Suit and Tie/C2 Cosplay part 2
+ Add to Library
Suit and Tie/C2 Cosplay part 2
+ Add to Library

C2 Cosplay part 2

He then proceeded on putting the wig on me and applied some light makeup to me.

"You can open your eyes, Mika," sabi ni Maxim sa akin.

I opened my eyes and saw if I looked ridiculous but no. Instead, I saw a small little lolita girl with violet eyes reflected in the mirror. I'm sure ako pa rin naman iyon but I almost look like a girl. No, I mean I do really look like a girl.

Ugh.

"You're beautiful, Mika," sabi ni Maxim. His face was flustered.

"Eh, Dude. I'm a guy. Don't say like that," natatawang sabi ko sa kanya.

"No kidding. You're really beautiful," dagdag pa niya.

"Should I feel proud of something?" natatawang tanong ko sa kanya.

"You should. You should. You'll pull a lot of customers during the festival. I can see it," aniya pa.

Ilang sandali lang ay lumabas na kaming dalawa sa dressing room. It took me a lot to go outside to be honest lalo na't nasa labas ang ilang mga kaklase kong kasali rin sa staff ng festival.

"Omg is that you, Mika? Wow, you're such a cutie! I feel like I'll gay for you, baby" hindi makapaniwalang sabi ni Red, his eyes are twinkling.

"Tabi kayo. This lady belongs to me," sabi naman ni Yuri sabay kunwaring pinagtutulak ang mga kaklase namin. He cupped my face and he stared at me. "I declare that this cutie belongs to me. To me alone. You guys understand that?"

Binatukan ko siya.

"Ouch! That hurts!" reklamo niya sa akin.

"Lalake ako loko. Kaya lang ako nagsuot ng ganito dahil sa Festival at kay Maxim," natatawang sabi ko sa kanua

Maxim smiled.

"I told you. Para kang babae. Bagay na bagay sa iyo ang costume. Mas lalong nangingibabaw ang violet mong mga mata. Kung hindi lang flat iyang dibdib mo, babae ka na," kumento ni Steven, an openly gay na kaklase namin.

Bahagya akong sumimangot. I admit I do look effeminate. I'm short for American standards plus I'm slim. My eyes are kinda Japanese since Mom's bloodline came from Japan but I got my eye color from dad who was born Albino. And sometimes I am mistaken for a girl, especially if I let my hair grow long. I tried to go to gym para lang ma-tone down yung katawan ko pero I quit pagkatapos. My body aches after doing some lifting dumbbells at halos hindi ako makabangon.

"Ba't kaya hindi nyo subukan magsuot nito?" tanong ko sa kanila.

"Don't worry, magiging maid din kami ng cafe. Each one of us has the same outfit so it's all equal," sagot ni Maxim. "Basta ayusin lang natin bukas para kumita tayo at magkaroon ng pondo ang club natin sa darating na Christmas Eve. The charity needs the money during that holiday," dagdag pa niya.

Tumango ako sa kanya.

Yeah, for the sake of the Charity, of course

Kinabukasan..

"Welcome to maid cafe," nakangiting bati namin mga kaklase sa mga dumating na guest sa aming munting cafe.

Nakangiti naming in-assist ang mga bisita at mga co-students ng Stanford. Ten of the maids lined up to greet those visiting visitors who wanted to eat inside our little cafe.

"Hindi ba puro boys school to? Bakit may mga babae?" narinig kong tanong ng isang babae.

"I bet mga lalaki rin sila nag-costume lang bilang maid," sagot ng isa.

"OMH! They are all cute!" sabi naman ng pangatlo.

We gave our best smiles at them that made them giggle.

"How may I help you, ladies?" tanong ni Shaun, ang butler na na-assign upang i-entertain ang mga bisita sa labas bago papasukin sa classroom- turned-cafe upang makakain.

"Table for three please. Okay lang bang magpapicture sa maids pagkatapos?" tanong ng isa.

"Yes Ma'am," magalang na sabi ni Shaun bago pinapasok sa loob ang tatlo at pinaupo ito sa pang tatluhang mesa.

Agad akong lumapit bitbit ang tatlong menu at saka inabot sa kanila.

"Ohayo (morning) here's the menu for today girls," nakangiting sabi ko sa kanila. Since its Japanese styled cafe, we are required to speak Japanese kahit balu-baluktot ang aming salita.

Nagtitili ang tatlo ng makita ako.

"Omg! Mukha siyang si Hilda yung nasa Beelzebul. Hindi ba girls?" sabi niya sa mga kasamang babae which nodded back at her as their answer. "Totoo ba ang kulay ng mga mata mo?" tanong ng isa.

"Yes ma'am," sagot ko sa kanya giving them my best smile.

"Can I take picture? Omg! You're so pretty kase," sabi naman ng isa bago inilabas ng bagong model ng smartphone niya.

"Sure, ma'am." sagot ko na nakangiti.

Ngumiti ako at saka nag-pose habang naka peace sign ang aking dalawang kamay and giving my sweetest smile.

Ilang shots muna ang kinuha ng babae bago ibinigay sa akin ang order nila. Ibinigay ko naman kay Lavender, ang maid na nakasuot ng yellow na costume na siya namang pumasok sa designated kitchen at magdadala ng order nila sa mesa.

"Max comfort room break muna," paalam ko kay Pres na noon ay nage-entertain din ng mga customers.

"Okay. Five minutes," aniya.

"Got it."

Nagmamadali akong lumabas ng cafe at pumasok sa pinakamalapit na Comfort room. Matapos makaihi ay sandali ko munang inayos ang aking damit at bahagyang nilagyan ng red na liptint ang aking mga labi. Maxim insisted me to put lipstick but I declined it. Lip tint is enough. Bahagya kong sinuklay ang aking wig bago lumabas.

Nagmamadali akong naglakad pabalik sa cafe. Kanina kasi ay nakita kong sobrang haba ng pila ng mga customers sa labas at iilang maids lang ang naroon. Mabuti na lang at flat ang style ang boots na suot ko kaya comfortable ako sa paglalakad. Which was good. I'm not used to wearing shoes like this. Sneaker guy ako.

Sa aking pagmamadali ay hindi ko sinasadyang mabangga ang isa sa apat na lalaking nakasalubong ko sa palikong pasilyo ng corridor patungo sana sa cafe.

"Sorry," hinging paumanhin ko rito sabay tingin sa lalaking nabangga na akala ko ay tore sa tangkad at pader sa tigas ng katawan.

Ganun na lamang ang takot ko ng makitang si Spade Rodriguez ang aking nabangga. One of the four Aces that lead the students of Stanford. They are the sons of the pioneering men who actually owned Stanford. Ibig sabihin, they are rich among riches and they can do whatever they want.

They call themselves Aces. This means they are the bosses higher than the headmaster and faculties. Mas mataas pa sa Student councils ang mga ito. Their motto?

"What they want, what they got"

Kabilang din sa apat Aces sina Rui Matsunaga, Topaz Slovisky at Xin Quin.

Patay na!

Kilala pa namang mga basagurero ang mga ito at mahilig makipag-away. Walang sinasanto maging teachers dito palibhasa e kayang-kaya nila, lalo na si Spade. Nakakatakot ang isang iyon. Bali-balita kasing galing ito sa angkan ng Mafia. Maxim told me this when I transferred to this school. He warned me to not go into Spade's way. Huwag daw akong haharang sa dinadaanan niya. Pero bakit sa lahat na pwedeng daanan ng mga ito ay dito pa? At sa lahat ng pwede kong mabangga bakit siya pa?

Bigla akong napalunok.

He's bad news.

"What the fucking female maid doing here?" pagalit na tanong niya sabay tingin sa akin.

"Dude, that's not a female. Are you nuts? Walang babae sa school na ito. Did you forget it?" natatawang sabi ni Xin sa kanya.

Spade grimaced and then looked at me.

"Who are you? And why are you eyes are violet?" pagalit pa rin nitong tanong sa akin sabay angat ng kanyang kanang kamay.

Ngunit bago pa ako masampal ng hudas na iyon ay dali-dali akong kumaripas ng takbo.

Bahala ka dyan. I still love myself. No one ever dares to raise their hands at me. Not even my parents. And certainly not you, Spade.

"What took you so long?" salubong sa akin ni Maxim habang abot-abot ang hiningang pumasok ako sa dressing room converted to lounging area para sa mga workers ng Cafe.

"Nabangga ko si Spade along the way. Sasampalin na sana niya ako pero kumaripas na ako ng takbo," sagot ko sa kanya.

"What?!" hindi makapaniwala na tanong niya.

"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya.

Nag-isip si Maxim at saka tumingin sa akin.

"Relax. Hindi ka makikila non. Masyadong busy ang araw na ito at malamang ay makakalimutan niya iyon. Mabuti na lang at naka-costume ka. Act normal. Marami pa tayong customers," aniya.

Bumuntong-hininga ako at saka mahinang sinampal-sampal ang pisngi ko. Tama nga naman siya.

"I'll go now," sabi ko bago lumabas upang atupagin ang mga customers since natapos na ang aking break.

"Can I entertain you with our desserts sirs?" tanong ko sa mga lalaking katatapos lang kumain and then flashing my best smile.

Nakita kong nag-blush ang mga lalaki.

"Yes please, anong meron?" tanong ng isa.

"We have soft creams available in three flavors. Matcha, chocolate, and fruit salad. What can I get you, boys?"

Nagkatinginan muna sila bago nagkasundo na matcha flavor ang bibilhin nila.

"I'll serve it right away. Please wait," sabi ko sa kanila bago umalis.

Makalipas lang ng ilang minuto ay nai-serve ko na ang order nila.

"Special table for the Aces please," narinig kong sabi ni Shaun na ikina-shock ko.

Ha? Ano raw?

What the hell?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height