C40 Chapter Fourty
Olivia
Matatapos na kami sa pagkain nang marinig kong magsalita si Daddy.
“Nasaan nga pala si Lloyd? Bakit hindi natin kasabay ang anak mo sa pagkain?” tanong niya.
Nang marinig ko iyon ay nagkunwari pa rin akong walang pakialam kahit na sa loob ko’y gusto kong marinig ang paliwanag ni Daddy Richard ukol doon. Sa totoo lang, wala naman dapat akong pakialam kay Lloyd, ‘e
