C6 THE FIRST MOVE
LEYSA’S POV
“SIS... can I ask you something?” tanong sa akin ni ate, tinignan ko lang siya at tumango. At pumikit uli habang ninanamnam ang sinag ng araw na tumatama sa aking maputing balat.
Andito kasi ako sa likod ng bahay nila kung saan naroroon ang infinity shape na pool. Kung saan naisipan kong mag-swimming at mag-sunbathing, nang lumapit si ate sa akin at ewan ko kung anong pakay