+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Failed Seduce Him

AN: Salamat po sa mga nag-aabang at pasensya na kung matagal si author mag-updatate. 😊😊

-------------------------------------------------------------------------

==========================

FAILED SEDUCE HIM

==========================

Camilla

Imbes na pumili ng kuwarto na gagamitin ko sinundan ko si Kobe. Yamot ang napansin ko agad sa kaniya habang may hinahanap sa loob ng refregerator, matapos 'yon salubong ang kilay na napatingin siya sa akin.

"Tss! Wala man lang puwede makain dito. Lahat lulutoin pa, marunong ka ba magluto? Para naman may silbi ka sa akin." inis na turan nito sa akin.

"O-oo naman sandali." natatarantang sagot ko at lumapit sa nakabukas na ref. Naghanap ang mata ko, may nakita ako'ng mga karne sa freezer at mga fresh na gulay. Tulad ng carrots, patatas at mga bell paper na pula at green.

"What now? Tapos mo na ba i-check ang loob ng ref, baka naman wala kang alam sa pagluluto? Sabihin mo agad." iritadong mukha niya.

"S-sandali lang twenty minutes ayos na ba 'yun sa'yo?" Kinakabahan na sagot ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita na mas lalo kong kinakaba.

"Ok, mag-shower muna ako." sagot lang nito at tinalikuran na ako.

Mabilis na kumilos ako at hinanda ko ang lulutoin ko, napansin ko kasi na may nakalagay sa pinakababa na beef 'yung hindi siya frozen. Naisip ko lutuin beef caldereta kailangan ko bilisan para pagbalik ni Kobe luto na. Kumpleto naman sa gamit dito dahil may presure cooker kaya mas madali. Marunong akong magluto dahil may karinderia ang tiyahin ko at ako lagi ang katulong niya at minsan may nagpapaluto sa amin para sa mga handaan. Pero kapag nagbayad na 'yung customer namin wala akong natatanggap kahit piso.

Palingon-lingon ako sa pinto dahil baka dumating na siya at makitang hindi pa ako nakakapaghanda. Pero nagpapasalamat ako dahil mukhang matagal siyang maligo.

Matapos ko magluto at mahugasan ang lahat ng mga pinaggamitan ko inayos ko na ang pagkain niya. Napapangiti naman ako habang pinagmamasdan ko ang pagkain na maayos na naka-platting. Masisigurado ko na magugustuhan niya ito.

"Ano naman ang nginingiti-ngiti mo?"

Napaayos naman ako ng tayo ng makita ko si Kobe na pumasok na ng pinto dito sa kusina, naka-suot siya ng itim na boxer at walang pang-itaas. Nakasampay lang ang tuwalya sa balikat niya kaya naman malaya kong napagmasdan ang kaniyang kabuan. Ngunit agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa salubong ang niyang kilay na nakatingin rin sa akin. Wala naman itong sinabi kaya muli kong napagmasdan ang katawan niya.

Ang ganda ng korte ng katawan niya lalo na sa bandang tiyan na flat tapos 'yung sinasabi nila na abs. Pero napayuko ako ng bumaba na ang mata ko banda sa puson niya.

"A-ahh.. Sige na kain ka na, aakyat lang ako sa kuwarto ko." naiilang na sagot ko dahil umiling siya at naupo na.

"Masanay ka na dahil ganito lagi ang ayos ko kapag na sa bahay lang. Pero hanggang tingin ka lang." malokong natatawang sabi niya at nagsimula na itong sumandok sa pagkain.

Hindi na ako sumagot at lumakad na palabas ng kusina, pero muli ko sinilip si Kobe at ganon na lang ang ngiti ko ng mahuli ko na napangiti siya ng bahagya ng matikman niya na ang niluto ko. Mukhang sa pagluluto ay mapapasaya na kita asawa ko, Kobe Herrera. Sambit ko sa isipan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Masayang umakyat ako sa taas kung saan ang magiging kuwarto ko, napahanga naman ang mata ko dahil sa ganda ng loob nito. Humiga ako sa malambot na kama at dinama ang ito hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod na rin.

Napamulat ako bigla ng maramdaman ko na may nakatingin sa akin, ganon na lang ang pamimilog ng mata ko ng makita ko si Kobe na nakapormado. Dahil nakasuot ito nang itim na pantalon at t-shirt puti na may patong na jacket na itim.

"B-bakit?" Gulat na gulat na tanong ko at napaupo dahil sa titig na titig ito sa akin.

"Nothing, bukas ang pinto mo. Next time magsarado ka," sagot niya at biglang sumimangot ang mukha.

"S-sorry, nakatulo-"

"Tss!" mahinang sambit niya.

Hindi na niya hinayaan na matapos ang sasabihin ko lumabas na ito ng pintuan. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya, mayamaya'y narinig ko ang tunog ng sasakyan kaya napatayo ako.

Nakalabas na ang kotse na ni Kobe ng makarating ako sa may pinto, sinara ko na lang ang gate dahil wala pang ibang tao dito ngayon kung hindi kami palang dalawa.

Malungkot na nilibot ko ang mga mata ko sa malaking bahay dahil iniwan lang ako ni Kobe. Pero kailangan ko ng gawin ang plano ko kailangan mabuntis ako kahit na ano'ng mangyari, kahit pa kinakabahan ako sa gagawin ko. Sabi ng mama niya gawin ko ang lahat para mahalin at mabuntis ako ng anak nila.

Nilibot ko ang kabuan ng bahay at ng mapagod na ako sinubukan ko buksan ang kuwarto ni Kobe pero naka-lock ito kaya naman nalungkot ako. Nagawa ko na ang lahat ngunit wala pa rin si Kobe.

Nakatulog na ako sa sopa matapos ko maligo at nag-suot ako ng mediyo seksi na damit. Isang itim na bistida na spagetti strap at hindi umabot sa tuhod ko ang haba nito. Lumabas ang kaseksihan ko dahil sa suot ko.

Nagulantang na lang ako dahil sa tunog na parang pabalyang binuksan ang pinto. Napatayo ako at sinipat ang may kadiliman na paligid.

"Hey! Anon'ng ginagawa mo diyan?" Kunot noong tanong nito sa akin.

Kahit medyo madilim dahil patay ang ibang ilaw bakas sa mukha niya ang itsura ng lasing.

"Ha-ha.. Hinihintay kita." kinakabahan na sagot ko, lumakad naman siya papalapit sa akin.

"Bakit ganiyan ang ayos mo? Huwag mo sabihing inaakit mo na ako ng lagay na 'yan?" nakakalokong wika nito na napapapikit ang mata.

Sinipat niya ang kabuan ko simula sa paa ko paakyat sa mukha.

"H-hindi naman, ganito lang talaga ang nakasanayan ko na isuot." paliwanag ko habang ang puso ko sobrang lakas na ng tibok.

Mas lalo naman akong kinabahan nang humakbang siya papalapit sa akin. Sobrang lapit na ng katawan namin hanggang sa maramdaman ko ang paghapit niya sa beywang ko. Nagbungguan ang aming katawan na kinapikit ng mata ko.

"Alam mo, hindi ko pa rin talaga lubos na maunawaan kung bakit mo ito ginagawa. Pero kung laro lang ang gusto mo pagbibigyan kita," mahinang sambit niya sa punong tenga ko.

Naghatid naman ito ng kakaibang init sa katawan ko lalo na ang malanghap ko ang pinaghalong amoy ng alak at ang mabangong hininga niya.

"Ku-kumain ka na ba?" Ilag ko at tanong sa kaniya dahil bigla akong nakaramdam ng kaba lalo na ang mga kamay niya ay kusang naglalakbay sa katawan ko.

"Wala ako'ng ganang kumain," sagot nito sa malamig na tono at bumitaw ang kamay niya sa beywang ko.

"S-sandali lang--"

Habol na tawag ko ngunit sumenyas ang kamay niya na manahimik na ako, nakaramdam ako ng lungkot. Nakakainis pagkakataon ko na 'yon pero bakit pinakawalan ko pa?

Bagsak ang balikat na muli akong umakyat at pumasok sa aking silid, sinilip ko ang pinto ng kuwarto ni Kobe at sa tingin ko sarado na ito.

Pinilit ko makatulog kahit ang hirap at yung pinto hinayaan ko siyang nakabukas, upang kung nais ni Kobe pumasok rito ay malaya siyang makakapasok.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil nagising ako ng maramdaman ko ang mahihinang haplos sa braso, sumalubong agad sa mata ko ang napakagandang mata ni Kobe.

"K-Kobe." mahinang sambit ko pero hindi niya ito pinansin dahil naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi nito sa labi ko.

Kumawala ang mahihinang ungol ko sa bawat pagdampi ng labi ni Kobe sa leeg at sa dibdib ko. Gayun rin ang kamay nito na malayang naglalakbay sa kabuan ng katawan ko.

"I want you now..." anas ni Kobe sa akin na naghatid ng kakaibang sensasyon sa kaibuturan ko.

Walang lumabas na kahit na ano'ng salita sa bibig ko basta dinama ko lang ang lahat ng ginagawa niya. Dahan-dahan niyang inalis ang suot ko na bistada na bumagsak na sa sahig at pinakatitigan ang katawan ko, hinimas niya na wari mo'y kinakabisa ang bawat ditalye ng aking katawan ko.

Kusang pumikit ang mga mata ko dahil sa kakaibang init na naramdaman ko pakiramdam ko nilalagnat ako. Ang hininga niya sa may leeg ko na naghahatid ng kiliti sa buong pagkatao ko pero natigilan ako ng marinig ko ang paghugot niya ng malalim na buntong hininga.

"I'm going back to my room." malamig at mahinang bigkas niya.

Kagat labing napikit ako dahil sa bigla niyang atras sa kaninang dapat na niyang gawin. Dinampot ko naman agad ang bistida ko at mabilis na sinuot ito, hatid tanaw ko na lamang si Kobe paglabas ng pinto.

⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height