C16 Chapter 16
Mahimbing pa rin ang tulog ni Franco sa tabi nya kaya naman nang magising sya sa pagtilaok ng manok ay dali syang nag-unat.
Minabuti nyang magluto ng agahan para sa kanilang dalawa, nagsangag sya ng kanin at nagprito ng itlog.
Ang bestidang suot suot nya kahapon ay lalabhan nya mamaya at patutuyuin sa hangin, mukang sisikat na rin naman ang araw. Kailangan ay matuyo iyon agad upang makauwi sya
