C5 A TIME WITH YOU
LEYSA’S POV
MASAYA kaming nag-aalmusal ni Kuya Fred nang dumating si ate.
“Aba! Close na yata kayong dalawa ah,” sambit nito na sinuklian ko ng isang matamis na ngiti. Tumayo naman si kuya sa kinauupuan niya at hinagkan si ate.
“I miss you, babe. Alam mo bang ang lamig ng gabi ko? Kasi wala ka sa tabi ko,” malambing na sabi naman ni kuya kay ate na tila wala ako rito na nakikinig sa kanila