C4 Black ship of the family
Spade
"What the hell is wrong with you!?" nanggagalaiting tanong sa akin ni Dad ng makauwi ito galing sa ospital kung saan naka-confine si Clyde.
Hindi ako umimik. Alam kong sesermunan na naman niya ko na halos araw-araw niyang ginagawa.
"Clyde's parents are important partners of mine in our business at dahil sa ginawa mo, nanganganib na umatras sila sa project na itatayo namin. Hindi porke't anak ka ng isa sa may-ari ng Stanford at pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Spade, hindi mo pag-aari ng buhay ng mga nag-aaral doon kaya hindi ka pwedeng manakit. Ilugar mo ang kayabangan mo or else, ipapadala kita kay Uncle Garnet mo," sabi pa niya sa akin na ikinainit ng ulo.
"Don't you dare! Ayokong makisama sa baklang iyon," pasigaw na sagot ko kay Dad earning me a back slap on the face.
Nakita kong galit na galit na ngayon si Dad.
"Oo bakla si Garnet pero hindi siya naging katulad mo! May dignidad siya at alam niyang lumugar sa tama unlike you, hindi ko alam kung saan ka nagmana o kung bakit naging black ship ka ng pamilya Spade. I am disappointed at you," anitong bakas na bakas pa rin sa mukha ang galit. " And it's a shame I am your father and you are my son."
"Niko, huwag namang ganyan," sabi ni Mommy na nakikinig lang sa amin ni Dad.
"Look Suzie masyado mong na-spoiled ang batang iyan kaya lumaki ang ulo at tinubuan ng sungay. Now hindi na maputol ang sungay niya at ngayon ay nanunuwag na. What a big disappointment," iyon lang ang sinabi ni Dad bago tumalikod at umakyat na sa hagdanan.
That hurts. A disappointment. It hurts to hear those coming from your own father, sa totoo lang.
Napakuyom ako sa aking kamao.
Bumuntong-hininga si mommy habang nakatingin sa akin bago sumunod kay daddy sa itaas.
Hindi naman ako ganito dati. Isa akong mabait at masunurin na anak noon noong simple pa lang ang buhay namin. Noong hindi pa nag-take charge si Daddy sa negosyong naiwan ng Lolo na ama niya. Dad wants a simple life lang noon kaya pinakasalan niya si Mommy na noon ay anak lamang ng isang government employee. Okay naman yung buhay namin. Masaya at kuntento kahit na hindi kami mayaman.
Nagbago lang ito noong minana niya ang negosyo ng Lolo ng pumanaw ito. May kapatid si Dad, si Uncle Garnet, na successful businessman sa abroad. Kilalang galing sa Mafia clan si Lolo at may posisyon ito doon na kung saan ang pangatlong kapatid naman nilang si Azure ang pumalit.
Parehong walang interest ang dalawa sa naiwan ni Lolo kung kaya si Daddy na ang umako sa lahat at simula noon ay nawalan na siya ng oras sa akin. When I was twelve, doon na akong nagsimulang mag rebelde. And since then para kay Daddy, isa akong malaking disappointment. All I want is to give me some time tulad dati, noong simple pa lang ang aming pamunuhay.
Namayagpag ako sa Stanford kasama ang tatlong iba pa. Kami ang naging siga doon at wala kaming kinatatakutan. Bakit pa? Eh kami ay may kapangyarihan doon. Kinatatakutan kami ng mga estudyante at mga guro roon. Kung trip namin mambugbog, ginagawa namin.
And that makes me satisfied.
Katulad noong isang araw. Badtrip ako noon habang naglalakad sa corridor ng building one nang binangga ako. Normally, susuntikin ko sana ang gumawa niyon ng walang imik ngunit ng makita kong isa itong babae na may kulay violet ang mga mata, nagpigil ako. I only cursed at whoever that cosplayer was.
Akala ko contact lenses iyong kulay ng mata ng Lolita maid na iyon ngunit nakita kong totoo ito. Bumagay ang mga ito sa kulay ng kanyang balat na bahagyang maputla at ang mukha niyang parang may lahing banyaga. For some reason, kumalma ako at akmang hahaplusin ang pisngi niya pero kumaripas ito ng takbo. Damn, parang hinaplos ng kung ano yung dibdib ko. Galit ako,oo. And I want someone to vent my anger out. I mean that maid calm the raging beast inside of me.
Pinagtawanan ako nina Rui.
"Natakot yata sa iyo," panunudyo ni Xin.
Akala ko babae siya. Sobrang ganda niya kung sakali pero nadismaya ako ng sabihin ni Topaz na may maid cafe sa first building at ang mga staffs doon ay mga lalaki na naka-cosplayer ng maid.
So ibig sabihin ay lalaki ito.
Bwiset!
I'm not gay. That's a one hundred fact. But that damn maid.
Ugh!
Si Rui na rin ang nag-aya sa amin na i-check ang naturang cafe dahil ayon sa kanya, kilala niya ng president ng club na nag-organized dito.
Nakita ko siya roon. Siya iyong matiyagang nag-entertain sa amin sa kabila ng nerbiyos niya. Napansin kong may maganda siyang mga ngiti na lalong nagdi-deep ang kulay ng mga mata niya at lumalabas ng bahagya ang dimple nito sa kanang pisngi.
Kung talagang dito siya nag-aaral, malamang ay lalaki ito. All boys school dito kaya walang babaeng nag-aaral dito. Naka make-up lamang ito kung kaya naitago ng maigi ang pagmumukha niya.
"But he is beautiful, admit it you piece of shit," my subconscious said.
"The fuck who you calling a shit, bastard?" I fumed.
"Who else? Don't be dumb."
"Fuck you!"
Nakita ko sa school magazine ang litrato ng maid noong festival. He really looked so beautiful kahit saang anggulo siya kinunan ng stolen shots. I wonder kung bakit sa lahat ng ng maids na naroon ay bakit ito lang ang laging nakukunan ng pictures. I wanted to keep that picture all to myself. What the? Ano ba itong nasa isipan ko? I shook my head and tried to clear everything about that maid out.
Wait, what?
Fuck, what did I just say?
What was that about? Why did I say I wanted to keep him all to myself? What the fuck is happening to me!?
"Considering you loathed your Uncle Garnet for being gay. Looks like someone is acting a hypocrite. You feelin' like your gay now?" my bitch subconscious said once again ever a bitch as usual.
"No, I'm not!"
"Yes, you are!"
"I'm not! Damn it!"
"Then why are you having a hots for a boy with violet eyes? If that's not being gay, then what is that?" tanong nito emphasised the word boy at me.
"I don't fucking know!"
It actually made it laugh.
"You're a GAY. Period."
Wala sa loob na nalakumos ko ang school magazine.
Noong Sabado ng gabi ay nakakita rin ako ng lalaki na kulay violet rin ang mga mata. Akala ko ay siya iyong maid sa school pero tumanggi ito at sinabi niyang sa public school ito nag-aaral at ang pangalan niya ay Iver Madrigal. So hindi siya iyon.
Is having violet eyes common now?
"You're ruining the magazine, Spade. What is your problem?" said the voice of the student who is staring at me.
I glared at him.
If there's someone who isn't afraid of me, that would be Sapiro. His family is friends of mine and we grew up together.
"Anong pangalan ng maid na iyan?" tanong ko kay Sapiro, ang editor in charge ng magazine pointing the maid with violet eyes.
"Mikaeel Short, a transferee, and sophomore dito sa school natin. Why?" tanong ni Sapiro.
"Patingin nga ng normal look niya bilang estudyante dito," sabi ko sa kanya.
"Wait a sec," aniya bago nag-type ng kung ano sa laptop niya.
Maya-maya ay ipinakita niya ang screen ng laptop sa akin at nakita ko ang mukha nito ng hindi naka-disguised at walang make up na nagko-conceal ng kanyang real face and yeah, he's a one hell of beauty.
Huh?
Napahampas ako sa table ni Sapiro na ikinagulat nito.
"What the fuck is your problem?" gulat nitong tanong bago tumingin sa screen ng laptop niya at tumingin sa akin bago ngumiti with malice on it at bumalik sa ginagawa niya.
"Why are you smiling?" inis na tanong ko sa kanya.
"It's nothing," sagot niya pero alam kong may iniisip ito.
Sa tindi ng inis ko at hindi maipaliwanag na pakiramdam ay ibinaling ko na lamang sa pagche-check ng bio niya rito.
Siya iyon!
With his violet eyes at dimple, siya nga iyong maid na iyon at pizza boy.
Ang mas interesado pa ay honor student ito at scholar pa ng eskwelahan.
Matalino, I see.
Ngumisi ako.
"I know that smirk. Interesado ka?" tanong ni Sapiro na tapos na pala sa ginagawa.
"Nope. May atraso kasi sa akin ang isang iyan," sagot ko.
Sapiro doesn't look like he believed in me.
"I see. Pero marami na ring tumawag sa akin mula sa girls department ng Stanford sa Marita. Some girls express their interest at him. At iniimbitahan siya sa school nila sa festival nila na darating. The President specially asked me if I can arrange that matter."
"Don't. Tell them he is not available. Tell them a lion owns him starting today," sabi.
Ngumisi ito sa akin.
"Matindi. I see. You are interested, hmm. So you already admitting that you're-"
"Heck no! I'm not what you think. It's just this guy that interested me more than anyone else," pasigaw na sabi ko sa kanya, cutting whatever he wanted to say.
He smirked at me. Obviously, something is playing inside his head. But who cares? Sapiro is gay and he has a boyfriend.
"Alright," he said surrendering. "You're not a gay, yet. You are just interested in him," sabi niya na diniinan ng salitang yet.
"If I am interested, you know what I do. Kilala mo ako hindi ba? What I want is what I get."
"Oo na. So, what do you want me to do?" tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Bukod kasi sa pagiging editor in charge nito ay rin ang school government council president at isa sa mga king of hearts slash devil in disguise.
Napangisi ako sa kanya.
"Organize the Game and make sure he's gonna get the target card."
Ngumisi ito.
"Okay. As you say so, in denial guy,"
"Shut up!"
Tanging tawa lang nito ang aking narinig habang palabas ako sa kanyang opisina.
You will taste the flavor of how to be my slave, my little Mika… You'll see.
"Good morning students of Stanford. I would like to formally announce to you that starting today, the famous game called Chasing Cards Game will start any hour today. Ace of Spade told me to organize this game as our yearly game and it was decided to do this today. As always, the class will be suspended and every student is required to join the Chase. The card that will be chased is the spade joker. This time, the Spade himself will grant a prize to any student who brings whoever the holder of the said Joker, clean, uncut, and untouched to him. A huge prize will be given to the one who found the joker first. The drawing of cards will be this afternoon after our class at the exit gate of the school. So pick wisely fellow students. Remember, you can hide, you can disguise but you can't ever escape from the Aces. Thank you."
"Wow," sabi ni Rui ng makaupo ito sa isang sofa matapos ang second class nito. "Is that even for real? You can just get him if you want."
"Where's the fun in that?" tanong ko bago nagsindi ng sigarilyo putting my feet on my table.
"Parang hindi mo naman kilala yang si Spade. Kapag namarkahan ka niyan, patay na," natatawang sabi ni Topaz habang naka-unbotton ang upper button ng uniform niya habang umiinom ng soft drink.
"Huwag mong sabihin na nababakla ka na," pabirong sabi ni Xi.
"There's always an exception. Hindi ba Rui?" sagot ko sa kanya bago humithit sa yosi.
Lumingon sa akin si Rui at ngumisi.
"Of course. Of course," aniya.
"What happened to the mighty and feared Spade Rodriguez? Is slowly becoming a gay?" Xin jokes at me.
"I said this one is an exception, Xin. You're not even listening," inis na sabi ko sa kanya.
He rolled his eyes at me.
"Yeah, whatever."