C42 Chapter Fourty-Two
Olivia
Halos isang oras lang yata ang inabot namin sa pamimili ng mga sangkap na gagamitin para sa lulutuin ni Yaya Tessy mamaya. Hindi na rin naman kami nagtagal dahil baka kulangin sa oras ng paghahanda si Yaya.
“Olivia, catch!” sigaw ni Matthew sabay bato sa akin ng isang mansanas na pulang-pula.
Wala na tuloy akong nagawa kung hindi sambutin iyon dahil kung hindi ko gagawin
