+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Xenon

Hindi talaga masyadong matanda si Stephen, siguro kaseng edad lang sila ni Xenon.

Siguro mas okay nang siya ang nakakuha ng pagkababae ko kesa naman don sa matanda diba? Mas pag sisisihan ko talaga yon. Pero baka magkasakit ako? Diba f**kboy yon?

"Ambobo mo talaga kahit kailan Alyana!!" Sabay tinulak-tulak niya ang ulo ko gamit ang hintuturo.

"Oh, kamusta yong gabi nyo?" Tanong ni ate Kelly na kakalabas lang yata ng kwarto niya. Ang totoo nyan eh, ang kwartong tinutulugan ni ate ay kwarto ko talaga noon. Simula nong namatay si papa ay parang nag bago ang lahat, simula kase non eh, naging iba ang trato nila sakin.

"Anong pinagsasabi mo Kelly?" Tanong ni kuya Keil nakakarating lang, sa bahay ng jowa na naman siguro siya natulog kagabi.

Nilapitan ni ate, si kuya at kumapit sa braso nito. "Oh, kuya di mo pala alam kase di ka dito natulog kagabi. Alam mo ba na may nakaano si Yana kagabi."

"Owws talaga? Sino naman ang lalaking papatol kay Aly?"

"Matanda daw pfft, imaginen mo nga yong nakipagtalik sya sa mas matanda pa sakanya, eww nakakadiri diba Kuya?"

"Oo nga, so ano bayan plano mo bang maging bayarang babae Aly??"

"H-Hindi ah," Tanggi ko, wala naman akong balak na maging ganon.

"Bumalik ka don!!" Sigaw na Mama sakin kaya nagulat ako.

"S-Saan?"

"Sa bar!! Wag na wag kang uuwi dito hanggat wala kang dalang pera! Pagkatapos mong magka pera don sa bar bumalik ka ulit don sa matanda, wag mong kalimutan na pag mamay-ari ka na niya kaya don ka na titira sa bahay nya."

"M-Mama naman, m-may klase pa ako ngayon at k-kailangan kung mag t-trabaho m-mamaya kela Madam Daley saka hindi na ako babalik don sa lalaking 'yon..." Nanginginig kung sabi.

"Mas malaki ang kikitain mo don kesa jan sa pinapasokan mong trabaho Alyana!! Isang gabi pwede ka nang magkapera ng million hanggat magustuhan ka nang lalaki!"

"Ma," Di ko mapigilang hindi umiyak.

"Di ka talaga makikinig sakin?!!" Matigas nyang sabi.

"Gusto mo yatang putulin ko yang mga daliri mo para di ka na makapag sulat!!"

Lumuhod ako sa harapan nya at habang napapahagulgul sa pag iyak.

"Ma please, nag mamakaawa ako sayo."

"HINDI KA BA TALAGA MAKIKINIG SAKIN ALYANA!!"

"A-Ayaw kung bumalik don Ma,"

"Anong sabi mo??!!!"

"AYOKO NANG BUMALIK DON!!" Sigaw ko habang yong luha ay patuloy paring umaagos.

Mas napaiyak ako ng lumapit si Ate Kelly sakin kaya napaatras atras den ako, ang sama-sama ng tingin niya sakin ngayon.

"Sinong may sabi sayong pwede mong sigaw sigawan ang mama ko ha!!!" Sigaw niya sakin at hinila-hila ang buhok ko.

Mama ko rin naman siya ah!

"Hay sige, mauna na muna ako sa kwarto ko, matutulog nalang muna ako. Sige ma, Kelly punta na ako sa kwarto kayo nalang ang bahala dyan sa babaeng yan." Wika ni kuya Keil at pumasok sa kwarto niya.

"Turuan mo ng leksiyon ang babaeng yan!" Galit na sabi ni mama at lumabas ng bahay.

"Hoyyy! Tumingin ka nga sakin!" Saad ni Ate Kelly kaya dahan-dahan naman akong tumingin sakanya, hawak-hawak niya parin yong buhok ko.

Mabilis niya akong sinampal sa magkabilang pisngi kaya napaupo ako sa sahig. Mas napahagulgul naman ako sa pag iyak.

"Para yan sa pag sigaw mo sa mama ko!!!" Hinila niya yong damit ko kaya napatayo ako at sinampal ulit ng napakalakas sa pisngi.

"Para yan sa pag sagot-sagot mo!!" Hinawakan niya ang buhok ko at hinila papuntang banyo, kumuha siya ng palanggana at pinuno 'yon ng tubig.

Hinila niya yong buhok ko at itinulak yong ulo ko sa tubig, napahawak ako sa kamay niya at pilit na inaalis 'yon, hindi ako makahinga.

Hingal na hingal naman ako ng binitawan na niya ang buhok ko. "A-Ate t-tama n-na." Makaawa ko sakanya.

Pinalo niya naman yong ulo ko gamit yong tabo.

"Ate?! Pfft ate ulol! Wag mo nga akong tawagin na ate kase nandidiri ako sayo!! Di naman tayo magkapatid kaya wag mo akong tawagin na ate, wala akong kapatid na pokpok!!"

"Oo nga pala, wala pang sinaing at hindi pa nahuhugasan yong plato dahil hindi ka umuwi kagabi! Ano masarap ba??! Nasarapan ka siguro ano!?" Hindi ko siya sinagot, umiyak lang ako ng umiyak.

"Hindi ka ba titigil sa kakaiyak?!!" Napatakip ako ng bibig para hindi ako makaimbento nang kong anong ingay.

Nanginginig naman yong kamay kong hinawakan yong noo ko, pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo.

Dahil siguro to sa kanina, yong pag untog ni Ate sa noo ko sa pader.

"Hayst!! Alam mo nakakasakit ka talaga sa ulo!!" Iritang sabi nito bago umalis.

Napatingin ako sa palanggana na may tubig, nakikita ko yong sarili ko doon pero hindi gaanong malinaw, nakikita kung tumutulo ng kaunti yong dugo na nasa noo ko.

Nag hilamos nalang ako pagkatapos ay nag luto at saka nag hugas ng plato.

Kinakabahan ako, nandito ako sa harapan ng kwarto ni ate, kumatok ako ng mahina. "A-Ate Kelly n-nakaluto na ako ng p-pagkain."

Mabilis naman siyang lumabas, inirapan niya ako at bingga yong balikat ko.

"Kuya halika na kain na tay---- putangina!! Ba't isda yong ulam dito?"

"W-Wala kase akong pera pambili ng ulam ngayon, nakita ko lang yan dyan sa lamesa at ininit ko lang."

"Eg, ito yong ulam namin kagabi!! Nakipaglandian ka pa kase, ayan tuloy wala kaming masarap na ulam bwesit!!" Inis niyang sabi at itinapon yong isda sa sahig.

"A-Ate sayang naman---"

"Ano?!!! Kung gusto mong kainin yan sige kainin mo mag isa!! Mabuti pa ngang bumalik ka don sa bar katulad ng sabi ni Mama o di kaya don sa matanda, manghingi ka nang pera at sana naman yong mas malaki huh!"

"M-May klase ako ngayon 9:30 am, A-Ate Kelly." Utal kung sabi, napakagat ako ng labi.

"Kung wala ka bang klase pupunta ka don?!!"

"H-Hindi." Iling kung sabi, nilapitan niya naman ako at malakas na sinampal sa magkabilang pisngi.

"Ambobo mo talaga kahit kailan!! Sinabing wag ka nang pumasok sa pesteng skwelahan na yan!! Argg!! Bwesit ang sarap mong sakalin!!"

"Lagyan mo ng utak yang ulo mo sa susunod!" Saad niya at tinulak-tulak pa yong noo ko gamit ang hintuturo.

Sa tingin niya ba mabubuhay ako kung walang laman na utak yong ulo ko.

Sinipa ni ate yong upuan kaya natumba ito at padabog naman siyang lumabas ng bahay.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!!" Kinakabahan kung nilingon si kuya Keil.

Mag sasalita na sana ako pero bigla niya nalang sinuntok yong tyan ko kaya napadaing ako, namilipit naman ako sa sakit.

"Di lang yan aabutin mo pag may ginawa ka pa sakanya!"

Umalis den si Kuya kaya ako nalang mag isa ang naiwan dito sa bahay, dahan-dahan akong pumasok sa kwarto at isinara ang pinto.

Humiga ako sa kama at yumuko, napahagulgul ako sa pag iyak habang napahawak sa tyan.

Nakatulog ako ng isang oras, pag gising ko naman ay kaagad akong naligo at nag bihis, kailangan kung pumasok ngayon kase hindi ako nakapasok kahapon. Paniguradong papagalitan ako ni prof.

Nilinis ko muna yong nakakalat na isada sa sahig bago lumabas ng bahay, hindi na ako kumain kase wala akong gana. Tumakbo nalang ako papuntang skwelahan, wala nga pala kase akong pera.

Pagkarating ko sa school eh, malapit ng mag 10. Late na late na ako sa unang subject namin.

Pagpasok ko sa classroom ay pinagtitinginan nila akong lahat.

"You're late Ms. Perez."

"S-Sorry prof." Sabi ko at umupo sa upuan.

"Anong nangyari jan sa noo mo?" Tanong nong katabi kung lalaki.

"A-Ahh nauntog lang ako." Pag sisinungaling ko.

***

Pagkatapos ng klase namin ay lalabas na sana ako ng classroom ng biglang pumasok si Xenon dito at mabilis akong nilapitan.

Kumunot naman ang noo niyang tinitigan ang noo ko.

"Ano na namang nangyari sa noo mo??! Yong dalawang kapatid mo na naman ba ang may gawa nyan? Sinaktan ka ba ulit nila!??" Galit niyang tanong sakin, kita kong napayokom siya ng kamao niya.

"What the heck!" Hinawakan niya ang pisngi ko, napadaing naman ako ng kaunti. Ang sakit pala pag hinawakan, ang sakit-sakit pa den nong sampal ni ate Kelly kanina. "Yong Kelly na 'yon ba ang gumawa nito??!!"

Tumawa ako ng peke.

"Ano ka ba Xenon hindi no, na untog lang ako at saka wala lang yan. Wala silang kasalanan promise."

"Wag mo na nga silang ipag tanggol Alayan, hindi nakakatuwa. Alam mo bang nasasaktan ako pag nakikita kitang ganyan?!"

"K-Kasalanan ko naman kase kaya..."

"Kaya sinaktan ka nila?!! Kahit naman siguro wala kang kasalanan eh, sinasaktan ka parin nila!"

"Huminahon ka nga, ba't yata mas galit ka pa kesa sakin."

"Ikaw naman kase eh! Hindi ka marunong magalit!! Masyado kang mabait kaya inaabuso ka, Alyana hindi naman masama kung lumaban ka basta't alam mong tama ka at mali sila."

"Para sakin sila naman ang tama palagi at ako yong mali." Saad ko hinawakan niya ang balikat ko.

"Pag isipan mo yong sinabi ko Alyana, pwede ka namang umalis don. Pwede kang tumira muna sa bahay ko panandalian."

No, hindi pwede. Hindi ko sila pwedeng iwan.

"Hindi na, okay lang naman ako don at saka kung iiwan ko sila don sinong mag luluto? Sinong mag huhugas ng plato, mag lalaba, mag babayad ng kuryente at lahat ng mga gastosin sa bahay." Huminga siya ng malalim at tinignan ako sa mata.

"Hindi mo naman responsibilidad lahat nang 'yon, Alyana."

"Responsibilidad ko yon, Xenon."

"No, it's not!"

"Yes, it is. Sige na kailangan ko ng umalis, babantayan ko pa yong alaga kung si Nash."

"Ihahatid na kita." Sabi niya at umiiling naman ako.

"Hindi na."

"I insist." Pumayag nalang ako, ayoko nang makipag talo. Wala akong lakas ngayon para sa ganyan saka wala namang masama kong ihahatid niya ako kung san ako nag ta-trabaho.

Nandito na kami sa parking lot, pinagbuksan nyia ako ng pinto. Sasakay na sana ako ng biglang may humila sa kamay ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height