Still Loving You (FILIPINO VERSION)/C5 Pain Inside My Heart
+ Add to Library
Still Loving You (FILIPINO VERSION)/C5 Pain Inside My Heart
+ Add to Library

C5 Pain Inside My Heart

AN: Mabagal po talaga ang update ng story na ito kaya pasensya na talaga. Marami rin kasi akong iniisip kung ano ang uunahin ko at kung saan ako gaganahan magsulat. 😊

----------

=======================

PAIN INSIDE MY HEART

======================

8:00am

"Kamusta naman ang first day ng marraige man?"

Napahinto ako sa pagbaba sa hagdan ng marinig ko ang boses ng lalaki na kausap niya sa cellphone. Habang nakalapag lang ito patayo sa table, siguro ay naka-video call sila. Sumalyap sa akin si Kobe ngunit saglit lang.

"Ang aga-aga mo namang mambuwesit, mabuti pang hindi ka na tumawag."

Narinig ko pang sagot ni Kobe at nagtuloy na ako sa kusina upang maghanda ng almusal namin. Naghahanap ako sa ref ng maaaring iluto ng pumasok si, Kobe.

"Sandali lang magluluto muna ako pasensiya na at tinanghali ako ng gising ko kasi--"

"Masarap bang matulog sa 'di aircon?" Mapang-asar na tanong nito.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

"Huwag ka ng magluto magbihis ka na 'yung maayos naman. Isasama kita sa outing namin magkakaibigan, baka pagalitan na naman ako ng ama ko kapag hindi kita sinama. Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng ikakainis ko sa'yo at kung ano man ang makikita mo huwag mo ng ipaalam sa mga magulang ko kung gusto mong magkasundo tayo."

Sa haba ng sinabi niya ay tango lang ang naisagot ko at iniwan na niya ako, pero kahit paano ay natuwa ako dahil isasama niya ako. Umakyat ako agad sa itaas at naghanap ng damit doon sa mga regalo sa akin ng mama ni, Kobe.

Suot ang puting bistida na labas ang balikat ko at hindi ito umabot sa tuhod ko. Pinarisan ko ito ng flat na sandals at bit-bit ang maliit na bag ko at ang cellphone na regalo nila sa akin. Nagdala ako ng panligo dahil sabi outing raw, pero ayokong swimsuit nakakahiya kahit may katawan naman ako. Short at sleeveless lang dala ko.

Pagbaba ko ng hagdan ay saktong naroon si Kobe na may kausap sa cellphone, saglit na napatingin ito sa akin ngunit agad na umiwas. Naka-short ito at tsinelas, polo shirt na puti rin ang suot niya bukas ang butones hanggang dibdib niya. Mas lalo siyang gumawapo sa paningin ko.

"Come on." sabi niya matapos ibaba ang cellphone.

Sumunod ako sa kaniya at sumakay sa kotse, mas pinili kong umupo sa likuran. Tahimik kami sa loob ng kotse at pasimple na sinusulyapan ko siya at minsan nagtatama ang mata namin. Hinayaan kong nakabagsak ang lagpas balikat kong buhok at naglagay lang ako ng manipis na lipstick na pula.

--------

Dalawang oras rin ang biyahe namin at nakatulog ako dahil sa lamig sa loob ng kotse. Pagdating doon ay hindi ako makapaniwala sa aming pinuntahan dahil sa napakagandang resort.

"Oh my gosh! Kobe, mabuti at nagpunta ka."

Nagulat ako at hindi ko inaasahan ang paghalik ng babae sa kaniya, pero agad na inalis ko ang mata ko doon at nagkunwaring may hinahanap sa bag.

"Who is she?"

Tanong ng babae kaya napaangat ako ng mukha hindi naman sumagot si Kobe.

"Aa, kaibigan niya ako." Sagot ko na lang at napatango ito at yumakap ito sa bewang ni, Kobe.

Medyo may kirot sa puso ko pero hinayaan ko na lang at sumunod na sa kanila. Hindi naman na ako nilingon ni Kobe habang nakaakbay sa babae at nakasunod sa kanila at naiisip ko na.

Kailan mo kaya gagawin rin yan sa akin, Kobe? At hanggang kailan ko kaya kayang pangatawanan ang kabaliwan ko na 'to?

"Akala ko hindi ka pupunta, mabuti at sinama mo pala si Mrs---"

"Hi, sumama talaga ako para malibang." putol ko sasabihin ng kaibigan ni Kobe. Mukhang nakaintindi siya at balewalang magkakasabay na naglakad na sila ni Kobe kasama 'yung babae.

"Ikaw hindi ka pa ba papasok sa loob?"

Napalingon naman ako dito sa isang kaibigan ni Kobe na nandito pa pala at naiwan.

"Aa.. Oo sige." sagot ko at nagulat ko dahil nakalahad ang kamay nito sa akin.

"Nicko Natividad pala, Camilla tama?" Nakangiting pakilala nito.

Nahihiyang napatango naman ako dito at inabot ang kamay nito, matapos 'yon ay magkasabay na kaming naglakad.

"Siya nga pala ano bang meron? At kanino pala itong resort?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.

"Sa mga magulang ko ito at ako na nag ma-managed nito, saka birthday ko ngayon."

Napahinto naman ako na pinagtaka niya. "Nako, happy birthday pala. Kaso wala akong regalo sa'yo hindi ko naman kasi alam kung anong meron basta sinama lang ako ni, Kobe." nakayukong sabi ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Wala 'yon hindi na ako bata para regaluhan pa, ok na 'yung nandito kayo."

Hindi naman ako makatingin ng diresto sa kaniya dahil nailang ako sa ngiti niya lalo na ang pantay-pantay niyang mapuputing ngipin.

"Halika na sa loob baka hinahanap na tayo." Sabi nito at tumalikod na.

Nakasunod na lang ako sa kaniya at narinig ko agad ang malakas na sound, pagliko namin sa pasilyo ang dami kong nakitang mga babae at lalaki na naka-swimsuit at mga lalaki na mga swimming trunks lang at yung iba naka-short naman. Nagkakasiyahan sila habang ang iba ay nagsasayaw, hinahanap ng mata ko si, Kobe.

Hanggang sa mapadako ang mata sa may gilid ng pool at nandoon siya kasama 'yung babae kanina. Nakapanligo na ang babae at talaga namang ang sexy nito. Habang wala ng pang-itaas si Kobe, sinasayawan siya ng babae kaya napaiwas ako ng tingin.

Sana pala hindi na ako sumama mukhang out of place ako dito, tapos ganito ang makikita ko.

Naglakad ako at nakita ko na may mahabang lamesa sa tabi ng malakas na sound system. May mga iba't-ibang alak ang nandoon at may mga maliit na baso ang naroon. Kumuha ako ng isa at pinasalinan ko ito dito sa lalaki, ngumiti naman ito at sinalinan niya ng alak. Tinungga ko agad ito at kumalat agad sa buong katawan ko ang init.

"Baka maglasing ka dito at kung ano ang gawin mo."

Napatingin ako sa kamay ni Kobe na nakakapit sa braso ko ng mahigpit at nakatitig siya sa akin.

"Huwag mo na ako'ng intindihin magpakasaya ka na, wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan." Sagot ko sa kaniya at binitawan na niya ang braso ko. Umalis na ito at hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Nakakailang shot na ako ng makaramdam ako na kailangan kong mag-CR. Hinahanap ko ang c.r ng makarinig ako ng ungol ng babae at lumapit pa ako doon, nagulat ako sa nakita ko dahil si Kobe at yung babae naghahalikan sila habang nakasandal sa pinto. Matapos 'yon ay bumukas ang pinto at pumasok sila, nakita ko pa na napatingin sa akin si Kobe bago tuluyang makapasok sa loob.

Imbes na mag-C.R hindi ko na nagawa nanlalambot ang tuhod habang naglalakad at pilit na pinipigilan ang luha ko na bumagsak dahil sa isipin na may kasiping ngayon si, Kobe.

"Camilla, ayos ka lang ba?"

Hindi ako nakasagot kay Nicko at ewan ko ba bigla akong lumapit sa kaniya at sinandal ko ang noo sa balikat niya. Dito sunod-sunod ng tumulo ang luha ko at hindi ko na nagawang pigilan pa, wala akong narinig na kahit na anong salita kay Nicko, hinayaan lang niya akong umiiyak.

Ang sakit-sakit, kahit pa sabihin na pilitan lang ang kasal namin at dahil yon sa kagagawan ko. Bakit kasi ang taas ng pangarap mo, Camilla? Para sa i.d na nakita mo ay hinangad mo ang isang Kobe Herrera, ngayon iiyak-iiyak ka?

Matapos kong umiyak ay dinala ako ni Nicko sa labas kung saan walang mga tao dito. Nakatayo siya habang inaayos ko ang sarili ko.

"Salamat pala at pasensiya na." nahihiyang sabi ko.

"Wala 'yon, kung kailangan mo ng maiiyakan nandito lang ako." seryosong sagot nito.

Hindi na ako sumagot at napatayo ako bigla ng makita ko si Kobe, agad na hinatak niya ako sa kamay at kinaladkad. Napalingon lang ako kay Nicko habang nakatingin lang ito sa akin. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Kobe dahi wala itong sinasabi, hanggang sa huminto kami sa isang pinto at binuksan niya ito.

Hinatak niya ako sa loob at pasalyang tinulak sa malaking kama.

"Pati si Nicko, balak mong landiin? Ganiyan ba kababa ang pagkatao mo at talagang kayong dalawa lang ang nandoon!?"

Hindi ako makasagot sa kaniya dahil galit na galit siya sa akin at hindi ko siya maintindihan. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakapameywang ito sa harapan ko.

"Dito ka lang at huwag kang lalabas." sabay talikod nito.

Tumayo ako agad upang habulin siya at sa kagustuhan ko na umabot sa pagsara ng pinto 'ay naiharang ko ang kamay ko at naipit ito.

"What the!? Are you crazy? Ba't mo 'yon ginawa?"

Napaupo ako sa sobrang sakit habang hawak ko ang kamay ko na natamaan ng pinto. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at tingnan ito, nakatingin ako sa buhok niya at pag-angat ng mukha niya ay nagtama ang mata namin. Konti na lang at dadampi na ang labi niya sa akin ngunit umiwas ako sa kaniya.

Ayoko ngang halikan niya ako matapos niyang makipaghalikan sa babae na 'yon.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at tumayo.

"Hintayin mo ako dito kukuha lang ako ng gamot." sabi lang niya at lumabas na ng pinto.

Naiwan na natitigilan ako habang nakaupo dito sa carpet.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height