C34 Chapter Thirty-Four
Olivia
Nagpasiya akong bumaba na muna sa garden kahit gabi na. Gusto ko rin kasing makalangghap ng sariwang hangin kaya pinili kong mapag-isa muna doon. Walang masyadong nakalitaw na bituin ngayon. Siguro’y uulan.
Habang nakatingin ako sa alapaap ay naisipan kong tawagan si Daddy kaya ni-dial ko kaagad ang number niya. Sakto naman na hindi na niya ako pinaghintay dahil sinagot niya ito kaagad