C44 Chapter Fourty-Four
Olivia
Pasado alas otso na ng gabi no’ng magpasiya kaming umahon sa pool. Malamig na rin kasi ang tubig kaya’t minabuti naming magbanlaw na at magpahinga. Busog na rin naman ako kaya’t niyaya ko na si Daddy na umakyat na sa kwarto upang magpahinga.
Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan na malapit kay Daddy habang siya naman ay nakahiga na sa kama
