+ Add to Library
+ Add to Library

C9

Mayroong kung anong bagay ang umiikot sa isipan ni Li Qide lalo na yung patungkol sa kung paano nahuli ng kanyang anak ang isang Black Roping Fish na siyang isang delikadong nilalang lalo na sa anim na taong gulang ngunit nang napagtanto ni Li Qide na imposible na mahuli ito ng anakgamit ang kaniyang natural na lakas. Nakita niyang may mga sugat ang black Roping Fish sa katawan nito na alam niyang hindi iyon mula sa kanyang anak.

Nang napagtanto ito ni Li Qide ay nabalot ng kung anong klaseng pangamba sa magiging kahihinatnan ng Trial na ito maging ang negatibong epekto nito sa kanyang anak na si Li Xiaolong ngunit ayaw niyang magpadaig sa takot o pangambang kanyang nararamdaman.

Naniniwala pa rin siya kakayahan at abilidad ng anak niya. Bilang ama, ayaw niyang siya ang unang maaapektuhan kung saka-sakali mang mabigo ang anak niyang si Xiaolong.

"Sana kayanin mo anak ang kahihinatnan ng Trial na ito..." Sambit ni Li Qide sa kanyang isipan habang tinatingnan ang kanyang anak na masayang nilalaro ang kanyang bunsong kapatid na si Li Ying na karga-karga ng kanyang asawang si Li Wenren.

Nang makita niya ang kanyang pamilyang ganito kasaya ay naging panatag ang kanyang loob. Kung anuman ang mangyayari maya-maya lamang, bilang ama na tumatayong haligi ng tahanan ay aakuin at poprotektahan niya ang kanyang anak, emosyonal o pisikal man laban sa makakasakit na bagay o nilalang sa kanyang anak.

...

"Magandang Araw, ako nga pala si Li Jianxin ang magiging Host niyo ngayon sa Martial Talents Trial ngayon. Bago ang lahat, isang masigabong na palakpakan naman diyan!"Nakangiting sambit ni Li Jianxin.

Napakaganda ni Li Jianxin. Dalawampong taon pa lamang ito sa kasalukuyan ngunit napakataas na ng kanyang Cultivation Level. Nasa Late Bone Forging Stage na siya na baka sa susunod na isa o dalawang taon ay makakatapak na siya sa Pulse Condensation Stage. Maraming magagandang mga haka-haka tungkol sa kanya lalo na sa mga balitang nakakalap ng Green Valley tungkol kay Li Jianxin patungkol sa naging paglalakbay nito sa iba't ibang sulok ng Dou City lalo na ang pagpatay nito sa isang grupo ng mga bandido na may malakas na puwersa ngunit natalo ito ng kinabibilangan ng grupo ng Fire Squadron ng Sky Flame Kingdom. Para sa kanila lalo na sa mata ng mga kalalakihan ng Li Clan, isang diyosa na bumaba mula sa kalangitan si Li Jianxin na hindi nila maabot. Nakontento na lamang ang mga kalalakihan sa pagtanaw sa dalagang para sa kanila ay hindi nila maabot-abot kahit na anuman ang kanilang gawin.

...

Ang Body Transformation Stage ay nahahati sa anim na stages. Ito ay ang Strength Training, Flesh Training, Viscera Training, Altering Muscle, Bone Forging at ang Pulse Condensation Stage.

Isa ito sa pinakauna at pinakaimportanteng bagay na dapat isaalang-alang ng bawat Cultivators para magkaroon ng solid foundation ang lanilang katawan upang ihanda ang kanilang sarili sa pangangalap ng katawan nila ng Essence ng kalupaan at ng kalangitan na siyang matatagpuan sa paligid ngunit nakikita ninuman.

Kung mahina ang iyong pundasyon sa katawan ay siguradong hindi makakayanan ng iyong katawan na humigop ng maraming enerhiya na siyang dahilan kung bakit ang iba ay humihinto na lamang ang kanilang pag-angat sa larangan ng Cultivation at nalalapit nilang kamatayan.

Maituturing na komplikadong bagay ang pag-cucultivate at ang pagtahak nito ay sobrang delikado. Ang isang Cultivator ay dapat na sumabak sa mga labanan, pakikipagsapalaran para humanap ng mga kayamanan, pagkakaroon ng tinatawag ng suwerte ngunit hindi lamang suwerte ang kinakailangan ngunit ang pagkakaroon ng determinasyon na isagawa ang isang bagay upang makamit ang kanilang ninanais.

Sa puntong ito, hindi lahat ay umaayon sa kanila ang suwerte maging ang pagkakataon na siyang nagreresulta ng mga hindi mabilang na namamatay o mortality rate sa mga paglalakbay o pagsuong sa mga delikadong lugar.

Ang lugar na ito ay tinatawag na Green Valley na sakop ng Dou City nang Tang Country. Sa napakaraming lugar ng Dou City ay walang nagkakainteres sa talentong meron ang Green Valley. Itinuturing lamang ng mga pamunuan ng Dou City na basurang talento ang taglay ng mga Martial Artist na sakop ng Green Valley idagdag pang mahihirap lamang na angkan ang turing nila sa Sampong Clan na meron dito.

Hindi nga maituturing na First Rate ang Green Valley dahil halos walang may mataas na Cultivation Level ang nagmumula rito at halos napaslang ang siyamnapong Cultivator na pakikipagsapalaran sa ibang lugar sa Dou City maging sa ibang lugar.

Dahil dito ay wala silang pakialam sa sinumang Cultivator na meron dito, ilang beses na silang napahiya kung kaya't malayang makakalabas-masok ang mga malalapit na mga Kaharian dito.

Apat na kaharian ang mayroon sa lugar ng Dou City at masasabing malapit sa Sentro ng Dou City ang Green Valley ngunit malimit lamang itong daanan lalo pa't walang nagkakainteres dito lalo na ang apat na kaharian. Ang apat na kaharian ay walang iba kundi ang Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Wind Fury Kingdom at ang Hollow Earth Kingdom. Bawat isa ay nagsasagisag ng apat na elemento o attribute ng apoy, tubig/yelo, hangin, at lupa. Bawat isa ay may taglay na kakaibang lakas mapa-skills man o makapangyarihang elementong meron sa kalikasan na siyang natural na enerhiyang nagbibigay buhay sa kapaligiran maging sa mga nilalang na naninirahan sa iba't ibang lugar.

...

"I love you Li Jianxin!"

"Ang diyosa ng buhay ko!"

"Kailan mo kaya ako mapapansin?!"

"Idolo ka namin!"

Maraming mga maririnig na mga hiyawan si Li Jianxin sa paligid ng maliit na Arena ng Li Clan. Halos mamula siya ngunit agad niyang pinakalma ang kanyang sarili. Siguro ay maraming nakalap na impormasyon ang mga tauhan ng Li Clan patungkol sa kanyang paglalakbay sa loob ng Dou City sa iba't ibang lugar nito ngunit mayroong malungkot na parte sa kanyang puso. Kung nalaman lamang ng mga tao na isa lamang siyang karaniwang Martial Artist sa loob ng Dou City na walang personal na recognition o achievements ay siguradong hindi siya papansinin ng mga ito. Aaminin niyang may taglay siyang ganda ngunit sekondarya lamang ito lalo pa't lakas ang nangingibabaw sa labas ng Dou City maging sa ibang City ng Tang Country.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height