C24 Chapter Twenty-Four
Olivia
Pagkatapos naming mag-kwentuhan ni Daddy ay kumain lang kami sa labas. Siniguro ko muna na nasa maayos na si Daddy bago ako magpasiyang umuwi. Buti na lang talaga at hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan si Daddy.
Kasalukuyan akong nakatulala sa bintana habang nasa kalagitnaan kami ng traffic. Weekdays rin kasi ngayon at rush hour pa kaya inabot kami ng buhol-buhol na traffic
