C26 Chapter Twenty-Six
Olivia
Naalimpungatan ako dahil sa kung anong nakadagan sa hita ko. Pagmulat ko ng aking mata’y tumambad sa akin ang hita at binti ni Lloyd na nakapatong sa akin. Nang lingonin ko siya’y nakita ko na mahimbing pa ang kaniyang pagtulog kaya’t dahan-dahan kong tinanggal ang hita at binti niya upang makabangon
