuryente sa bahay." Paliwanag ko.

"Parang pinapamukha mo yata samin na wala kaming kwenta ah!!" Galit na sabi ni Kuya Keil, kinabahan naman ako ng nag lakad si Mama palapit sakin.

"W-Wala n-naman akong sinasabi ng g-ganyan K-Kuya Keil."

Nanlaki ang mata ko ng hinila ni Mama iyong buhok ko at kinaladkad papasok sa kwarto ko.

"Kelly kumuha ka ng asin!!" Agad na tumulo iyong luha ko sa sinabi ni Mama. Alam ko na iyong gagawin niya.

"Okay sure, sandali lang."

"M-Ma, parang awa niyo na, may t-trabaho pa ako mamaya saka m-may klase pa ako n-ngayon." Pag mamakaawa ko, lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya.

Di ko na mapigilang hindi maiyak, nanginginig ang mga kamay at tuhod ko habang tinitignan ako ng malamig ni Mama. Malakas niyang winaksi niya ang kamay ko.

"Anong oras iyong trabaho mo?"

"1... 1:00 p-pm, Ma." Paos kung sagot.

Dumating na si Ate Kelly na may hawak-hawak na garapon, asin ang laman non.

"Oh, ito na iyong asin ma." Agad na kinuha ni Mama iyong asin, binuksan niya 'yon at ikinalat iyong asik sa harapan ko binuhos niya 'yon lahat.

"Lumuhod ka dyan mismo!"

"M-Ma..."

"Sinabing lumuhod ka dyan Alyana!!!"

Nanginginig akong tumayo at unti-unting lumuhod doon. Ramdam ko iyong hapdi ng tuhod ko, ramdam ko iyong pag baon, sobrang hapdi dahil sa asin.

"Makakatayo ka lang dyan pag 1:00 pm na, di ka papasok ngayon sa skwelahan!! Naiintindihan mo?!!"

"P-Pero ma m-may report kami ngay---" di ko na natapos ang sasabihin ko.

"Wala akong pakialam sa kung anong meron dyan sa report-report na 'yan!! Dapat kase di ka na nag aral, wala ka namang mapapala dyan! Ano bang ginawa pagkatapos mag-aral, diba trabaho?!"

"M-Mas maganda naman k-kase iyong may p-pinag aralan ka."

"Yayaman ka ba dyan sa pinag-aaralan mo!? Ako hindi ako nakapag tapos ng pag aaral! So sinasabi mo bang wala akong pinag-aralan!!"

"D-Di ko n-naman sinasabi yon m-ma--" bigla niya akong sinampal ng napakalakas-lakas sa pisngi.

"Kapag narinig pa kitang nag salita, di lang 'yan ang aabutin mo sakin!!" Sabi niya at umalis.

"Ito ba iyong bag mo? Hmm, ito nga tapos nandito den iyong 1000. Wala ka nga palang pitaka no? Di mo ba afford? Gusto mo ibili kita little sister?" Mapang asar akong tinignan ni Ate Kelly. Di ko nalang siya pinansin at pumikit nalang sa sobrang sakit ng sampal ni Mama sakin, dumagdag pa iyong sa tuhod ko.

***

"Oh, Alyana na pano iyang tuhod mo?" Tanong ni Madam Nessy sakin.

"A-Ah nadapa po kase ako kanina."

"Sigurado ka?"

"Opo, sigurado po ako." Sabi ko at pilit na ngumiti sakanya. Napadaing naman ako nang kaunti ng biglang naramdaman kung humapdi iyong sugat, namumula pa ang tuhod ko. Di ko pa din kase nagagamot 'to hinugasan at saka sinabonan ko lang 'to.

Dumugo 'to ng kaunti kanina, tapos bakas pa iyong pagkabaon ng asin ang sakit-sakit pa kase sa balat ko pa yata natunaw iyong asin.

"Sabihin mo lang sakin kung masama ang pakiramdam mo ha? Namumutla ka kase oh." Saad niya.

Ngumiti ako ng malawak sa kanya para ipakitang okay lang ako.

"Hindi naman masama ang pakiramdam ko Madam, okay lang ako." Masiglang sabi ko. Hindi na ako nakapasok sa skwela dahil nga ayaw akong patayuin ni Mama kanina. Wala akong kalaban-laban sakanila kase sa bahay sila ang nasusunod.

"Ate Alyana, let's play!" Aya ni Nash sakin at hinila-hila iyong laylayan ng palda ko. Naka palda lang ako na lagpas kaunti sa tuhod, masakit kase pag nag pantalon ako.

"Okay, sige ba."

"Sige, mag laro muna kayo ng Ate Alyana mo, aalis lang muna saglit si Mommy."

"San ka punta Mommy?"

"Sa kusina." Sagot ni Madam Nessy.

Napatawa naman kaming dalawa ni Nash.

"Akala ko kung san ka pupunta kusina lang pala." Mas natawa ako sa sinabi ni Nash.

Ang cute niya talaga. Nag-aaral na naman si Nash grade 4 na siya, vacation kase nila ngayon kaya walang pasok.

Unang kita namin ay sa playground umiiyak siya kase di niya alam kung na saan ang mommy niya at 'yon nga pinatahan ko siya at sinamahang hanapin ang mommy niya. Don kami nagsimulang maging close at kinuha na din ako ng mommy niya bilang Yaya kase gusto rin naman akong makita ni Nash palagi.

"Alyana, ito nga pala ang sweldo mo ngayon." Sabay ibinigay ni Madam Nessy sakin ang pera.

"Salamat po Madam Nessy, maraming salamat p-- ahm Madam sobra yata iyong perang binigay nyo." Saad ko ng mapansin na sobra iyong pera.

"Sayo na yan, bonus ko iyan sayo." Di ako tatanggi blessings 'to at saka kailangan na kailangan ko itong pera ngayon.

"Salamat po!" Niyakap ko siya dahil sa sobrang saya.

"Teka ba't ang init mo yata Alyana." Hinawakan ni Madam Nessy ang noo ko.

"Kaya pala namumutla ka eh, kase may lagnat ka!" Giit niya, ngumiti lang ako sa kanya at dumistansiya ng kaunti.

"Okay lang naman po ako Madam, wala lang po 'yan." Di dapat ako magpa talo sa lagnat na ito. Hindi dapat ako lagnatin ngayon eh, kase madami pa akong dapat na gawin at pano ko magagawa iyon kung masama ang pakiramdam ko diba?

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong napayuko ng makitang nasa harapan ng pinto si Mama ngayon.

"Sumama ka sakin." Hinila niya yong kamay ko.

"S-San tayo p-punta ma?" Utal kung tanong.

Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari sakin.

"Mag ta-trabaho ka!"

"H-Ha? P-Pero alas 9 na ng gabi ma, at saka kailangan kung mag review kase malapit na iyong exam nam--" Tinignan nita ako ng masama kaya di ko na tinapos iyong sinasabi ko.

"May pag mamay-aring bar iyong bago kung kaibigan!"

Bar? Yan ba iyong may mga babeng nag sasayawan??

"Sinabi kung pag ta-trabaho-in kita don, binigyan na niya ako ng pera bilang kapalit." Kapalit? Diba dapat advance payment nalang...

"P-Pero---"

"Wala nang pero-pero Alyana!! Nagamit ko na iyong pera kanina! Saka may napag-usapan na kami!"

"San mo ginamit iyong pera ma?"

"Pinang sugal ko at naubos, minalas lang. Kaya ikaw ayusin mo iyong trabaho mo don para magka pera ka!" Lagi niya nalang sinusugal pag magka pera siya, tapos lagi namang talo.

Dapat kase pinambili nalang 'yon ni Mama ng ulam o di kaya dagdag ipambabayad sa mga bayarin sa bahay, sayang naman kase iyong pera kung isusugal lang.

"A-Anong klaseng trabaho?"

"W-Waitress ka don... oo tama-tama waitress ka lang naman don." Nakahinga ako ng maluwag kase waitress lang pala. Akala ko ang gagawin ko don ay mag sasayaw sa gitna.. Iyong mga ganoong trabaho.

_

Lahat ng costomer dito eh, puro lalaki, iyong iba ay may edad na. May mga babae namang sumasayaw, iyong ibang babae ay nakakandong sa lalaki at may nakikita den akong nag hahalikan. Napapaiwas nalang ako ng tingin. Grabe ang mga babae dito ang hahalay ng mga suot.

Mag iisang oras na yata ako dito. Minsan iyong mga lalaki kinikindatan ako pero di ko nalang pinapansin.

"Hey, Alyana!"

"Ma'am?"

"What the-- why are you still wearing that clothes?! Di vale na nga lang! By the way, give this order to that man." She pointed at the old man who’s wearing a business suit. I guess he’s rich, just by looking at him.

"Bilisan mo baka mainip yan at lumayas!" Bulyaw nito sakin.

Kinakabahan akong nag lakad patungo sa lalaking iyon at inilagay iyong order niya sa table.

“Hey, baby girl, you look different from them but still you look beautiful and sexy." Nagulat ako ng hilain niya ang kamay ko at pina-upo sa lap niya.

Napatingin ako don sa babae at lalaki na naghahalikan, naka-upo pa sa lap ng lalaki iyong babae. Dahan-dahan naman akong napailing. Hindi ito pwedeng mangyari sakin, please lang.

"T-Teka... ahm..." Mas kinabahan ako ng bumulong siya sa tenga ko.

“Wanna come with me tonight? I’ll double the payment if you want to to."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height