C18 Chapter Eighteen
Lloyd
Nang makarating ako sa bahay nina Alex ay natagpuan ko siyang nakaupo sa harapan ng kaniyang bahay habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone at nakataas ang kaniyang kaliwang paa. Binusinaan ko pa siya no’n.
Hindi kagaya namin, simple lang buhay na mayroon sina Alex. Noong nag-aaral pa lamang kami ay working student na siya hanggang sa maka-graduate kami ng college
