+ Add to Library
+ Add to Library

C7

Una ay ang Sky Flame Kingdom at ang pangalawang kaharian ay ang Sky Ice Kingdom. Liban sa magkaiba ang kanilang pamamalakad maging ang kanilang prinsipyong pinaniniwalaan ay magkaiba rin. Dahil dito ay nagkaroon ng malaking gulo at pinsalang dinulot dahil sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang kaharian. Mabuti na lamang at isang dekada ng nananahimik ang dalawang kaharian sa hindi malaman na rason. Sa pagdaan ng panahon ay nakalimutan na rin ito lalo pa't matagal na rin ang isang taon.

Alam ni Li Qide na sa kanilang lugar ay walang nagkakainteres dito maging ang malaking sakop ng kaharian ng Sky Flames Kingdom. Sa totoo niyan ay sakop sila ng Sky Flames Kingdom ngunit dahil sa natural na mababang porsyento ng talento ang mga nagiging Martial Artist dito lalo pa't ang nagiging posisyon lamang ng mga Martial Artist ay hunter laamng na siyang tumatanggap ng misyon upang manguha ng mga kakaibang mga bagay kagaya ng mga Spiritual Herbs o kaya ay makipaglaban sa mga Magical Beasts. Kung gugustuhin ng ibang Martial Artist na dumito lamang sa kanilang lugar o kaya ay sa mga ordinaryong lupain ay siguradong matataas ang kanilang posisyon ngunit konti lamang ang nanatili dahil na rin sa marahas at napakakomplikado ang pagtahak sa larangan ng Martial Arts ngunit marami ang nakikipagsapalaran upang makamit ang minimithing tagumpay.

...

Mula sa loob ng Li Clan ay biglang lumabas si Sandro Li na siyang Chief ng Lugar kasama ang apat na Elder ng Li Clan. Hindi basta-bastang panauhin ang kanilang hindi inaasahang darating lalo pa't mga kawal ito ng isang kaharian na malapit sa kanila. Kailangan nilang magbigay respeto sa mga may katungkulan sa mga kahariang malapit sa kanila. Isa lamang sila sa maraming mga angkan na naririto kung kaya't hindi maitatangging ordinaryong mamamayan lamang sila ng Dou City ng Tang Country. Sinong mag-aakala na magpapadala ang Sky Flame Kingdom ng mga kawal papunta sa kanilang lugar. Ito ang gumugulo sa isip ni Sandro Lina siyang Chief ng Li Clan.

Ngunit wala siyang nagawa kundi komprontahin ang kaniyang mga bisita ng may paggalang.

"Ang buong Li Clan ay bumabati ng paggalang sa aming kagalang-galang na bisita. Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?" Sambit ni Sandro Li ng may mahinahong boses tanda ng paggalang. Tanging siya lamang ang nagsasalita at tahimik lamang ang mga Elders sa kaniyang likuran. Hindi alam ni Sandro Li na magpapadala ng personal na mga kawal ang isang malaking kaharian ng Sky Flames Kingdom na siyang sakop ang kanilang lugar ng kaharian na ito. Alam nilang kapag nagkainteres ang kahariang ito sa kanila ay siguradong tataas ang kanilang estado sa kanilang lugar. Masyadong mababa ang estado ng Li Clan lalo pa't limitado lamang ang kanilang Cultivation Resources at mabababa lamang ang kanilang Cultivation Level.

Hindi maipagkakailang ang kanilang Li Clan ay may malaking populasyon pero mababang Martial Artist lamang ang kanilang napalaki at halos bilang lamang ang kanilang naaalagaan.

"Maaaring nagtataka kayo kung bakit nandito kaming mga kawal ng Sky Flame Kingdom. Kayo ang pinakahuling angkan na nasa listahan na aming pinuntahan. Ang pagpunta namin ng personal ay ito ay dahil may nais iparating na anunsiyo ang kahariang sakop ng lugar na ito. Sa darating na isang taon ay magkakaroon ng kompetisiyon upang bigyan ang bagong henerasyon na maging isang malakas na Martial Artist sa hinaharap. Bibigyan namin ng mga pabuya ang sinumang maging outer disciple ng Sky Flame Academy. Ang pabuya ay ang mga Cultivation Resources kagaya ng mga Cultivation Pills, Herbs, Weapons at iba pa. Maging ang mga pamilya o angkan ay makakatanggap din ng mga benepisyo. Hindi naman siguro makakaila sa inyo ang Sky Flame Academy ay isa sa prestigious school para sa mga Martial Artist na sakop ng Sky Flame Kingdom. Ito ay dahil na rin sa utos ng Mahal na Reyna at hari maging ang mga Royal Court at mga Elders. Lahat ng sakop ng Sky Flame Kingdom ay dapat makilahok lalo pa't ito ay para rin sa benepisyo ng inyong mga henerasyon sa hinaharap." Mahabang salaysay ng isang kawal. Makikita mo sa pulang baluti nito na isa itong mensaherong kawal lalo pa't may simbolo ng pulang envelope ang nasa bandang kaliwang dibdib nito. Kahit na isa silang kawal ay hindi sila eksperto sa larangan ng pakikipaglaban kagaya ng mga kawal. Halatang sinanay sila upang magpadala ng mensahe at tanging ang pagtakas at iba pang kalse ng pagpapadala ng mensahe sila eksperto.

"Sky Flame Academy, isa ito sa malakas at tanyag ng Akademya para lamang sa mga henyong Martial Artist. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng ganitong klaseng pagkakataon na ibinigay ang ating mga kamahalan. Nais kong ipagbigay mensahe sa Mahal na Hari at Reyna na lubos naming tinatanggap ang pagkakataong ito at ang aming lubos na pasasalamat sa ibinigay na malaking pagkakataong ito. Asahan niyong tutugon kami sa anunsiyong ito." Sambit ni Sandro Li sa malumanay na boses ngunit ang kaniyang tuhod ay nanginginig sa sobrang galak lalo pa't hindi basta-bastang anunsiyo ito lalo pa't may pagkakataon na ang Li Clan upang maipakita ang kanilang mga tinatagong talento lalo na sa larangan ng Martial Arts.

"Asahan mong ipagbibigay-alam ko sa mahal na hari at reyna ang iyong pasasalamat, mauna na kami."Sambit ng mensaherong kawal sa payak nitong boses ngunit halatang ipinapakita nito na mas lamang siya sa mga taong naririto.

Kahit na nahalata ito ni Sandro Li na siyang Chief ng Li Clan ay isinawalang-bahala niya na lamang ito. Alam naman niyang isa lamang ang Li Clan sa itinuturing na mahihinang puwersa ng Sky Flame Kingdom. Ang kanilang lugar ay masasabing ordinaryong lupain lamang kumpara sa Sky Flame Kingdom. Ang buong Sky Flame City ay pinamumunuan ng Sky Flame Kingdom. Sino ang maaaring komontra sa nakakataas? Maging siya ay pinili lamang manahimik kaysa umangal. Ang malalakas na nilalang lamang ang maaaring mamuno at ang mahihina ang siyang nagiging parang alipin ng mga malalakas.

Nang makaalis na ang mga mensaherong kawal ay doon lamang nakahinga ng maluwag si Sandro Li at ang mga Elders ng Li Clan. Talagang mga malalakas na mga eksperto at nabibilang sa mga kilalang pwersa ang kanilang mga bisita. No one would ever want to mess with them even sila na nakatira sa lupaing ito na maituturing nilang kanila pero sa mata ng mga Sky Flame Kingdom, they are just a peasant.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height