+ Add to Library
+ Add to Library

C2 ANG DAHILAN

LEYSA’S POV

“BUKAS na ang kasal mo, sis. Masaya ka ba?” tanong ni Ate Diana sa akin habang sinusuklay-suklay ang buhok ko, nandirito kasi kami ngayon sa kwarto na nakalaan para sa akin sa isa sa isla na pag-aari ni Kuya Fred, asawa ni Ate Diana. Bukas na kasi ang kasal ko at gaganapin iyon sa tabi ng dagat habang palubog ang araw. Kumbaga it's my dream beach wedding with my loving long time boyfriend na magiging asawa ko na bukas na si Daniel Apolonio.

Ngumiti naman ako ng matamis at nagtama ang aming mga mata ni ate sa salamin na nasa harapan namin.

“Sobra ate, alam mo namang sobrang mahal ko si Dan, he is my first boyfriend, siya lang ang nagmahal sa akin ng totoo sa lahat ng manliligaw ko, noon. At siya lang din ang naging malapit sa iyo. Alam mo namang mahalaga ang sasabihin mo kesa sa opinyon ng iba. Kaya alam kong siya na talaga,” mahabang litanya ko na may ngiting nakapaskil sa aking labi.

Napansin ko namang biglang naging balisa ang hitsura ni ate, pero ngumiti rin siya kalaunan kaya binalewala ko nalang din ang nakita ko.

“Eh kayo ni Kuya Fred, ate? Kumusta naman ang buhay may asawa?” tanong ko naman sa kaniya.

Mag-aanim na buwan na kasi silang kasal ni Kuya Fred, actually it's just a private garden wedding –ako at si Daniel ang naroroon at kaunting mga kaibigan lang nina ate at kuya, unlike sa kasal ko na maraming bisitang inimbita at present ang aking mga magulang. Sa kasal ni ate, hindi nakadalo ang mga magulang namin at kahit magulang ni Kuya Fred dahil busy sa negosyo. Oh well, ang importante ay kasal na sila at masaya.

“Ah. Ayos naman ang pagsasama namin, ramdam ko naman na mahal niya ako which is a good thing dahil mahal na mahal ko siya, Ysa. Sobra pa sa buhay ko kaya kapag nawala siya sa akin ay hindi ko kakayanin,” sambit ni ate na nagpakaba naman sa akin dahil kahit ilang tanggi ko ay minsan ko ring pinantasya na magkaniig kami ni Kuya Fred noon, sobrang gwapo kasi neto at napaka-sexy kaya nakakamasa ng panty. Pero hanggang pantasya lang naman dahil mas mahal ko pa rin ang fiancé ko at panandaliang atraksyon lang naman ang naramdaman ko noon kay kuya.

“Huwag kang mag-alala, ate. Hinding-hindi mawawala si kuya sa’yo. Sige na ate, bumalik ka na sa kwarto ninyo, at baka kanina ka pa hinahanap ni kuya,” sambit ko sa kaniya.

At bago pa man lumabas si ate ay may sinabi pa ito,

“Ay oo nga pala, huwag kang lumabas mamayang gabi ha. At baka mapuyat ka, sige ka papanget ka niyan bukas sa kasal mo. Sige na, sis, sleep early. Ate loves you so much,” sabi ni Ate Diana at niyakap ako at hinalikan sa pisngi at lumabas na ng tuluyan.

***

Napabalikwas ako dahil sa katok na naririnig ko mula sa labas ng aking pintuan. Tinignan ko naman ang oras sa aking cellphone at alas-otso na pala ng gabi. Napatayo na ako at lumapit sa pinto upang pagbuksan ang kanina pa katok nang katok. Baka kasi si Dan ito, kanina pa kasi siya walang tawag o text sa akin kaya siguro pinuntahan na lamang niya ako dahil nami-miss na niya ako kahit pinagbawalan na kaming magkita, at kinilig naman ako sa isiping iyon.

Pero gano’n na lang ang pagkadismaya ko nang pagbukas ko ng pinto ay naghahangos at nag-aalalang mukha ni Kuya Fred ang tumambad sa harapan ko. Kaya nakaramdam na rin ako ng pag-aalala.

“Bakit kuya?” tanong ko kaagad sa kaniya.

“Nandito ba ang Ate Diana mo?” Nagtataka man ay umiling pa rin ako bilang sagot.

“Pero napadaan ba siya rito kanina?” tanong niya ulit.

“Oo kuya, pero kanina pa iyong hapon, mga 3 pm. Bakit kuya? Nawawala ba si ate?” nangangamba kong tanong sa kaniya kahit alam ko na ang sagot base sa reaksyon nito.

“3 pm? Pero hindi ko na siya nakita after our family lunch kanina, Leys.”

Huh?

“Pero kuya, sinabihan ko si ate kanina na bumalik na sa kwarto ninyo dahil baka hinahanap mo na siya. Sino pa ang nakakaalam na nawawala si ate?” tugon ko sa kaniya, nag-aalala na rin kasi ako. Halos limang oras na ang nakakalipas nang huli ko siyang nakasama.

“Ikaw pa lang ang pinuntahan ko, Leys. Dahil ikaw ang alam kong kasama ni Diana simula pa kanina,” tugon naman ni kuya na mababakas sa gwapong mukha niya ang pag-aalala at takot.

Napagdesisyunan na lang namin ni kuya na huwag na munang ipaalam pa sa ibang kamag-anak namin ang nangyari at kami na lang ang magtutulungan sa paghahanap kay ate.

Naghiwalay kami ng direksyon ni kuya para mabilis naming mahanap si ate. Ako ay sa parteng hilaga at siya ay sa kabilang parte ng isla.

“ATEEE!!!” sigaw ako nang sigaw pero wala pa rin akong natatanaw na bulto ni Ate Diana. Naiiyak na rin ako sa sobrang pag-aalala at pangamba kaya hindi ko na napansin na napunta na pala ako sa masukal na parte ng isla, ang gubat. Pero mas nangingibabaw na talaga ang pag-aalala ko kaysa sa takot sa madilim na kagubatan.

Napapagod na rin ako sa kanina pa palakad-lakad at paikot-ikot sa loob ng gubat nang may narinig akong mga ungol. Malapit ito sa mabatong parte ng gubat pero alam kong malayo na ito sa pinaka-proper ng isla kung saan kami nagsti-stay.

Lumapit pa ako at sa paglapit ko ay mas lumilinaw na ang mga naririnig kong tunog.

At gano’n na lang ang pagtulo ng aking mga luha sa aking nasaksihan.

Si Ate Diana at si Daniel –ang fiancé ko, ang pinakamamahal kong mapapangasawa ay nagtatalik sa ilalim ng puno, shit! Parang mabibiyak ang aking puso at buong pagkatao sa aking nasasaksihan ngayon.

Imbes sugurin sila ay nanatili lang akong nagtatago sa likod ng malalaking bato habang takip-takip ko ang aking bibig na posibleng lumikha ng ingay dahil sa aking walang tigil na paghagulgol.

Gusto ko mang umalis para makalayo sa sakit na nararamdaman ko dahil sa aking nakikita ay nagpapaka-martyr pa rin akong tinatanaw sila habang patuloy na gumagawa ng milagro.

Tanaw na tanaw ko ang bawat pagpasok ng pagkalalaki ng aking mapapangasawa sa pagkababae ng aking pinakamamahal na kapatid. At sa bawat pag-ungol nila na nagpapatunay ng sarap na nararamdaman nila ay ang pagkabiyak naman nang unti-unti ng aking puso, ang pagkasira ng aking perpektong mundo. Hindi ko alam ang aking mararamdaman ngayon, I feel worthless, unwanted, and broken.

Ang tanging nagawa ko lang ay kunin ang aking cellphone at kunan ang kawalang-hiyaang ginagawa ng mga taong akala ko ay mahal din ako.

At mas lalo akong nasaktan nang marinig ang mga katagang sinasambit nila sa isa’t-isa.

“Fuck! Mahal na mahal kita, Diana. Shit... Ahh! I really love fucking you every time we have the chance,” sambit ng gago kong fiancé. At hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinasabi niya, kaya pala, kaya pala sa pitong taon naming pagsasama, never niyang hininging may mangyari sa amin na ikinasasaya ko dahil akala ko ay may respeto siya sa pagkababae ko at kaya niyang maghintay hanggang sa makasal kami. Pero akala ko lang pala iyon dahil sa loob ng pagsasama namin ay may nagbibigay na pala sa kaniya ng kaligayahan at iyon ay sa puki ng malandi kong kapatid na akala ko ay malinis, inosente, at napakabait. Yun pala ay nagbabalat-kayo lamang para makuha ang simpatya ng lahat. What a total deceiver!

“Ahhh... ang sarap mo talaga, Dan-Dan. Kaya nga kahit mahal na mahal ko si Fred ay never kaming nagtalik dahil ikaw lang ang hinahanap ng puki ko. Ahhh... malapit na akong labasan. Shit –I can't get enough of you, you're so good,” malandi na sambit naman ni Ate Diana, ang gaga niya, ang gaga, gaga niya! Mga manloloko, nakakadiri silang dalawa.

Pinanood ko sila hanggang matapos ang kalaswaang kanilang ginagawa. Hanggang marinig ko lahat ng mga katotohanang itinatago-tago nila sa loob ng mahabang panahon.

“Talaga bang walang nangyayari sa inyo ni Fred? Bakit naman, asawa mo iyon ah,” tanong ng fiancé ko.

“Wala nga, hanggang make-out lang kami at minsan ay bino-blowjob ko siya. At kung may mangyayari na sana sa amin ay laging may tumatawag sa pesteng phone niya. At iiwan niya na lang akong tigang, mabuti na lang talaga at nandiyan ka,” sagot naman ni ate at inagaw ang sigarilyo sa bibig ni Daniel. At sinipsip iyon, I didn't know na nagsmo-smoke rin si ate. Sabagay hindi ko nga alam na ang landi-landi niya eh.

“Sabi ko naman kasi sa iyo noon, na hiwalayan ko na lang ang kapatid mo at tayo na lang ang magpakasal kesa kayo ni Fred.”

“Mahal ko eh, at alam mo namang wala akong nararamdaman sa iyo. Sadyang masarap ka lang kumantot kaya nakikipagkita pa rin ako sa iyo kahit ikakasal ka na sa kapatid ko bukas. Isa pa, ang kapatid kong iyan, kailangan mo talagang makasal sa kaniya dahil sa kaniya ipapamana ang lahat ng ari-arian ng mga Frank. Peste kasi, kung sana hindi lang nagkaanak ang mga Frank ay ako na sana ang heredera ng pamilya namin. Kung bakit kasi dumating pa iyang Leysa na ‘yan sa buhay namin,” mahabang litanya ni ate.

So now, I finally understand, naiintindihan ko na kung bakit pinipilit sa akin noon ni ate si Daniel, kaya pala.

Hindi ko lang matanggap ngayon na minahal ko ng labis at tunay ang lalaking akala ko ay mahal din ako.

Marahas kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi at puno ng galit silang tinatanaw.

“Lilisan ako pero sa pagbabalik ko, matitikman mo ang pinakamatamis na paghihiganti ko sa pinaramdam mong sakit na ito sa akin, ate.”

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height