C17 Chapter 17
Mahigpit na hinawakan ni Franco ang kamay niya pagkapasok nila sa Hacienda. Hindi nya alam kung bakit ganoon na lamang ang kabang nararamdaman nya habang papalapit ang mga yapak nila sa Mansyon.
Naramdaman nyang pinisil ni Franco ang kamay nya.
Hindi pa man sila nakakatungtong sa loob ay bumukas na agad ang pintuan at niluwa niyon ang Daddy at Mommy nya.
Gulat na gulat ito nang makita sya
