C15 Kobe's Mother
Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko dito sa malaking salamin ng marinig ko ang ilang katok sa pinto.
"Bukas 'yan." Sagot ko at bumukas ang pintuan.
"Ma'am, Ellen. Nasa baba po si Samantha, hinahanap po kayo."
Natigilan kami pareho ng asawa ko dahil sa sinabi ng kasambahay namin na si Rosa. Kasalukuyang kakagising lang namin mag-asawa at inaayos ko ang sarili ko ngayon