Suit and Tie/C3 Locked on sight
+ Add to Library
Suit and Tie/C3 Locked on sight
+ Add to Library

C3 Locked on sight

Automatiko akong napatingin kay Maxim.

"Chill. Inhale and exhale. Huwag kang pahalata na takot ka. Act normal sabi ko 'di ba?" sabi niya.

At iyon nga ang aking ginawa.

"T-this way p-please sirs," medyo nanginginig sa sabi ko sa apat flashing my nervous smile.

Hindi sana ako makilala ni Spade.

Sino ba naman ang hindi matatakot? Halimaw ang mga ito at isa pa, kanina pa nakatingin ng masama si Spade at nakakatakot na tingin ang binibigay niya sa akin.

Pero hindi ako tumingin sa kanya. In fact iniiwasan kong magtama ang aming mga mata.

Sa isang private room pinadala ang apat na para talaga sa kanila. Nakasunod naman sa amin ang apat na sarili nilang butlers na pinaghila pa sila ng upuan.

Inilapag ko sa harapan nila ang mga menu at dali-daling nagpaalam.

"Please call us if you are done choosing food, sirs," sabi ko bago nagmamadaling lumabas at isinara and sliding glass door ng special room.

Sinalubong ako ni Maxim at kinamusta.

"Eto buhay at naka-survive," sagot ko sa kanya.

"Chill ka lang Mika. Huwag mong ipahalata na may na kinakabahan ka," aniya pa.

Nakita kong sumenyas si Xin at nagmamadali akong pumasok sa loob.

"Have you decided sirs?" nakangiting tanong ko confidently pero alam kong maputlang maputla na ako na para bang uminom ako ng isang galong sukang puti.

Sinabi nila ang order nila habang sinusulat ko ito.

"And please serve us your best wine," sabi pa ni Spade.

"Okay, wine got it. Anymore sirs?" tanong ko.

"Wala na," sagot ni Rui.

Magalang akong nagpaalam sa kanila bago mabilis na naglakad patungo sa kusina.

Ilang minuto lang ay i-sinerve na ang order nila ng mga ibang maids namin. At maya-maya lang ay nagsimula na silang kumain.

"See? Sabi ko sa iyo e. Chill lang."

"Oo nga. Salamat sa iyo," sabi ko sa kanya.

Patuloy ang pase-serve namin sa mga dumaraming customers. At syempre pa upang masulit naman ng bayad nila, libreng papictures ang naging souvenirs nila mula sa amin.

"Thank you for coming."

Halos mag gagabi na ng matapos festival.

Pabagsak kaming napaupo sa at saka napabuntong-hininga.

"Thanks goodness at natapos na rin," sabi ng mga kasamahan namin.

"Magsasara na tayo hindi ba? Bakit nariyan pa sila?" tanong ko sa kanya habang nililigpit ang mga utensils na nahugasan na.

Napakamot ng ulo si Maxim. Maging siya ay nagtataka rin. Ayaw naman niyang magtanong baka magalit ang mga ito sa kanya.

"Pinauwi ko na yung ibang staff. Tayo na lang ang natitira," sabi niya.

"Gusto ko ng magpalit ng damit. Naiinitan na ako."

"Huwag. Baka mamukhaan ka ni Spade. Better safe than sorry hindi ba?" aniya.

"More wine please!" narinig kong sabi ni Topaz na siyang nagpagulantang sa amin.

Dali-daling kaming lumapit ni Maxim sa kanila.

"Sorry sirs pero ubos na ang aming wine," magalang niyang sabi.

"What!?" pasigaw na tanong ni Rui habang nakatingin kay Maxim. Halatang tamado na ito sa wine, sampung bote ba naman ng naubos.

"Ten bottles lang po kasi ang permitted mild alcohol ng school for this festival po. Naubos nyo pa iyon lahat and it's getting late na rin po," nakangiti at magalang pa ring sabi ni Maxim.

Bigla na lang itong tumayo at hinalikan si Maxim sa mga labi na halos ikinaluwa ng aking mga mata.

What the fuck?!!!

"Please Sir Rui lasing na po kayo, pwede ko pong tawagan ang mga drivers ninyo," kalmado paring sabi ni Press kahit na pulang-pula na ang mukha niya.

Nakakalasing naman ang wine lalo na kapag sumobra na but I'm amazed na kahit binastos na ni Rui si Maxim ay nagawa pa ring maging kalmado ng huli sa lalaki.

Sinubukan kong silipin ang tatlo pang Aces. Tulog na ang mga ito. Mabuti naman. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin si Rui. Agad na tinawagan ni Maxim ang mga driver ng mga ito at pinasundo.

"Grabe nagpahalik ka sa Rui na iyon? Ibig bang sabihin ay-"

"Hindi ako bakla," sagot niya. "Kapag pumalag ako at sinapak ko iyon, lagot ako," aniya.

"Kung sabagay. Kahit siguro ako. Pero mabuti na lang at lasing sila."

"Basta keep it secret," mahigpit niyang bilin sa akin habang nagbibihis pagkatapos naming iligpit ang pinagkainan nila at ibinalik sa normal ang ayos ng classroom.

Quarter to nine na ng makarating kami sa dorm. Pareho kaming nahiga at nakatulog na dahil sa pagod. But still the scene between Maxim and Rui still bothers me. Could it be that Maxim and Ruis have this kind of relationship? I dismissed those thoughts. I saw Maxim kiss a girl secretly, so he is not what I think.

Kinabukasan ay Sabado at may shift kami ni Maxim sa isang fast food chain. Half day lang tuwing linggo si Maxim dahil may part time din itong tutor ng isang elementary student na mas malaki ang kita kesa Pizza house. Sa pagkakaalam ko ay sa isang mayamang pamilya ito nagtu-tutor.

"Mika, three hawaiian pizza boxes for delivery," sabi sa akin ni Gabriel habang nagpupunas ako ng mesa.

Ako kasi ang delivery boy dito at kung wala naman akong delivery, tumutulong ako sa paglilinis sa mga mesang pinagkainan ng mga customers.

"Address?" tanong ko.

"Slovisky residence under the name of Topaz," sagot niya.

Napahinto ako sa ginagawa noong banggitin niya ang pangalan ng customer.

Hah? Topaz?

"Hey hurry up!"

Nauntag ako sa pag-iisip at tinigil ang pagpasok ng what if sa aking isipan. Hindi naman siguro natambay si Spade sa bahay ng barkada niya hindi ba?

Agad kong isinumbrero ang aking sumbrero at saka kinuha mula sa kanya ang dalawang family size na box ng pizza at inaayos sa storage box na nasa likod ng service bike at pagkatapos ay pinaharurot patungo sa isang exclusive subdivision kung saan nakatirik ang bahay, no, hindi iyon normal na bahay kung hindi ay isa ng mansion na pag-aari ng mga Slovisky.

Matapos ipaiwan ng guard ang ID ko ay pinapasok na ako sa loob.

Nag-doorbell ako sa mataas na gate ng mga Slovisky.

Ilang sandali lang ay bumukas ang gate at isang batang babae na mahihinuha mong nasa edad na walo ang nagbukas ng gate. Electric blue ang mga mata nito at blond ang kulay ng alun-alon nitong buhok. Typical Slovisky from Russian bloodline. At ang cute niya.

"Oh. You have two pretty eyes," sabi niya sa akin ng magtanggal ako ng mask sa helmet.

"Thank you but can I talk to Topaz, please?" nakangiting sagot ko.

Ngumiti ito sa akin bago tumakbo papasok sa bahay nila.

"Topy, there's an anime guy with violet eyes outside. He wants to talk to you!" narinig kong sabi ng bata kasunod ng giggles mula rito.

Weird. Dapat sa ganitong bahay ay katulong ang nagbubukas ng gate. Well whatever. It's not my concern.

"There's no such thing as violet eyes Emerald," sagot naman ng isang boses.

"It's real. Come and look at the eyes of the guy outside," sagot ng bata.

Maya-maya lang ay lumabas ang bata kasama si Topaz at shit! May kasama pa ito na hindi ko inaasahan! Si Spade! Malas!

Silang tatlo ay naglakad palapit sa akin habang ako naman ay ninenerbiyos.

"See? I told you he got violet eyes. It's real!" sabi ng bata.

"Hoy ikaw," maangas na sabi ni Spade. "Contact lens ba yang gamit mo sa mata?" tanong niya.

Ninenerbiyos akong sumagot.

"H-hindi po s-sir. I-yan po talaga ang kulay ng aking mga mata. Pa-pasensya na ho," sagot ko bago kinuha ang boxes ng pizza sa bike. Spade is more way taller than me bukod pa sa build na ang katawan samantalang lampa ako at wala pang kamuscle-muscle ang aking katawan.

"You know, you are familiar," sabi ni Topaz.

Napalunok ako.

"Nag-aaral ka ba sa Stanford? Like naging maid ka sa festival kahapon?" tanong niya.

"Ay hindi po," pagsisinungaling ko. "Sa isang public school lang po ako nag-aaral."

"Ah. I see," sabi niya habang tinatanggap ng box.

Si Spade ay hindi kumbinsido. Parang pinag-aaralan nito ang aking mga galaw.

"What's your name?" bigla niyang tanong.

"I-iver Madrigal sir," muling pagsisinungaling ko.

"Where's your ID?" tanong niya.

"Ah.. e kinuha po kasi sa guard house," sagot ko.

Nakita kong tumaas ang pang-itaas nitong labi, arrogantly.

"Tsk. Just get out of my sight," he said rudely.

Rude!

Well, what can I say?

"Do you want to play with me?" tanong sa akin ni Emerald. "Mom, Dad plus maids are off tonight. It's only me, my brother and his friends who were here. I feel lonely. Would you like to play?"

Bahagya akong yumuko upang pumantay sa height ng bata.

"I'm sorry sweetheart but I can't. I still have work to do. Maybe some other time?" sabi ko.

"Okay," sagot nito.

Matapos mabayaran ay nagpaalam na ako sa kanila.

"Hoy Iver," sabi ni Spade ng makatalikod na ako.

Anak ng? Ano na naman ang kailangan niya?

"Siguraduhin mo lang na hindi ka nag-aaral sa Stanford. Kasi kapag nakita kita roon, lagot ka. May taong katulad ng kulay ng mga mata mo ang may atraso sa akin."

I swallow the lump in my throat.

Pagbabanta ba iyon? Anong gagawin ko?

I left without saying thank you. The mere presence of that monster is making me nervous.

"Sabi ko na sayo eh. Hindi nakalimutan ni Spade yung banggaan namin," sabi ko kay Maxim ng mag-off duty na kami.

"Anong ginawa mo?"

"Nagsinungaling ako. Tinanong niya kung nag-aaral ba ako sa Stanford sabi ko hindi at tinanong niya ang pangalan ko."

"Sinabi mo yung pangalan mo?"

"Hindi no. Baka hanapin sa data ng school ang pangalan ko eh di nabuking ako. Iver Madrigal ang sinabi ko."

"Good at least safe ka. Basta li-low ka lang sa school. Huwag masyadong gumala para hindi ka niya makita. Nakakatakot pa naman ni Spade."

"Kaya nga e. Ang angas ng dating."

For a five flat plus a skinny body I have, compared to a guy taller than me and with a body that is probably honed with workouts, I am no match with that Spade.

"Mika, pwede bang pakihatid mo sa faculty ang mga ito?" tanong sa akin ng Algebra teacher namin.

"Sige po," sagot ko bago binitbit ang mga manila papers na ginamit namin sa discussions kanina.

Nadatnan kong may komosyon sa third floor ng building ng mga senior year students. At sa gitna ng komosyon na iyon ay naroon ang mga Aces at isang lalaking duguan ang bibig.

"Sinabi ko sayo na huwag mo akong tatablahin Clyde. Bakit mo sinulot si Trixie?" pagalit na tanong ni Spade sa lalaki.

"Hindi naman kita tinabla Spade. Siya ang kusang lumapit sa akin. Hindi ko intensyon na agawin siya mula sa iyo," sagot ni Clyde.

"Anong hindi? Malinaw na alam mong gusto ko siya pero inagaw mo pa rin siya sa akin," galit na sigaw niya sabay suntok sa kaawa-awang si Clyde.

Gustong-gusto kong tulungan si Clyed lalo nat pinagtutulungan na ng mga Aces ito. There's something in me that urges me to help him. I'm about to walk between Spade and Cycled.

"Don't ever think about it Mika. Mapapahamak ka," pigil sa akin ng teacher.

"Pero sir, baka kung anong mangyari sa kanya," nag-aalalang sabi ko sa kanya.

Umiling-iling ang teacher. Halatang gusto rin niyang tumulong ngunit natatakot din siya. Wala akong nagawa kung kaya sumama na ako sa teacher upang ihatid ang mga gamit niya. If you go against those Aces, every promising future you will have will just going to vanish.

Trust me.

And that the thing I don't like happens to me.

Pagbalik ko ay wala na ang komosyon at nakita kong nakahandusay sa tiled floor si Clyde at duguan. Dali-dali akong lumapit at pinunsuhan ko siya.

Buhay pa ito at saka ako nagtawag ng guard upang madala sa ospital ang lalaki. Ako na rin ang tumawag sa parents niya upang maasikaso ang pagpapa-ospital nito sa kanya.

That's the only thing I can do for him. I pitied him, yes, and for some reason, I think that will also happen to me in the near future.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height