C43 Chapter Fourty-Three
Olivia
Halos tatlong oras din silang naghanda para sa tanghalian. Inilabas lang lahat ng pagkain sa bandang swimming pool area upang doon kumain habang nagtatampisaw sa ilalim ng mainit na araw.
Habang pinapanood ko sila, ang saya-saya nila. Para bang walang mga iniindang problema. Habang tinitignan ko sila, biglang pumasok sa isip ko si Lloyd. Ang kaniyang mukha bago siya umalis ng bahay
